Chapter 119

3.2K 48 0
                                    

Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje

"R-Rozzean!"

What the hell? a-akala ko ay next week pa?

"Rozzean!" sigaw ko ulit.

Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng aming silid. Nang magkatinginan kaming dalawa ay mabilis siyang lumapit sa akin.

"W-Why?"

"My water just broke! m-manganganak na ako!"

Nagkatinginan pa kaming dalawa. Hindi siya kumilos.

"Rozzean!" sigaw kong muli. Nang mahimasmasan siya ay binuhat niya ako at tinungo ang garahe. Nadaanan pa namin si Luther. Mukhang nagtatrabaho pa sila!

"Manganganak na?!" tanong ni Luther.

"Oo!"

Nakayapak pa si Rozzean at nang pinaandar niya ang sasakyan ay napahiyaw ako sa sakit.

"Fck!"

"Ako na ang magda-drive, nasaan iyong mga gamit ng mga bata?" tanong ni Luther na umikot.

"Damn, oo nga!" rinig kong sabi ni Rozzean at lumabas ito ng sasakyan.

Para akong mahihimatay sa sakit na aking nararamdaman.

"Ahhh!!" sigaw ko nang makaramdam ng hapdi. Nang bumalik si Rozzean sa loob ng sasakyan ay dala na niya ang gamit ng mga bata. Luther drove fast. Tinungo namin ang ospital. Kinontak na rin ni Rozzean si Ferline ngunit hindi ito sumasagot.

"O-Oh gosh... ang sakit."

Pinalis ni Rozzean ang luha sa mukha ko at mahigpit akong hinawakan sa braso. Nang mapatingin ako sa kaniya ay nakita ko na namumutla siya.

"Baby... calm down, okay?" he said pero mukhang siya ang kailangan kumalma dahil ang putla niya na!

"D-Don't faint! huwag! ahhhh!"

Sa aking muling paghiyaw ay nagulat siya. Hindi nakalagpas sa akin ang paglunok niya at mas lalo pang nawalan ang kulay ng mukha niya.

Hinimas niya ang tiyan ko at hinalikan niya iyon. He's whispering to our babies. Nang muling sumigid ang sakit ay napahiyaw akong muli. Naibaon ko ang aking mukha sa leeg ni Rozzean at napaiyak ako.

"You are strong, baby... you can do this..."

Nang makarating kami sa ospital ay iyak pa rin ako ng iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Naririnig ko rin ang boses ni Rozzean. Pinapalakas niya ang loob ko. Hawak-hawak rin niya ang aking kamay ng mahigpit.

Nang makapasok na kami sa delivery room ay naroon siya. Napalitan na rin ako ng patient gown.

"Hello, mother, I am Dr. Yan an ob-gyne," isang lalakeng doctor ang pumasok sa loob.

"W-Where's Ferline? nasaan si Doctora Ferline? siya ang ob-gyne ng asawa ko," sagot ni Rozzean.

Ang lamig na ng pawis ko dahil sa nararamdaman na sakit.

"Nagpapaanak pa rin po siya at mukhang nagkaroon po ng problema sa schedule--"

"What? and you are t-the one who will..."

Tumango ang lalakeng ob-gyne.

"Ahhh!" napasigaw ako nang makaramdam ulit ng sakit. Nang lapitan ako ng lalakeng obgyne at itaas nito ang suot kong damit upang tingnan ang aking sentro ay nagulat ako nang itulak ito ni Rozzean.

Napaawang ang mga labi ko.

"Stop!" my husband shouted.

"Y-You are a man and--"

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now