Chapter 42

3.6K 68 0
                                    



Hindi ako hinayaan kaagad ni Rozzean na makabangon. Nang mapilit ko siya na bumalik na sa kaniyang silid ay alas sais na. Mabuti na lang at hindi ako ni manang pinuntahan sa aking silid para tingnan. Alam niya kasi na bumababa ako ng alas singko trenta ng umaga.

Pero kanina ay inabot ako ng mag-a-alas siyete na. Nang makarating ako sa kusina ay nakaluto na si manang ng umagahan. Bigla tuloy akong nahiya dahil nga ako ang naka-assign sa pagluluto.

"Pasensiya ka na talaga, manang, ha?" sabi ko.

"Naku, wala 'yon! alam ko naman na masama ang pakiramdam mo kaya ka na-late ng gising. Kamusta ka na ba ngayon? mabuti na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.

Nais kong mapangiwi. Napakakulit kasi ni Rozzean, hindi niya ako tinigilan kanina, gusto pa na sa silid ko siya maligo, sabay pa daw kami. Tinakot ko lang siya na kung hindi siya babalik sa silid niya ay hindi ko na siya pagbubuksan ng pinto ko sa gabi.

Ayun, mabilis na bumangon at lumabas para bumalik sa kwarto niya.

"M-Mabuti naman po ang pakiramdam ko, manang, hindi naman po gaanong sumama," sagot ko sa kaniya.

Nasa kusina kami ngayon at nag-aagahan na. Alas otso umalis si Rozzean para pumunta sa opisina. Si Luther naman ay sinabi ni manang na natutulog pa sa guest room. Ibig sabihin ay makakapag-usap kami ni Luther kung narito pa siya.

Hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni Rozzean kagabi na nainis siya kay Luther. Ano kaya ang sinabi nito?

"Good morning." Napalingon ako sa nagsalita.

Speak of the Devil and the Devil shall appear.

"Magandang umaga po, Sir Luther. Mag-aagahan na po kayo?" tanong ni manang sa kaniya.

Imbis na sumagot ay tumingin sa akin si Luther. Inilayo ko ang aking mukha at inubos na ang pagkain ko pagkatapos ay tumayo ako at pumunta sa sink. Hinugasan ko na ang pinagkainan ko.

"I am not hungry, manang," rinig kong sabi nito, "Tali."

Napalunok ako nang tawagin ako ni Luther.

"Y-Yes, sir?" tanong ko sa kaniya.

"Gawan mo ako ng kape. Sa pool area mo dalhin."

Pagkasabi non ni Luther ay umalis na siya. Napansin ko na pipikit-pikit pa ang mga mata niya. Mukhang kulang siya sa tulog.

Nagpagawa na naman siya ng kape. Hindi siya umiinom ng kape sabi ni Rozzean. Ano na naman ang trip niya?

Sinunod ko na lang ang utos ni Luther. Nagtimpla ako ng kape niya at tinungo ang pool. Nakatayo siya sa gilid at nasa tainga niya ang cellphone niya. May kausap siya.

"Yes, Mama, nasabi ninyo na po kay Cyron? para sana ay alam niya."

"Ah, he's not answering his phone? maybe he's busy."

"Opo, I'm here in his house, I can go home tomorrow if that's the case. Sino ang maghahatid po, Mama?"

Kausap niya iyong mama nila?

"Okay po."

Nang ibaba ni Luther ang tawag ay humarap ito sa akin.

"He went into your room last night, right?"

Napatingin ako sa kaniya. Iyon kaagad ang sinabi niya sa akin. Sinundan niya kaya si Rozzean? o sumilip siya sa silid ko? ang mga tingin ni Luther sa akin ay seryoso. Hindi na iyong parang kahapon na pinagti-tripan niya ako.

"Thaliana, my brother likes you so much. At alam mo iyon, hindi ba?"

Kinabahan ako sa klase ng tingin niya.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now