Chapter 62

3.3K 48 3
                                    



Hindi ako kaagad nakabawi nang marinig ang sinabi ni Luther. Sa kaniyang ipinapakitang tingin sa akin ay masasabi ko na hindi siya nagbibiro. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya. Wala akong maisip na maaaring sabihin kung hindi ang tawagin ang pangalan niya.

"L-Luther--"

"Here's your food, ma'am and sir. Mayroon po kaming free parfait for couples. Enjoy your meal!"

Nagpasalamat na lang ako nang dumating ang waiter at inilagay sa aming harapan ang mga pagkain.

"Thank you," sabi ko sa waiter at nginitian ito. Nang makaalis at maiwan kaming muli na dalawa ay napatingin ako kay Luther nang kuhanin niya ang dalawang pinggan ng steak.

"Forget about what I said, Thaliana. Ayokong mailang ka sa akin nang dahil sa sinabi ko sa 'yo."

Napahinga ako ng malalim. Ganoon na nga ang mangyayari, pero sa tingin ba niya ay basta-basta ko na lang makakalimutan iyon?

Iyong sinabi niya na bakit hindi na lang siya?

Mahal ko si Rozzean, mahal na mahal ko ang kapatid niya. Naaawa na ba si Luther sa kalagayan ko ngayon dahil sa nasaksihan niyang galit ng kaniyang kapatid? wala naman akong balak sumuko, sinabi ko na iyon sa kaniya, paghirapan ko man makuha ang loob ni Rozzean, sukdulan na lumuhod ako sa susunod, gagawin ko ang lahat para lang magkaayos kami.

"Hindi ka naman..." napahinto siya sa paghihiwa ng steak at tumingin siya sa akin, "seryoso sa sinabi mo, hindi ba?"

Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon pero ang nais kong makuhang sagot kay Luther ay binibiro niya lang ako sa kaniyang sinabi sa akin kanina. He's my fiance now, wala sa mga kamay ko ang desisyon kung matutuloy ang kasal o hindi dahil sumang-ayon na ako sa gusto ng Daddy.

Ang problema lang, ang buong akala kong lalake na pakakasalan ko ay si Rozzean at hindi si Luther. Daddy didn't tell me the changes that happened. Pero kasalanan ko naman. Nakampante ako na pagbalik ko ay makakaharap ko pa rin si Rozzean.

Ni hindi ko alam na habang nasa bahay pa lang niya ako ay napakarami na pala niyang ginawa para kay Tali. Bumubuo na pala siya ng mga plano kasama si Tali.

"Do you think I am kidding?"

Inilagay ni Luther sa aking harapan ang pinggan na hiwa-hiwa na ang steak. Ibinaba niya ang kubyertos at pagkatapos ay ibinigay ang buong atensyon sa akin. Nailang ako sa tingin niya kaya't ibinaba ko ang aking mga mata sa steak na hiniwa niya para sa akin.

"H-Hindi ko alam..."

"Just eat, huwag mong masyadong isipin ang mga sinabi ko."

Tumango ako sa sinabi ni Luther at pagkatapos ay nagsimula na ngang kumain. Wala nang isa man sa amin ang nagsalita pagkatapos ng sinabi niya. Nang makayari kaming kumain ay tinungo na namin ang kaniyang sasakyan. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras.

Mag-a-alas kuwatro na ng umaga nang lisanin namin ang restaurant na aming kinainan. Sinabi sa akin ni Luther kanina na huwag kong isipin ang sinabi niya pero kahit dalawang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin iyon maalis sa aking isipan.

Napatingin ako sa kaniya habang nagmamaneho siya. Seryoso ang tingin niya sa daan. If he's serious about what he said to me, I feel sorry now because there will never be a chance for us to be together.

Mabait si Luther, responsable, may ugali sila na pagkakapareho ni Rozzean. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya. Isa siya sa tumulong sa akin noon nang nasa bahay pa lang ako ni Rozzean at magpahanggang ngayon na gumagawa ako ng paraan para mapatawad nito.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now