Chapter 78

3.1K 64 1
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ni Luther ay inabala ko na lang ang sarili ko sa aking negosyo. Kinuha ko na rin kay Thes ang mga alaga ko upang kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ko.

"Rose, daisy, Dandy, Dahlia, Cherry and Lily, na-miss ninyo ba si Mommy? sorry, ha? kung iniwan ko muna kayo kay Ninang Thes ninyo..."

Kumakawag ang buntot ng aking pomeranian pati na ng white poodle ko nang halikan ko sila isa-isa. Nakapalibot sila sa akin ngayon at katabi ko sa aking kama.

Indeed, simply spending time with your pets can help you feel better.

"Gutom na ba kayo?"

Bumangon na ako at pagkatapos ay bumaba tinungo ang kanilang silid. Nakasunod naman silang lahat sa akin. They have their own room in my house pero palagi na dito sila sa aking silid natutulog.

While I was preparing the foods of my pet my phone ring. Sinilip ko kung sino ang tumatawag at nakita ko na si Daddy iyon. I already talked to him and cleared everything about Rozzean. Nakuha ko naman ang nais kong sagot sa Daddy. Sinabi niya sa akin na professional naman siya at hindi niya idadamay ang negosyo kahit na nainis siya kay Rozzean.

Nainis.

Iyon ay ikinapanatag ko at kahit papaano ay nawala na sa aking isipan.

Now that I am finally moving on with the help of the people around me and my babies masasabi ko naman na kaya ko. Kakayanin ko kahit mahirap.

"Hello, Daddy?"

"Tangi, honey, may pupuntahan ka ba today?"

Open pa rin ang Tinatangi kahit saturday. Plano ko na pumunta sa shop ko para tumulong kay Alma. Tuwing sunday ang sara ng aking shop.

"Balak ko lang po na magpunta sa Tinatangi, Dad, why po?"

Ibinaba ko ang pagkainan ni Daisy at ni Lily. Habang kausap ko ang aking ama ay naglalagay ako sa lalagyan ng pagkain ng mga anak ko. I smiled when my babies are looking at me. Their innocent faces made me smile.

"We have dinner with the Vallejes, anak. Mamaya pa naman."

Napataas ang mga kilay ko. Wala pang nababanggit sa akin si Luther tungkol dito.

"Oh... what time po?"

Tumingin ako sa orasan. Alas syete na ng umaga. Siguro ay baka mag-iimbita si Tita Cynthia for her birthday tomorrow! bukas na kasi iyon at abala na rin si Luther. I am also helping him to organize the surprise birthday party for their mother in a famous resort in Pampanga.

"6:00 pm, Cynthia invited me and your Mom syempre pati na rin ikaw to have dinner in their home. Your future mother-in-law wanted to see you and talk to you."

Future mother-in-law...

"Okay po, Daddy, kakausapin ko rin po si Luther."

Biglang tumahimik sa kabilang linya. Napatingin pa ako sa cellphone ko kung naroon pa si Dad. On-going naman ang call.

"Daddy?"

"A-Ah, yes, anak... Pansin ko ay talagang nagiging malapit na kayo ni Luther?"

Mabait naman kasi si Luther, saka noong sobrang nasasaktan ako dahil sa nangyari ay nariyan siya upang tulungan ko. Kahit na hindi ko sabihin ay sinusundan niya pa ako.

"He's a good man, Daddy, mabait at gentleman."

Muli na namang tumahimik sa kabilang linya. Nang ibaba ko ang lalagyanan ng pagkain ng aking mga anak ay naupo ako sa sofa at pagkatapos ay muling nagsalita.

The Billionaire's PlaymateDove le storie prendono vita. Scoprilo ora