Chapter 30

5.1K 77 7
                                    



I went to my bedroom and lie down. Iba ang sakit na nararamdaman ko sa aking katawan. I cleared my throat a lot of times and my head was aching so bad. Ipinikit ko ang aking mga mata upang matulog. Umaasa na maaaring sa paggising ay wala na ang sakit na nararamdaman.

But I was wrong, after a few hours, mas lumala ang aking pakiramdam. I am chilling. I can't even move my body to get up and take a glass of water.

"D-Damn it. I-I have work tomorrow."

Inabot ko ang aking cellphone at tatawagan sana si Manang Selya para mapuntahan ako at mabigyan ng tubig pero ibang numero ang aking napindot dahil sa malabong paningin.

"Hello?"

I took a long time to answer because my throat is aching.

"W-Water..."

"S-Sir Rozzean?"

"I n-need water, bring water in my room."

"Okay, sir! sandali!"

Hindi nagtagal ay narinig ko na bumukas ang pinto ng aking bedroom. I heard the tone of my aircon. Mukhang hininaan niya ang aircon ko.

"S-Sir?" she asked.

"Water."

"Sir, may sakit po kayo, kailangan ninyo na kumain. Mainit pa po itong tinola, makakahigop kayo ng sabaw. May gamot rin dito."

"Sana sir sinabi ninyo po na masama ang pakiramdam ninyo, naagapan pa sana."

I closed my eyes. This maid is really different. She's talkative. Sumasagot pa pabalik sa akin na kaniyang amo.

Kinuha ko ang tubig at uminom ng kaunti. Hindi man lang non maiwasan ang sakit sa lalamunan na nararamdaman ko. Kahit hirap ay sinubukan ko na sumandal sa headboard ng aking kama.

"Sir, dapat ay nagdamit kayo. Kaya po kayo giniginaw. Malakas na po ang aircon dito pagpasok ko tapos wala pa po kayong pang-itaas. Nasaan po ba ang drawer ninyo?"

Tinitigan ko siya. She's really different.

"Sir, nasaan po ang drawer ninyo? kailangan ninyong magdamit. Gusto po ninyong mamatay? hindi ninyo naman po siguro gusto magka-hypothermia?"

Tumingin ako sa direksyon ng mga gamit ko. Mukhang nakuha naman niya ang nais kong sabihin kaya't tumayo siya kaagad.

Nahiga ako at Ipinikit kong muli ang aking mga mata. Masama talaga ang pakiramdam ko. Hindi maaaring ganito ako hanggang bukas.

"Sir, suotin mo na po."

"Natutulog po ba kayo ulit sir?"

"M-Makakasagot... ba... ang tulog?" tanong ko.

Bumangon akong muli kahit nahihirapan, sumandal ako sa headboard ng kama, kinuha ko ang aking damit at isusuot sana iyon nang mahirapan akong itaas ang mga kamay ko. Fck. I can't even lift my arms.

"Sir, ako na," sabi ni Tali sa akin.

Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Kinuha niya ang damit at lumapit sa akin. I gulped when she was so close to me. This is the first time that I let someone touch me. Lalo na at isa pang katulong. I can smell her, and the smell lingers.

I was looking at her while she put the shirt on me.

She has round expressive eyes, and pouty lips. Her face was so close to me. Napatingin ako sa pang-ibabang labi niya nang kagatin niya iyon habang nakatingin sa akin. I suddenly felt a strange feeling when she did that.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now