Chapter 21

5.2K 93 0
                                    





  Nagkatinginan kami ng pinsan ko. Nag-isip kaagad ako ng sasabihin kay Rozzean ngunit nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Maki.

  "You know that I am friendly to anyone, Rozz. Kahit sa mga maid pa. Tinanong ko lang itong si ganda kung nasaan ka," sabi ni Maki at naramdaman ko na pinisil niya pa ang balikat ko.

  Nakita kong napatingin doon si Rozzean. Bago pa ako makapagsalita ay nilagpasan na niya kami at tinungo ang gazebo. Nilingon ko si Maki, sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Lintek talaga ito kahit kailan, hindi naman niya ako kailangan akbayan.

  "Tali. Lumapit ka dito," tawag sa akin ni Rozzean. Kaagad akong tumalima, sumunod na rin sa akin si Maki. Naupo siya sa tapat ng aking boss at ako naman ay nasa gilid.

  "Ano po iyon, sir?" tanong ko.

  Hindi ko talaga inaasahan na mahuhuli ako kaagad at ang masakit ay ang pinsan ko pang madaldal na chismoso. Daldalito ang palayaw nito noong mga bata pa lang kami, eh. Kalalakeng tao ay napakadaldal.

  Medyo takot rin ako at kinakabahan dahil walang lihim na hindi naibubunyag itong si Maki. Hindi siya magaling magtago ng sikreto.

  "Nothing. Manatili ka lang diyan para kung may kailangan ako ay masabi ko sa iyo kaagad."

  "Okay po, sir."

  Nang makita ko na nakatingin sa akin si Maki habang nakangiti ay pinanlakihan ko siya ng mga mata.

  "Maki, stop looking at my maid. Nagbago ka na ba? hindi ko alam na ganitong mga itsura na ang gusto mo ngayon."

  Napasinghap ako. Bigla akong nainsulto sa narinig kong sinabi ni Rozzean.

  Abay, eh, siraulo pala ito. Napaka judgemental.

  "You are so mean, Rozz! she's cute! ano ba ang pangalan niya? ngayon ko lang siya nakita sa bahay mo. I was here last month, right? nasaan na iyong ibang mga katulong mo?" tanong ni Maki.

  Nagsimulang kumuha ng pagkain si Rozzean.

  "Pinalayas ko na."

  Humalakhak si Maki nang marinig ang sagot ni Rozzean. Nang mapatigil ay nakita ko na nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa boss ko. Sandali kong ipinaling ang ulo ko kung saan siya nakatingin at nang mapagtanto na sa noo ni Rozzean ay napatuwid ako ng tayo.

  Bigla kong naalala ang pagbato sa kaniya ng sapatos.

  "What happened to your forehead, bud? napaaway ka ba?"

  Nilingon ako ng aking amo, ako naman ay mabilis na umiwas. Hinahanda ko na ang sarili ko na sabihin niya kay Maki na ako ang may kagagawan ngunit hindi ko inaasahan ang sagot niya.

  "A cat fell on top of me and scratched my forehead."

  Mabilis kong naibaling ang tingin ko sa kaniya . Oh, bakit pinagtakpan niya ako? bakit hindi niya sinabi ang totoo?

  Na basta ko na lang siyang binato ng sapatos ng walang sabi.

  "Cat? may pusa ba dito sa bahay mo? you hate cats, saan ka naman makakalmot ng pusa?"

  Ay, hindi siya mahilig sa mga pusa?

  "Rozz, you are hiding something from me," sa tono ng boses ni Maki ay mukhang may nais siyang ipaamin kay Rozzean.

  Nagsandok ng kanin si Maki, kumuha siya ng sisig at seafood. Nakangiti ang mokong.

  "What?"

  Mukhang ito ang mangyayari sa akin, makikinig ako ng usapan nila.

  Nagsimula nang kumain ang aking boss. Ang una niyang tinikman ay iyong spicy chicken barbeque. Ako ay nakamasid lang at katulad ng trabaho ko ay naghihintay kung may iuutos ang aking amo. Pero, parang tanga si Maki. Patingin-tingin siya sa akin habang nakangiti. Pakiramdam ko ay may gagawin siyang kalokohan.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now