Chapter 14

5.2K 92 3
                                    




"Bakit nakasimangot ka, Tali? pinagalitan ka ba ni sir? may sinabi ba siya na ikinasama ng kalooban mo?"

Iyon ang tanong sa akin ni manang nang makabalik ako sa kusina. Naupo ako sa upuan at tiningnan siya.

"Hindi naman ako pinagalitan, manang, nainis lang ako kasi lagi napapansin ni sir itong nunal ko. Pag nagkapera ako ay ipapatanggal ko na ito," sagot ko.

Hindi ko inaasahan iyong sinabi ni Rozzean sa totoo lang. Pero tingin ko ay nagpadalos-dalos rin ako at hindi ko tiningnan maigi kung saan ko ipinuwesto ang nunal ko. Baka nga mas bumaba, mabuti na lang at nakaisip kaagad ako ng palusot.

Napahawak ako tuloy sa nunal ko.

"Cute naman iyang nunal mo, Tali. Baka kasi naku-cutean lang si sir?" nakangiting sabi ni manang.

Imposible 'yon! sabi nga niya noong una Your mole bothers me. Ka-imposiblehan na naku-cutean siya dito.

"Oo nga pala, Tali, maiba ako. Bakit ka nag-suot ng salamin? ito ang unang beses na nakita kitang nagsuot, lumalabo na ba ang mga mata mo?" tanong ni manang.

Nagsandok ako ng kanin, nagugutom na talaga ako. Anong oras na rin kasi. Babalikan ko pa mamaya iyong pinagkainan ni boss. Makikita ko na naman ang nakakabwisit na mukha niya.

"Kaka-selpon ito manang," sabi ko.

"Mahilig kasi akong magbasa ng mga nobela sa cellphone, iyon ang naging dahilan ng unti-unting paglabo ng mga mata ko."

Naglagay na ako ng ulam sa aking plato. Sana naman mamaya ay wala nang usaping tungkol sa nunal. Malapit na akong sumabog dahil sa nunal na ito.

"Ganoon ba? kung gusto mo ay sabihin natin kay sir ang tungkol sa mga mata mo? may kaibigan siyang ophthalmologist. Iyong salamin ko na ginagamit ay libre lang, galing sa kaibigan ni sir na doktor. Mabait iyon, Tali, saka guwapo rin," sabi ni manang sa akin. Humagikgik pa siya.

"Ay, si manang? bet mo po?" tanong ko.

Natigilan si manang sa pagsubo ng kutsara niya na may laman nang pagkain dahil sa sinabi ko. Sumubo na rin ako at nagsimulang kumain. Nakakaramdam na ako ng antok. Tiyak na kapag nakabalik ako ng silid ay tulog kaagad ako nito.

"Naku, kang bata ka! sa tanda kong ito talaga ay naisip mo pa iyon?" sabi niya.

"Aba, age doesn't matter manang. Pero, maiba po ako, nasaan po ang pamilya ninyo? nasa probinsya rin?"

Ang ngiti niya ay nawala. Ibinaba ni manang ang kubyertos niya at tumingin sa akin. Bago nagsalita ay uminom siya ng tubig.

Iba ang emosyon ng mga mata niya kaysa kanina noong biniro ko siya doon sa doktor.

"Wala na akong pamilya, Tali."

Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni manang. Wala na siyang pamilya?

"Ano po ang... nangyari?"

Lumabi siya, nakita ko ang kislap sa mga mata niya. Gumalaw ang mga daliri niya, hindi ko alam kung tanda iyon na hindi niya alam kung paano magsisimula sa pagkukwento o hindi niya kayang sabihin ang dahilan.

"Ah, manang, sige po, okay lang kahit na hindi ninyo sabihin sa akin! pasensiya na po kayo, may pagka-tsismosa po kasi talaga ako."

Sinundan ko ng pagtawa ang sinabi ko dahil nararamdaman ko na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni manang.

"Hindi, ayos lang, matagal namana iyon."

"Wala na akong pamilya kasi iniwan ako ng kaisa-isa kong anak noong namatay ang asawa ko. Nang makapag-asawa ang anak ko ay sumama sa asawa niya at pumunta sa ibang bansa. Simula non ay naghanap na ako ng paraan para mabuhay, kaso dahil nga matanda na ako ay walang tumatanggap sa akin."

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon