Chapter 108

3K 38 1
                                    

"Tumataas ang presyon ko, Tangi. Ang kapal ng mukha ng babaeng iyon at talagang pumunta pa dito! iyang kamandag naman ni Rozzean, jusko ay napakahaba naman ng buhok at patay na patay sa kaniya iyong bruhildang babaeng iyon. Huwag lang talagang babalik iyan dito at matutuluyan na ang pagkakalbo ng babaeng iyan!"

Nakatingin lang ako kay Thes habang dire-diretso siya sa pagsasalita. Si Rozzean at Luther ay nakaalis na ulit dahil may inaasikaso pala ang mga ito sa opisina. Hindi rin nagtagal ang mga ito pagkatapos ng away na nangyari. Sinabi ko kay Rozzean na maayos naman ang lagay ko at kasama ko naman dito si Thes kaya wala siyang dapat na ikabahala pa.

Pero sa nakikita ko nga ay parang si Thes ang dapat kong bantayan dahil hanggang ngayon ay ang sama pa rin ng kaniyang mukha. Taas baba ang dibdib dahil sa inis na nararamdaman nang magkaabot kaming tatlo nila Klari kanina.

"Huminga ka ng malalim," sabi ko at kinuha ang isang baso ng malamig na tubig, "uminom ka rin ng tubig para kumalma ka."

Nakatingin lang si manang sa amin na nasa tabi ni Thes. Nag-aalala rin ang kaniyang itsura. Kanina ay alam kong natakot siya dahil sa pagsampal ko ng ilang beses kay Klari. She also wanted to stop me pero sa galit ko ay alam kong kahit na pigilan niya ako non ay hindi naman ako magpapapigil.

Iyon rin naman ang gusto kong gawin, hindi lang ako basta nadala ng galit kaya ko nasampal ng ilang beses si Klari. She deserve it. Gawain ng desperadang babae ang papasok ka sa kwarto ng nagugustuhan mong lalake tapos nanakawan mo ng halik? lalo na at yung lalake ay alam mong may mahal nang iba. Nagdilim talaga ang paningin ko nang makita ko si Klari kanina.

"Humanda lalo sa akin iyong babaeng iyon, Tangi. Pag bumalik talaga ay nako uuwi nang walang buhok 'yon."

Napangiti ako kay Thes. Palaban talaga siya. ilang sandali pa ay inaya ko na si Thes sa labas. Ipinakita ko sa kaniya ang garden ni Rozzean. Habang naglalakad kami sa maluwang na hardin ay nakatingin siya sa mga bulaklak na naroon.

"Grabe, no? may similarities din talaga kayo ng bebe mo. Meant to be talaga kayo. Saka, isipin mo, Tangi, hindi naman din nagtagal ng ilang buwan ang paghihirap ninyo para mauwi ulit sa piling ng isa't-isa. Akala ko talaga ay wala na noong pag-asa dahil umepal yung bruhang si Klari, mabuti na lang talaga at hindi interesado sa kaniya si Rozzean."

Nakahawak ako at nakatingin sa rosas nang balingan ko si Thes. Nakaupo na siya ngayon sa may gilid hindi kalayuan sa akin. Naglakad ako palapit sa kaniya at naupo sa kaniyang tapat. Hindi mainit ang panahon kaya't maaari muna kaming manatili dito. Malamig rin ang simoy ng hangin.

"Nahilig si Rozzean sa pag-aalaga ng mga halaman dahil sa kapatid nilang panganay na si Aloncious. Wala na ito. Ang garden rin na ito ay ala-ala ng kaniyang kapatid, Thes kaya sobra kung alagaan niya. Iyon nga lang, napabayaan niya kaya may mga natuyo na at namatay na halaman," sagot ko.

Tumango-tango si Thes at dumukdok ito sa lamesa.

"Nakakalungkot, may namatay pala silang kapatid. Ibig sabihin ay dalawa na lang sila ni Luther?"

"Oo, tapos iyong bata na tumatawag ng Daddy kay Rozzean ay anak ng panganay nilang kapatid. Si Rozzean ang nag-alaga doon noong baby pa, siya rin ang kinikilalang ama. Akala ko dati talaga ay anak niya iyon sa ibang babae."

Pero kahit naman na anak niya iyon noon ay tatanggapin ko pa rin. Mahal na mahal ko na siya, eh, hindi dahilan para magbago iyon dahil lang nalaman ko na may anak na siya. Also, Taki is so adorable. Nakakatuwa rin na Mommy ang tawag niya sa akin. I didn't expect that he would see and treat me as his mother.

Nanatili pa kami ni Thes sa bahay ng ilang oras. Doon na kami nananghalian. Sinabi niya sa akin na ang laki naman daw pala ng bahay ni Rozzean at puwedeng-puwede daw na maging sampu ang magiging anak namin. Kung sana ganoon lang kadali 'no?

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now