Chapter 59

3.4K 51 3
                                    


Hindi ako makagalaw. I was crying so hard. Hindi ko na inisip kung maririnig ba ako ni Luther at ni manang pero hindi ko kayang pigilan ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Nasa isip ko lang dati ang mga masamang tingin ni Rozzean sakaling magsabi ako sa kaniya ng totoo, pero hinigitan pa noon ang lahat ng naisip ko.

His anger at me made me understand that the chance that we could be together again was so low. Sobrang baba ng tyansa na mapatawad niya ako dahil sa ginawa ko. I understand because he trusted me. Tama siya sa sinabi niya kanina na kung hindi niya naman ako pinapasok at tinanggap noong nagmakaawa ako sa harapan ng village ay hindi ito mangyayari sa kaniya.

Hindi siya mahuhulog sa akin at masasaktan ng ganito.

"Anak..."

Pinunasan ko ang aking magkabilang pisngi nang marinig ang boses ni manang. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking magkabilang balikat. Luther took a step back. Umayos ako ng tayo at hinarap ko si manang ng nakangiti. Pinilit kong ngumiti sa kaniyang harapan pero nanginig lang muli ang mga labi ko at naiyak nang makita ko ang awa sa mga mata niya.

"I'm sorry, manang... s-sorry kung pati po kayo ay niloko ko. There's no Tali Dela Cruz, manang. It was me all those time. Thaliana Tangi Dela Vezca. Ang babaeng pakakasalan sana ni Rozzean. I went here to check on him to find a bad side that I could use to ruin his image to my dad. Kaso, manang..."

Tumulo ang aking mga luha at pinunasan naman iyon kaagad ni manang.

"H-He's an amazing man, a great person. When I learned what he did for you, for his family and all his sacrifices my mind changed. Ang plano na binuo ko ay nawala na sa isipan ko dahil unti-unting nahulog ang loob ko sa kaniya. I f-fell hard that I could not leave him. Hindi ko maiwan si Rozzean, manang... ang h-hirap-hirap niyang iwan dahil sa sobrang higpit ng kapit niya sa akin bilang si Tali. D-Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya."

Bumaba ang mga kamay ni manang at mahigpit na hinawakan ang dalawang mga kamay ko. Ang awa sa mga mata niya ay naroon lamang, hindi ko nakikita ang galit o inis dahil sa panloloko ko sa kaniya.

"Anak... hindi naman rin ako naniwala noong una na may gusto sa 'yo si sir dahil para sa akin ay imposible nga. Hindi naman dahil sa itsura mo, mabait ka naman, sumusunod at napakasipag. Saka, alam ko naman na hindi tumitingin si sir sa panlabas na anyo at yaman ng isang babae pero siguro dahil na rin sa ang tingin ko ay ang mas bagay sa kaniya ay ang mga babaeng katulad ni Klari kaya hindi ako naniwala."

Tumango ako at tipid na ngumiti, naiintindihan ko naman iyon. Kahit kung ako ang nasa sitwasyon ni manang ay hindi rin ako maniniwala na ang isang katulad ni Rozzean--bilyonaryo, may sariling kumpanya at mga nagesyo, napakayaman, gwapo at narito na ang lahat, hindi ako maniniwala na nagkagusto siya sa isang kasambahay na basta na lang sumulpot sa harapan ng village niya.

"Nagulat ako sa ginawa mo, hindi ko inaasahan pero noon ay nagtataka na ako kung bakit ang kinis-kinis ng balat mo, kung bakit ang mga kamay mo ay kaygaganda. Naniwala ako sa mga sinabi mo kasi hindi ko naman naisip noon na isa kang mayaman at bakit ang isang mayaman naman ay magpapakahirap maging isang katulong."

"Ang dami mong ginawa dito sa bahay, anak... sa sobrang galing mo sa gawaing bahay ay hindi ako nagduda. Wala kang arte sa lahat ng ipinagawa ko. Nilinis mo kahit ang kasuluksulukan ng bahay na ito, ikaw pa madalas ang nagpiprisinta kapag may iniuutos si sir. Kaya hindi ko naisip talaga na mayaman ka pala."

"Pero, Tali... sobrang nasaktan si Rozzean nang hindi ka na niya makita dito sa bahay."

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi ng mariin nang marinig ang sinabi ni manang.

"Madaling araw ay lahat kami dito sa bahay ay nabulabog dahil hindi ka niya makita. Alas dos ay lumabas rin siya at siya mismo ang naghanap sa 'yo. Hindi mapakali noon si sir, noon ko lang napaniwalaan na talagang may nararamdaman siya sa 'yo. Sobra ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi na niya hinintay ang dalawampu at apat na oras, katulad ng dati noong hindi ka kaagad nakauwi galing sa palengke ay ipinahanap ka niya sa mga pulis."

