Chapter 115

2.6K 51 0
                                    

Nang matapos ang napakasayang intermission number ng aking pamilya ay nilapitan ako ni Rozzean na hinihingal. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako. Idinikit niya ang bibig sa aking tainga at bumulong.

"Nakakahiya..."

Natawa akong muli at hinimas ang likod niya.

"Nahiya ka pa ng lagay na 'yon? bigay na bigay ka."

Malakas kong narinig ang pagtawa ni Rozzean. When he let go of me I wiped the sweat on his face and neck. Pawis na pawis kahit na air conditioned itong reception!

"It was Thes idea. Sabi niya na sobrang matutuwa ka kapag sumayaw ako ng jumbo hotdog. And she was right."

Napatingin ako kay Thes na nakatutok sa screen ng cellphone niya mukhang pinapanood niya iyong video niya na kinuha kanina dahil tumatawa pa rin siya.

"And Luther? paano mo napapayag na sumayaw?" tanong ko ng nakangiti.

"I don't know what happened. I think Thes talked to him. Mukhang napilitan lang rin, hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Thes para mapapayag si Luther para sumayaw kasama ko. I was surprised actually that Luther agreed. Kahit kailan ay hindi ko naisip na gagawin niya ito. Halata rin naman sa mukha niya na hindi siya sang-ayon."

Natawa ako bigla at na-curious ako sa dalawang iyon.

When everyone calmed down the emcee said that it was the time for me to throw the bouquet. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon!

"Okay all the single ladies punta na po kayo sa gitna!"

Tumayo na rin ako at pumwesto sa harapan.

"Okay! ready na!" sabi ng emcee.

Tumalikod ako at inihagis ko ang aking bouquet. Pagharap ko ay parang nag slow motion iyon na nalaglag sa ulo ni Thes. Natutop ko ang bibig ko dahil hindi iyon nalaglag at dumulas sa ulo niya! nasa ulo lang niya talaga at naka steady!

"Mukhang hindi na kailangan saluhin!" sabi ng emcee at nilapitan nito si Thes na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin. Kinuha nito ang bouquet na nasa ulo at napatingin doon. Parang hindi pa siya makapaniwala.

"Ano po ang pangalan ni Ma'am? mukha po kayong artista, ha! ang ganda ninyo po!"

"T-Therese Catalina Rivanez. Wala naman akong jowa saka wala ako balak mag-asawa di naman ito true."

Maraming natawa sa sinabi ni Thes pero sa gilid ay nagsigawan ang mga pinsan ko sa side ni Mommy. Mga single pa rin ang mga iyon lalo na si Maki. But when my eyes went to Rozzean's family side I saw Luther's eyes throwing daggers at the side of my cousins.

May iba talaga!

"Okay ang garter naman! sa mga boys natin diyan halina kayo dito sa gitna!" sabi ng emcee. Nagtutulakan pa ang iba sa mga pinsan ko. Mga loko!

Bago pumunta si Rozzean sa gitna ay nakita ko na may ibinulong sa kaniya si Luther na ikinataas ng aking mga kilay.

"Okay, ready na po!"

Nang ihagis ni Rozzean ang garter ay malayo ang narating non. Napalingon ang mga kalalakihan na nasa gitna at nang makita nila kung kanino bumagsak ay nagpalakpakan lang ang mga ito. Ako naman ay pinipigil ko ang aking ngiti.

Luther was holding the garter at ngiting tagumpay ito habang nakatingin sa mga lalake na itinaas pa ang mga kamay kanina.

"Rozzean..." nilingon ako ng asawa ko.

"Ano iyong sinabi ni Luther sa 'yo?" tanong ko sa kaniya habang nakangiti.

"He said that he will position at the back so I need to throw the garter hard. He wanted to get it. I think there's something going on between him and Thes."

Napagsalikop ko ang aking mga kamay.

"Iyon nga..." sagot ko at nakatingin kay Thes at kay Luther na kinakausap ng emcee.

"Alright! nandito na tayo sa exciting part!"

"Mr. Luther Valleje will perform a sexy dance to Ms. Rivanez and will remove the garter on her leg!"

Nagsigawan ang mga tao sa loob ng reception at ako naman ay pumapalakpak sa tuwa. Napapapadyak pa ako habang nakaupo ngunit nang hawakan ni Rozzean ang hita ko ay napatingin ako sa kaniya.

"Baby... careful."

Tumango ako sa kaniya at binigyan siya ng smack kiss pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa. Nakaupo at nakapuwesto na si Thes sa gitna at nasa dulo si Luther na inaalis ang pagkakabutones ng suot niyang puting polo. He's smiling. Mukhang ito ang gustong-gusto niyang gawin at hindi siya napipilitan kaysa kanina.

"Music please!"

I pulled Rozzean's hand and we went on the side to see my friend's reaction. Nasa likod ko ang aking asawa habang nakakapit ang mga kamay niya sa aking baywang at nakayakap. Ako naman ngayon ay kumuha ng video habang tuwang-tuwa na nakatingin kay Luther at kay Thes..

Nang tumunog ang kantang careless whisper at dahan-dahan na sumayaw si Luther ay umingay sa loob ng reception. Napatingin ako kay Thes. She's blushing so hard! aba! ngayon lang ata ito!

"Lintek kay gilas pa lang gumiling rin ng anak kong ito! kanina ay parang tuod!" rinig kong sabi ni Tito Royce habang nakatingin kay Luther na sumasabay ang balakang sa malamyos na musika.

Panay ang tawa ko pati na ni Rozzean lalo na nang hubarin ni Luther ang polo niya at ihagis iyon kay Thes. Napatakip na ng mukha ang kaibigan ko at nakita ko na namumula na ang mga tainga niya. Nang makalapit si Luther sa kaniya at lumuhod ay napatili ang mga kababaihan sa loob.

"Go Luther!" I cheered.

Luther went inside of Thes' gown na mas lalong ikinalakas ng hiyawan ng mga tao sa loob. Ang taas ng garter! at tumatagal pa si Luther doon!

"Luther Rico!" sigaw ni Thes na pulang-pula na ang mukha.

Nang tumayo si Luther ay ngiting tagumpay ang loko habang hawak ang garter. Gumawi rin ang tingin niya sa amin habang nakangiti sa aking asawa.

He gave a thumbs up and Rozzean raised his hand to give his brother a thumbs up also.

Bumalik ang tingin ko sa aking kaibigan na mabilis na tumayo at napainom na lang ng tubig sa gilid.

"Let's announce your pregnancy now?" bulong ni Rozzean sa akin.

Naglakad na kami papunta sa gitna.

"Sige," I said smiling.

Kinuha ni Rozzean ang mic at ibinigay iyon sa akin. Napatingin ang mga naroon sa aming dalawa. Nasa gilid ko si Rozzean habang ang kamay niya ay nasa aking baywang.

"We are thankful that you all came here to witness the love Rozzean and I have for each other. Maraming salamat po sa inyo and before this beautiful day of ours end my husband and I wanted you all to know that..."

Tumingin kami ni Rozzean sa may projector sa gilid. Lumabas doon ang larawan ng ultrasound ko.

"We are pregnant with triplets!"

"O-Oh my god!" rinig kong bulalas ni Mommy at Mama Cynthia.

Napatayo sila pati na ang aking mga kapatid. Gulat na gulat sila na lumapit sa amin. Nagtatatalon ang Mama pati na ang Mommy. Rozzean pulled out from his pocket the photo of the ultrasound and showed it to our family.

"T-Triplets! George!" Mommy said.

"Congratulations, anak!" sabi naman sa akin ng Daddy.

Nagpalakpakan ang mga naroon at narinig namin ang pagsigaw ng iba ng congratulations.

"Galing mo, bayaw!" sabi ni Kuya Griz saka tinapik nito sa balikat ang aking asawa.

"Anong position iyon? gusto ko i-try baka makadale rin kami ng triplets," tanong naman ni Kuya Grand na sinundan ng pagkurot sa kaniya ng kaniyang asawa.

Everyone was so happy and this is what we wanted.

"I love you, wife..."

Hinawakan ko siya sa pisngi at hinalikan ang kaniyang mga labi.

"And I love you too."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now