Chapter 5

5.9K 91 1
                                    




Nakita ko na nagsalubong ang makakapal na kilay niya. Ako naman ay na-realise kong bigla ang nasabi ko at napagtanto na hindi ko dapat iyon sinabi sa kaniya. Kung kanina ay 90% na ang tiyansa ko na matanggap bilang katulong ngayon ay mukhang 50/50 na.

  "Ano ang sinabi mo?"

  Itinaas ko ang isang kamay ko at nag-peace sign sa kaniya nang makita ko na namuo ang galit sa mukha niya. Grabe, sabi ni dad mabuting tao ito?! ba't ang bilis magalit?!

  "J-Joke lang, sir. Hindi ka naman mabiro! h-hehe..."

  Ibinaba ko ang kamay ko at pinagsalikop iyon.

  "Huwag po kayong mag-alala sir, hinding-hindi po ako magkakagusto sa inyo. Hindi rin naman po kayo ang type ko. Iyong type ko kasi chinito, eh, hindi ka naman chinito. Saka, nakakatakot po kayo," sabi ko.

  Lalo na yung hotdog niya na parang ready to attack any moment.

  "By the way, I am Rozzean Cyron Valleje. I just want to clear things before I accept you, Tali-- ang ibig kong sabihin ay nais kong maging klaro sa iyo ang isang patakaran ko dito sa bahay ko," sabi niya.

  Tumango ako at ngumiti. Nag-thumbs up ako sa kaniya na kaagad ko ring ibinaba nang hindi siya nag-reak.

  Pero ang isa sa napansin ko... he's trying to translate his words when he speak to me in english. Ilalagay ko rin iyan sa notebook ko mamaya. Good at bad, I need to note his attitude! pero siyempre mas gusto kong isulat ang mga bad things about him! that's the reason why I am here.

  "Dahil kaaalis lang ng dalawang katulong ko kanina, puwede ka nang magsimula ngayon. Cook me something to eat. Nagugutom na ako."

  Tumayo ako at yumuko sa kaniya, "Okay, sir! ako po ang bahala! ano po ba ang gusto ninyong kainin?"

  Tumayo rin siya. Ang tangkad. Napalunok ako nang mapatingin na naman ako sa gitnang bahagi ng katawan niya. Jusko mahihirapan ata akong ialis sa isipan ko ang nakita ko kanina.

  "Tali, look at me, bakit sa iba ka nakatingin?" he asked me.

  Naihilamos ko ang kanang kamay ko sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

  "Kasalanan mo," bulong ko.

  "Anong sinabi mo?" tanong niya.

  Umiling siya at humawak sa sintido, "You are a different maid. You talk back, but it's okay as long as you do not fall for me. What I need in my house is a real maid. Not a btch who wants to seduce me."

  Ay grabe!

  "Matutulog ako. Bababa ako pagkatapos ng dalawang oras para kumain. Si Manang Selya ang maghahatid sa 'yo sa silid mo. Mamaya na rin kita kakausapin tungkol sa sahod mo buwan-buwan."

  Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya at naglakad papasok sa silid niya. Habang nakatingin ako sa likod niya ay napatingin ako sa pang-upo niya. Bigla ko nahawakan ang pwet ko. Grabe, sobrang biniyayaan naman ang lalakeng ito. Malaki ang lahat.

  Sa tono ng boses niya ay nahimigan ko ang pagod. Kaso, tanghali pa lang? ang aga ata ng uwi nito kung galing sa opisina?

  "Okay, Tang-- este, Tali! first day mo na ngayon! tanggap ka at kailangan pagbutihin mo!" sabi ko sa sarili ko at lumabas ng silid.

  Kailangan sa loob ng dalawang buwan ay makakita ako ng matibay na ebidensya na makapagpapatunay na hindi nararapat sa akin ang lalakeng ito.

  "Tali ang pangalan mo, neng?"

  Nilingon ko ang matandang katulong. Narinig ko na ang pangalan niya ay Selya.

  "Opo," sagot ko.

  "Saan ang lugar mo, neng?" tanong niya sa akin.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now