Chapter 71

3.2K 66 5
                                    

Kahit ako noong una ay hindi makapaniwala sa mga ginawa ni Rozzean para kay Tali. It was not in my plan when I entered his house. Hindi ko rin naisip na maaaring mahulog si Rozzean Cyron Valleje sa maid na si Tali. Sa pananatili ko sa bahay niya ay marami akong bagay na ikinagulat ko ng sobra dahil sa ugali niya.

"For me, if Rozzean really loves you he will forgive you. Sino ba si Tali at Thaliana? they are just one person. Did you change your attitude?"

Umiling ako. Wala akong binago. Ako pa rin iyon si Thaliana.

"See? ang pagkakaiba ninyo lang ni Tali at Thaliana ay ang pisikal na itsura at ang katayuan sa buhay. Why is your bebe being an asshole, Tangi?"

"K-Kasi nga niloko ko siya, Thes--"

"We are already there, Tangi. Niloko mo dahil noong una ay ayaw mong mag-asawa kaya pumasok ka sa bahay niya at nagpanggap ka, na-in love siya sa personalidad mo bilang si Tali, and while you were there you fell for him also because you saw how great he is. At ngayon nga ay nagsabi ka na ng totoo at nasaktan mo siya ng sobra dahil sa panloloko mo."

"But you know what? true love will not fade with just one mistake, Thaliana Tangi. Kung natabunan ng galit ang puso ni Rozzean ay hindi tunay na pagmamahal ang nararamdaman niya para sa 'yo."

Diretsong nakatingin sa akin ang mga mata ni Thes habang ako ay patuloy sa pag-iyak. Ito ang unang beses na nagmahal ako. Wala akong masyadong alam. Lahat ay bago para sa akin at habang nakikinig ako sa mga sinasabi ni Thes ay mas naiintindihan ko na kung bakit galit na galit ang aking pamilya.

Pati na si Luther.

"Tangi..."

Lumapit sa akin si Thes at pinunasan niya ang aking mga pisngi na puno ng luha. Niyakap niya ako at pagkatapos ay hinagod ang aking likod.

"If he really loves you he will come to you this time after you said that you will stop getting his forgiveness. You did your best, ginawa mo ang makakaya mo pero, tama na, ha?"

"Tama na, ipahinga mo iyang puso mo. Naaksidente ka pa ng dahil sa pagsubok mo na mapatawad niya. Ano ba siya gold?!"

Doon ako napatawa sa sinabi ni Thes.

"He is, Thes."

"He has his own company, one of the Billionaires in the country. He was also featured to many magazines. Pero maliban sa mga iyon he's also a great man. Sobra. Kaya nga nahulog ako sa kaniya."

Humiwalay sa akin si Thes at bumalik sa upuan niya na nasa harapan ko. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa mga sinabi niya sa akin.

"Pero may gusto lang akong malaman, Tangi," seryoso ang mukha niya na nakatingin sa akin.

Bigla akong kinabahan.

"What is it?"

"Sabi mo ay nagpanggap ka na maid sa bahay niya, tapos nandoon ka pa lang ay mahal ka na at ayaw ka niyang pakawalan. He even proposed. Tell me, may nangyari na ba sa inyo?"

Sandaling katahimikan ang namayani sa paligid dahil sa tanong sa akin ni Thes. Seryosong-seryoso ang mukha niya na nakatingin sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Ang pagiging emosyonal ko ay biglang nawala dahil sa nakikita kong itsura niya.

"Huwag mo itong sasabihin sa kahit na sino, ha? chismosa ka pa naman."

Tumango ito ng sunod-sunod na talagang mahahalata na curious ito sa sagot ko. I know this reaction of her.

"We did it. Two times pa lang naman."

"Aaahhh!!"

Nagulat ako nang biglang tumili si Thes. Sa lakas ay kaagad akong tumayo at tinakpan ko ang bibig niya. Nanlalaki ang mga mata niya habang hawak ko siya sa bibig. Buwisit talaga ang lakas ng boses niya!

"T-Thes!"

"Huwag kang tumili! Baka marinig ka ni Mommy!" sabi ko sa kaniya.

Tumango siya at tinapik-tapik ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Kaagad ko iyong tinanggal.

"Haaaa! bwisit ka hindi ako nakahinga!" sabi niya sa akin.

"A-Ang ingay mo kasi..."

Paanong hindi ko tatakpan ang bibig niya tumili ba naman ng sobrang lakas.

"Gaga ka... nag sex na kayo?! talaga? dalawang beses? saan?"

Inirapan ko siya.

"Love making!"

"Oh! love making! ano nga? saan? saka ilang beses? gaga!"

Natatawa ako sa itsura niya.

"Sa banyo--ang ibig kong sabihin sa kwarto niya."

Natutop ni Thes ang bibig niya dahil sa sinabi ko. Nakita ko na napatingin siya sa malayo at napapadyak ang paa niya. Nang humarap siya sa akin ay nagsalita siyang muli.

"Shwet! Tangi, nakaramdam ka na ng langit? kainggit!"

"Kuwento mo!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Siraulo talaga siya! ipakuwento ba naman sa akin ang ginawa naming love making ni Rozzean!

Bigla ko tuloy naalala kung paano namin iyon ginawa.

"Oh! you are blushing! damn it, Tangi! naalala mo 'no? gaga ka... masarap ba? ano-anong posisyon? wild ba si Rozzean? namamalo?"

Napalo ko siya sa braso niya dahil sa mga sinabi niya.

"Aray ko! nagtatanong lang! ano nga? masarap? tumirik ba ang mga mata mo? shwet mabuti ka pa nakatikim na. Ako kaya kailan? malapit nang mag-expire ang matres ko," malungkot ang tono ng boses niya sa huling mga salita na binanggit niya.

Thes is really a comedian. Kanina lang ay sobrang emosyonal ko ngayon naman ay tumatawa na ako dahil sa mga sinasabi niyang walang filter.

"So, Tangi, masarap nga?" tanong niya ulit.

Ang kulit!

"Masarap naman--" pinalo niya ako sa braso, "aray ko!"

"Kaya pala hindi ka maka-move on! dalawang beses pero siguro super hard no?!"

"Pero, ito next question, malaki ba?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa tanong ni Thes. Inilayo ko ang mukha ko sa kaniya at tinakpan ko ang mukha ko nang biglang pumasok sa ala-ala ko ang unang araw ko sa bahay ni Rozzean. How his hard manhood waved at me.

Hanggang sa maalala ko kung ilang beses ako napaungol non.

Teka! Paano ba kami napunta sa ganitong usapan?! nagsasabi ako ng sakit ng dibdib ko kanina, ah?!

"Malaki! your reaction said it! gaga nasukat mo?"

"Therese Catalina!" sigaw ko sa kaniya dahil nag-iinit na ang aking mukha dahil sa hiya at dahil rin naaalala ko ang ginawa namin ni Rozzean.

"Grabe..." narinig kong kalmado na ang boses ni Thes.

"Mapapa sana all ka na lang talaga," bulong niya. Tinungo niya ang aking kama at naupo.

"Sana all hindi na virgin. Sana all nakatikim na ng hotdog. Sana all napa sabi na ng 'ahhh... ohhh... sige pa... ang sarap niyan...' grabe ka, Tangi. Naunahan mo pa ako. Inggit much."

Siraulo talaga siya!

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon