Chapter 47

3.6K 57 0
                                    







After Rozzean told me everything he fell asleep. Bumangon ako at kumuha ng tshirt niya sa kaniyang closet at isinuot iyon. It was really a mistake coming here without meeting him personally first as Thaliana.

Masyado akong nagpadalos-dalos sa aking mga naisip. I never thought that this plan would end up hurting me. Hindi ko pa man nasasabi kay Rozzean ang totoo ay nanginginig na ako sa takot. He was hurt since then, he lost his beloved brother. Ang taong unang naniwala sa kaniya at hindi umalis sa tabi niya. He suffered so much and until now, the pain of the past still haunts him.

Humiga akong muli sa tabi ni Rozzean. Hinimas ko ang pisngi niya. Wala na akong magagawa kahit magsisi ako ng ilang beses dahil sa ginawa kong ito. I am here now.

"I'm sorry..."

Dumukwang ako at hinalikan siya sa kaniyang noo. Tinungo ko ang labas ng kaniyang silid at mabilis na pumunta sa aking kwarto. Kinuha ko ang cellphone sa drawer at nakita ko na mayroong dalawang mensahe doon.

Numero lamang. Alam ko na hindi ito ang numero ni Rozzean at ni manang.

"I will come back next week. Don't finish your two months in my brother's house, Thaliana. Huwag mo nang patagalin ang panloloko mo sa kaniya."

"Siguro naman sapat na ang isang linggo para mas makapag-isip ka."

Luther...

Paano niya nalaman ang numero ko na ito?

Nagulat ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nakita ko na iyon ang numero na nag-mensahe sa akin.

Si Luther...

Ini-lock ko ang pinto ng aking silid at tinungo ang aking banyo at doon ko sinagot ang tawag ni Luther.

"H-Hello..."

"How are you? Are you awake now?"

Napapikit ako ng mariin nang marinig ang sinabi niya. Of course, Luther has ways. Tiyak na alam niya na may nangyari sa amin ng kaniyang kapatid bago nila nilisan ang bahay ni Rozzean. Hindi na kailangan pang magsalita para malaman ni Luther ang naganap kanina.

"Oo. Ano ang dahilan ng pagtawag mo?"

"I was just thinking if you saw my messages. Chi-neck ko lang rin kung gising ka na at maaaring makausap."

I was looking at my self in the full length mirror on my bathroom. Namumula ang aking dibdib dahil sa mga halik ni Rozzean. Pati na ang aking mga braso ay may kagat rin niya. I saw that my thighs have kiss marks also.

He was really unstoppable earlier. Damn.

"Thaliana, are you listening?"

Napapitlag ako nang muling marinig ang boses ni Luther. Muntik ko nang makalimutan na kausap ko siya dahil sa nakita kong mga marka ng halik ni Rozzean sa aking buong katawan.

"Narito pa ako. What do you want to talk about?"

"Leave the house next week."

After knowing what happened in Rozzean's past, wala na rin sa aking isipan na manatili pa dito sa bahay niya ng isang buwan. Hindi ko na hihintayin pa na hayaan niya akong makalabas. I don't want to stay here and fool him longer. Una pa lang ay dapat nga hindi na, tama si Luther pero dahil matigas ang ulo ko at dahil sa nararamdaman ko kay Rozzean ay nanatili pa rin ako dito.

Pero mali, maling-mali talaga.

"You don't need to tell me twice, Luther. I will leave this house next week like what you said. Aalis ako. Hindi ko na rin kaya na ipagpatuloy ang pananatili dito pagkatapos ng nalaman ko."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now