"Pero, sinuyod na ang buong Tagaytay pati ang mga kalapit na lugar ngunit walang kahit isa ang nakapagturo na nakita ka. Tali... magta-tatlong araw na rin na hindi pumapasok sa trabaho si Rozzean. Aalis lang siya ng bahay kapag hahanapin ka niya."

"Hindi siya tumigil simula noong gabi na nawala ka. Natigil lang siya nang maaksidente dahil sa kalasingan."

"Sobrang nasaktan si Rozzean, Tali."

Tumingin ako kay Luther nang marinig ang lahat ng sinabi ni manang. He was seriously looking at me. Alam ko na labag rin sa loob niya na masaktan si Rozzean pero dahil sa pakiusap ko ay pati siya ngayon kahaharapin ang galit ng kaniyang kapatid.

"Mahal na mahal niya si Tali, anak..."

Nang ibalik ko ang aking paningin kay manang ay napasinghap ako nang makaramdam ng kirot sa aking dibdib. Walang dahilan para linisin ko ang aking pangalan sa nangyari, dahil simula umpisa mali na ang ginawa ko.

Hindi ko maikakaila na niloko ko si Rozzean.

And he was right, I fooled him. Dito pa sa mismong bahay niya.

"I'm s-so sorry, manang. Handa po akong gawin ang lahat para mapatunayan na nagsisisi ako sa ginawa ko sa kaniya. M-Mahal na mahal ko siya, manang, k-kahit gaano kahirap at kasakit ang pagdaanan ko para mapatawad niya lang ako ay titiisin ko. I will do everything for him to forgive me. Hindi po ako t-titigil."

Muling pinalis ni manang ang luha sa aking mga pisngi. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinagod ang aking likod. Magiging mahirap pero hindi ko susukuan si Rozzean. Babalik ako sa bahay na ito kahit pa ilang beses niya akong ipagtabuyan.

"Gawin mo ang sa tingin mo anak ay makabubuti para sa inyong dalawa. Nakita ko na mahal na mahal ni Rozzean si Tali, galit siya at wala na tayong magagawa tungkol doon dahil karapatan niya iyon anak, niloko mo siya, nasaktan siya kaya't tama lang ang nararamdaman niya. Nakikita ko naman sa 'yo na nagsisisi ka na sa ginawa mo. Ang hangad ko lang ngayon ay maayos ninyo pa ito at muling manumbalik ang lambot sa puso ni Rozzean para sa 'yo."

Iyon din ang nais ko, manang... iyon din.

Nagpaalam na ako kay manang at ganoon na rin si Luther, nauuna ako sa paglalakad palabas habang umiiyak. Hindi ko kasi mapigilan. Mukhang hanggang pag-uwi sa aking bahay ay iiyak pa rin ako. Ang mga tingin ni Rozzean sa akin kanina ay hindi mawala sa isipan ko. Ang mga sinabi niya.

"I don't know you"

"You will never be, Tali."

"Hindi kita kailangan sa buhay ko."

"I will never marry a woman like you."

Iniisip ko na lang na dahil iyon sa galit niya. The he doesn't really mean all of that.

Nang lingunin ko si Luther ay nakita ko na medyo malayo siya sa akin. Nakatigil siya habang nakatingala sa bahay ni Rozzean. Parang may tinitingnan siya.

"Luther..." tawag ko sa kaniya.

Doon ko nakuha ang atensyon niya at muling itong naglakad palapit sa akin. Nang makalabas na kami ng gate ay dumiretso ako sa sasakyan. Tahimik lamang ako hanggang sa makasakay rin si Luther.

"I warned you already about this, Thaliana."

"Alam ko."

Nilingon ko siya. Nahihiya ako sa ginawa ko lalo na nang madamay siya.

"I... I'm sorry, Luther."

Huminga ng malalim si Luther at pinaandar ang kaniyang sasakyan. Mukhang dahil sa ginawa ko ay may pader na naman sa relasyon nila ni Rozzean. Nakita ko kung paano siya tingnan kanina ng kapatid niya. May galit sa mga mata nito. Maaaring sinisisi rin niya si Luther kung bakit hindi nito sinabi sa kaniya ang totoo.

Luther wanted his family to be happy again. Pero nang dahil sa ginawa ko hindi lang si Rozzean at ang kanilang ama ang nagkaroon muli ng lamat ang relasyon, pati silang dalawa pang magkapatid.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now