Chapter 65

3.2K 52 4
                                    

Nagpunta ako ng maaga ngayon dito sa bahay ng mga magulang ko dahil mamaya ay magluluto akong muli at pupunta sa bahay ni Rozzean. Kahit na hindi naging maganda ang pagpunta ko kagabi ay hindi iyon nakabawas sa kagustuhan kong muling subukan na makuha ang patawad niya.

"What are you doing here early this morning, Tangi?"

Nakatayo ako sa gilid ni Daddy habang nagka-kape siya. Nakatago sa aking likod ang mga kamay ko na namumula pa rin dahil sa pagkapaso kagabi.

Wala akong sinabi sa kanila na darating ako ngayon. Hindi ako nag-text o tumawag sa mga kapatid ko, wala rin akong mensahe at tawag sa kanila ni Mommy.

"I know that look on your face, Tangi."

Tumingin sa akin ang Mommy, ngumiti lang siya sa akin at walang sinabi. Kinakabahan ako dahil sa ipagtatapat ko sa kanila pati sa mga kamay at braso ko na may paso. Tiyak na mag-aalala ang mga ito sa akin.

"Dad... I just want to know about... Luther."

"Bakit siya na? h-hindi ba at ang sinabi mo sa akin na ang magiging fiance ko ay si Rozzean? paanong naging si Luther na?"

Kahit alam ko na ang sagot ay tinanong ko pa rin siya. I wanted to know what he thinks about Rozzean right now after he backed out to marry me. Alam ko na hindi basta-basta mawawala ang galit ng Daddy kay Rozzean dahil sa ginawa nitong pagtalikod sa kasunduan pero kailangan kong linisin ang pangalan niya.

Ibinaba ng Daddy ang newspaper na hawak niya at sandali akong tiningnan. Pagkatapos ay kinuha niya ang kaniyang kape at uminom doon.

"Bakit hindi ka maupo nang mapag-usapan natin ang nangyari, Tangi?"

Kaagad akong tumalima sa sinabi ni Daddy. Naupo ako sa sofa sa tapat nila ni Mommy.

I wanted to save Rozzean and my Dad's relationship. Pagkatapos ng nalaman ko kay Luther at kay Kuya Grecion na gustong-gusto ng Daddy si Rozzean ay mas lalong bumigat ang dinadala ko sa dibdib ko.

Ako ang may kasalanan kung bakit nagalit sa kaniya ang Daddy.

Rozzean just did the right thing. Luther was right when he said that Rozzean will not continue to meet Thaliana because he's already in love with Tali. Ang tanga ko sa parte na hindi ko naisip iyon nang naroon ako sa bahay niya.

I was confident that Rozzean will still meet Thaliana that's why I didn't tell him the truth. Mas ninais ko na ipaliwanag ang lahat pagbalik ko bilang si Thaliana pero hindi sumang-ayon sa akin ang lahat. Nasira ang plano ko.

Bakit ba nakalimutan ko kung anong klase ng lalake ang minamahal ko?

He backed out because he's madly in love with Tali.

Iyon naman talaga ang dapat, ang umatras sa usapan hindi dahil ayaw niya akong pakasalan, kung hindi dahil may mahal na siyang iba. He's so brave to talk to my Dad. Bakit pa nga niya ipagpapatuloy ang usapang kasal sa Daddy ko kung minamahal na niya ng sobra si Tali?

He could have a happy life with Tali. Hindi niya na kailangan pang makita si Thaliana at makilala pa.

But the problem is... I am also Tali.

I hurt him so much. Last night because of what happened, I questioned his love for me, but after I talked to Luther about how I wanted to get Rozzean's forgiveness everything that I did in his house came back.

I remembered how kind he is, how great he is.

Ako ang may kasalanan kaya wala akong karapatan magreklamo at kuwestyunin ang ginagawa niya ngayon.

Nasasaktan ako pero alam ko na noong nalaman niya ang totoo ay mas sobra siyang nasaktan.

Tumingin ako sa aking ama.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now