Chapter 97

3.3K 61 7
                                    

Ang aming usapan ay napunta sa magaganap na surprise birthday bukas kay Mama. Nalaman ko rin na isa si Thaliana sa nag-asikaso non.

"Rozz..."

Napalingon ako kay Klari nang tawagin ako nito. Napabuntong hininga ako, muntik ko nang makalimutan na kasama ko pala siya. Kanina ay halos hindi siya umaalis sa tabi ko pero nang kausapin ako ng Dad at pumunta dito ay nanatili lang siya sa kubo.

Nagpaalam na ako kay Luther at Dad na uuwi na.

"Mag-iingat ka, anak, bukas, ha? dito ka dumiretso bago ka pumunta sa venue."

"Yes, Dad."

Tumayo si Luther at nilapitan ako. He did a man hug.

"Thaliana will stay tonight here tonight, brother..." he whispered. Ang tono ng boses niya ay mapang-asar.

What the hell?

"Bye, ingat ka, Cyron!" sabi niya nang lumayo sa akin.

He's fckng testing my patience!

Kaya't nang magpaalam kami kay Mama ay hindi ako dumiretso sa Tagaytay. Ibinaba ko si Klari sa may bus station.

"R-Rozz..."

Hinintay ko na may dumating na bus at nang may huminto ay nilingon ko si Klari.

"Get inside. May importante akong pupuntahan."

"At this hour? saan?"

"Sasakay po ba?" tanong ng konduktor.

"Yes," sagot ko at binalingan si Klari.

"Sumakay ka na. Aalis na ako."

Bumalik ako sa aking sasakyan at pinaandar iyon.

"Rozzean!" sigaw ni Klari.

I went back to my parent's house. Luther was getting into my nerves. Iniinis niya talaga ako at pinag-iisip. Tinungo ko ang silid ni Taki dahil nagbabakasakali ako na naroon si Thaliana. Nakita ko kanina na ayaw lumayo ni Taki sa kaniya kaya't naisip ko na baka nandito siya.

"She's not here."

Ngunit lumapit pa rin ako kay Taki. Naupo ako sa kama at inayos ko ang kumot niya.

"M-Mommy..."

Nagising ito at nagsimulang umiyak. Nang makita ako ay lumapit siya sa akin.

"Shh... stop crying, Taki."

"D-Daddy... Si M-Mommy..."

Hinimas ko ang likod niya ng ilang beses. Unti-unti ay naramdaman ko ang malalim niyang paghinga tanda na nakatulog na siya ulit. Ibinaba ko ng maingat si Taki at kinumutan. Hinalikan ko siya sa kaniyang noo at hinimas ko ang kaniyang buhok.

"I will get your Mommy back..."

"Kukuhanin siya ni Daddy."

Pagkasabi ko non ay nilisan ko ang silid ni Taki at tinungo ko ang ibaba kung nasaan ang mga guest rooms. Napansin ko ang isang silid na nakaawang ang pinto at nakabukas ang ilaw. Pumasok ako doon. Nakita ko ang bag na gamit ni Thaliana kanina.

"She's here," sabi ko at napatingin sa bathroom nang makarinig ng lagaslas ng tubig doon.

Isinarado ko ang pinto at inilock iyon. Pinatay ko rin ang ilaw. Nang makita ko na lumabas si Thaliana ay napatingin siya sa taas at itinuro iyon. Fck. She's drunk.

"Thaliana," tawag ko sa kaniya.

"Rozzean?! w-what are y-you-- hmmp..."

Ngunit hindi ko na siya pinagsalita pa. Hinalikan ko siya sa kaniyang mga labi habang mahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya para hindi siya makawala. Sinubukan niya akong itulak noong una ngunit dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kaniya ay nanatili siyang yakap ko.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon