Chapter 45

3.8K 56 0
                                    





Sht. Para akong nakipagbugbugan dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Masakit rin iyong pempem ko. Iba ang sakit non.

Idinilat ko ang aking mga mata at iginala ang paningin sa buong silid. Wala ako sa silid ko...

Nasaan ako--

Holysht.

Gosh... oo nga pala. Rozzean and I had sex-- no, we made love. Sht. May nangyari na sa amin ni Rozzean. Nasa isip ko pa rin at sariwang-sariwa kung paano ang nangyari kanina. Our moan, how he pushed hard inside of me. Ang mga halik niya sa buong katawan ko.

Sht.

"Baby... you are awake."

Pipikit-dilat ang mga mata ko nang nilingon ko siya. He was smiling at me. Ang lapad ng ngiti niya. Nang mapatingin ako sa oras sa silid niya ay nagulat ako nang makitang alas otso na ng gabi.

"Hala!" napabangon akong bigla ngunit biglang napaigik nang maramdaman ang sakit sa aking gitna.

Alas otso ng gabi?!

"Ay!" napatili ako nang hilahin ako ni Rozzean at bumagsak ako sa dibdib niya.

"K-Kailangan ko nang bumaba, sino ang nagluto ng hapunan?" tanong ko kay Rozzean.

He was playing with my hair.

"Si Luther nasaan?" nakita ko na napakunot ang noo ni Rozzean sa tanong ko. He pouted his lips and move closer to me.

"Bakit mo na naman hinahanap si Luther?"

Luther will help me go home.

"Saka si Taki... n-nasaan sila? iniisip ko kasi kung kumain na sila, a-ako ang magluluto ng hapunan, 'di ba?" palusot ko.

Mukhang hindi kumbinsido ang lolo dahil magkasalubong pa rin ang mga kilay kaya't ang ginawa ko ay iniyakap ko ang aking kaliwang kamay sa kaniya.

"Kung ano-ano na naman ang iniisip mo," sabi ko.

Huminga siya ng malalim. Base sa ekspresyon ng mukha niya alam na alam ko na ang tumatakbo sa isip niya. Iyang pagsasalubong ng mga kilay niya at ang paglukot ng noo niya. Napaka seloso! kahit ata ipaintindi ko sa kaniya ng ilang beses na walang malisya ang pagtingin ko sa kapatid niya ay hindi pa rin niya maiintindihan.

Mas mainam na lang na huwag tingnan si Luther kapag nariyan siya.

"Luther and Taki went home. Bumaba ako kanina at kinausap siya. Sinabi sa akin ni Luther na nag leave na siya ng isang linggo kaya't siya na ang magbabantay kay Taki sa bahay."

What?! umalis na?! hindi pa kami nakakapag-usap ulit ni Luther. Saka akala ko ay bukas pa ito uuwi?

"Bakit parang ayaw mo na umalis siya?" tanong ni Rozzean sa akin.

"Ha? H-hindi! bakit naman ayaw ko?"

Pero ang totoo ay sumagi sa isip ko si Taki.

Miss na miss na ni Taki si Rozzean, paano niya ito napapayag na umuwi ulit?

"H-Hindi ba at sinabi ni Luther na miss na miss ka na ng anak mo? puwede naman na dumito si Taki... kaya ko naman siyang alagaan. Alam ko naman mag-alaga ng mga bata."

Ilan na ang mga pamangkin ko. May ideya ako sa pag-aalaga kahit ng sanggol.

Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Rozzean habang nakatingin sa akin. He was gently touching my face. Pinaglalaruan niya kanina ang buhok ko ngayon naman ay ang aking pilik mata ang pinagdidiskitahan niya.

Bigla ko tuloy nahawakan iyong nunal ko.

Safe. Andito pa.

"Don't worry," he kissed me on my lips and smiled at me.

Nawiwili siya ng bigla na lang humahalik.

"He's a smart child. Matalino si Taki. Mabilis ko sa kaniyang naipapaintindi ang sitwasyon. Sinabi ko na bibisitahin ko siyang muli sa susunod na linggo. Marami lang akong inaasikaso na trabaho."

Nang bumaba ang tingin niya sa akin ay pinalandas niya ang daliri sa aking mga labi.

"Tali, bakit hindi mo ako tinatanong tungkol kay Taki?"

"H-Ha?"

He started to caress my face.

"Mag-uusap tayo tungkol kay Taki."

Napalunok ako. Ito pa sana ang nais kong mangyari kanina pa pero iba ang nangyari sa aming dalawa.

"Alam ko na nagsinungaling si Luther nang sabihin niya na ang dahilan kung bakit ka umiyak kanina ay dahil masakit ang ulo mo. I am not dumb to believe him. Did you cry because you found out about Taki?"

"Umiyak ka ba dahil nalaman mo ang tungkol kay Taki?"

"Tell me, Tali."

"Sabihin mo sa akin..."

I bit my lower lip.

"Naisip ko lang na bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa kaniya... okay lang naman sa akin kung may anak ka. M-Matatanggap ko naman 'yon. Saka..."

Tumingin ako sa mga mata niya, "Parte siya ng buhay mo, kahit na sino pa na parte ng buhay mo ay tatanggapin ko kasi..."

"Kasi?" Rozzean asked while he's smiling.

"K-Kasi m-mahal kita."

Napayuko ako at yumakap sa kaniya. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. I heard Rozzean chuckled and hug me. This feeling is not just like anymore. Alam ko na mas malalim pa doon. Kaya rin ang dahilan kung bakit hindi ako makaalis-alis sa bahay niya ay iniisip ko siya. Kung ano ang mararamdaman niya.

At lalo... ang nararamdaman ko. I love him... mahal ko siya at kahit na sandali lang na pag-alis ay tiyak na mami-miss ko siya ng sobra.

"What? pagkatapos ng nangyari sa atin nahihiya ka ngayon dahil lang sinabi mo sa akin na mahal mo ako? Tali..."

"Bakit ba kasi?"

Hinawakan niya ako sa baba at iniangat ang mukha ko upang magkatinginan kami pagkatapos ay hinalikan niya ang tungki ng ulo ko.

"Tali..."

Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Taki Cytho Valleje is actually my late brother's son."

W-What?

I remembered Luther's words earlier. Damn that man. He's really playing with me. Ipinaintindi niya sa akin na anak na totoo ni Rozzean si Taki gayong alam niya ang totoo. Kaya pala pangiti-ngiti sa akin ang loko.

May araw ka rin sa akin, Luther Rico.

B-But wait, tama ba ang dinig ko?

l-late brother's son?

The expression on Rozzean's eyes changed.

"Magta-tatlong taong gulang na si Taki at ang kapatid ko naman ay magta-tatlong taon na ring patay."

I felt Rozzean's hug tightened. Ramdam ko ang mabibigat na paghinga niya. Wala akong mahanap na mga salita para sabihin sa kaniya dahil gulat na gulat ako sa nalaman ko.

"At ako ang may kasalanan kung bakit siya namatay."

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon