Chapter 110

2.9K 48 4
                                    

The wedding date was changed. Natuloy ang nais ni Rozzean na mangyari ang kasal sa buwan na ito rin mismo. It will be on May 14. At sinabi naman sa akin ni Rozzean na wala akong ibang dapat na gawin kung hindi ang maghintay na lang ng araw ng kasal namin dahil siya na raw ang bahala sa lahat. Umuwi na rin muna ako dito sa bahay ko dahil bawal daw magkita ang dalawang ikakasal.

Pamahiin.

"Sarap ng ice cream."

Napatingin sa akin si Thes nang sabihin ko iyon. Siya ang kasama ko dito sa aking silid. Gumagayak kasi ako dahil balak namin na pumunta ng mall. I messaged Rozzean also that we will just kill time there. Naiinip rin kasi ako sa bahay. Hindi na muna ako nagpupunta sa Tinatangi dahil naka-vacation ako.

"Bili na lang tayo mamaya--"

"Yung chocolate, 'no? parang nag-crave ako don bigla."

Pakiramdam ko kasi ay nanunuyo ang lalamunan ko at hinahanap ng dila ko ay chocolate. Kaya't nang makatapos akong gumayak ay kaagad na kaming umalis ni Thes. Hindi na rin ako naghintay na makarating kami sa mall para makabili ng chocolate ice cream dahil nagpahinto na ako kay Thes malapit sa convenient store na nadaanan namin.

"Ayoko ng chocolate, Tangi, ang laki pa ng binili mo," sabi sa akin ni Thes nang makabalik ako ng sasakyan.

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya at napanguso ako.

"Hindi naman kita bibigyan, sa akin lang 'to."

"Haaa, oh my gosh, grabe ka sa akin! pero grabe nga! ang laki niyan! half liter iyan!" sabi niya.

Hindi ko na lang pinansin si Thes at binuksan ko ang ice cream chocolate flavor na binili ko sa convenient store. Habang nasa sasakyan kami ay patingin-tingin sa akin si Thes. Napapansin ko rin ang pag-iling niya ng ilang beses. Ako naman ay patuloy lang sa pagkain at nang maubos ko ang ice cream ay napangiwi ako.

"Shet."

"Kulang."

Napasinghap si Thes na nasa tabi ko.

"Tangi, naglilihi ka ba?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Yung totoo? naglilihi ka 'no? ang sama ng tingin mo sa akin noong sinabi ko na ayoko ng chocolate. Parang tingin mo pa ay aagawan kita diyan kahit sinabi ko na ayoko nga. Saka ang dami nong nakain mo. Half liter tapos kulang pa? Nag-pregnancy test ka na ba?"

Gosh... iyon ang nakakalimutan kong gawin! wala rin naman kasi akong nararamdaman na kakaiba. Normal naman ang lahat. Ngayon lang ako nag-crave ng pagkain ng ganito.

"Hindi pa, eh..."

Napahawak si Thes sa kaniyang noo.

"Let's buy pregnancy test kits, iba ang pakiramdam ko sa inaakto mo."

Pagkababa namin ng kaniyang sasakyan ay tinungo nga namin ang drugstore. Bumili kami ng apat na pregnancy test kit. Hindi na rin kami tumuloy pa sa mall dahil bumalik na kami sa bahay ko.

"Go, Tangi! dali na!"

Nasa silid ko kaming dalawa at naupo si Thes sa aking kama.

"Kinakabahan ako."

"I am 101% sure that you are pregnant na! dali! apat iyan, gamitin mo lahat para sure!"

Tumango ako at tinungo ko na ang loob ng aking banyo. I peed. Binuksan ko ang apat na pregnancy test kits at lahat ng iyon ay nilagyan ko. I am so nervous! nakapikit ako at nakatalikod sa mga kits. Magkasalikop ang aking mga kamay.

"Wala naman akong nararamdaman na morning sickness, dizziness, o iyong mga nararamdaman ng mga buntis."

Bigla ay naalala ko si Rozzean... he really wanted to have a baby! and of course I wanted to!

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now