Chapter 32

4.9K 79 0
                                    







Thaliana Tangi Dela Vezca

I can't believe what's happening. I really can't believe it. I was on Rozzean's lap. He was looking at me, his hands were on my back. Magkatinginan kaming dalawa at wala kahit isang nagsasalita.

Sinasabi niya ba na may gusto siya sa akin? na isang maid niya?

"Tinakasan ka ba ng boses mo, Tali? bakit hindi ka nagsasalita? at bakit nakatingin ka sa akin na parang hindi ka makapaniwala?"

Tumatama sa aking mukha ang hininga niya. Para akong nalasing bigla, ang aga-aga pero ganito ang tagpo namin. Kanina ay nasa ibabaw niya ako, naghalikan kaming dalawa at ngayon naman ay hindi niya ako binibitawan at mahigpit ang yakap ng mga kamay niya sa akin.

"Sampalin mo nga ako, sir."

Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ko.

Paano ba naman kasi. Hindi ko ma-proseso ang mga nangyayari. Hinalikan ako ni Rozzean, sinabi niya indirectly na may gusto siya sa akin. Ngayon naman ay kung makakapit siya sa akin ay parang ayaw niya akong malayo sa kaniya.

"What? ano ba ang iniisip mo?"

Nang umangat ang isang kamay ko at sasampalin ang pisngi ko ay hinuli niya 'yon.

"Iniisip mo ba na nananaginip ka?" tanong niya.

Talagang iniisip ko na nananaginip lang ako. Saka, kahit nga noong binato ko siya ng sapatos, kaya nangyari iyon ay bigla na lang lumalabas ang mga imahe niya at inaakit ko. Pakiramdam ko ay peke rin ang isang ito.

"Inaakit mo ako, panaginip ka lang ulit!" sabi ko sa kaniya.

"Ulit? ano ang sinasabi mo, Tali? hindi 'to panaginip."

Natatawang sabi niya sa akin. Hindi?

Dinala ni Rozzean ang kamay ko na hawak niya sa kaniyang mga labi at hinalikan ang ibabaw non. Napaawang ang mga labi ko nang tumingin siya sa akin.

"Hindi ka ba naniniwala sa akin? hindi ba kapani-paniwala?" tanong niya.

Dahan-dahan akong umiling.

Sino ang maniniwala sa kaniya? sino ang hindi mag-iisip na isa itong panaginip?

Rozzean is a fckng young billionaire.

Guwapo, sexy, maraming mga babae ang nagkakagusto sa kaniya. Iyong kapitbahay lang namin na naroon na ata ang lahat ay inaantay siya at hindi nagkakagusto sa ibang lalake. Tapos ipinaparamdam niya sa akin ngayon na gusto niya ako?

Gusto niya ako?

Ang maid niya na weird ang itsura?

"What's wrong with you?"

Mabilis akong tumayo at lumayo kay Rozzean.

"Tali--"

"Sir, pinag-ti-tripan mo ba ako?"

Seryoso kong tanong sa kaniya. Natatandaan ko pa rin ang sinabi niya noon sa kusina. Nang gabing magkasabay kami sa pagkain. He was so close to me also, he even sniffed my neck. He hugged me so tight.

Ano kung may halik ngayon? ano ang pinagkaiba?

Is he testing me again?

"Tine-test mo ba ulit ako? sir, para saan pa? sinabi ko na nga na hindi ako magkakagusto sa 'yo. Hindi pa ba sapat iyong isang buwan ko dito sa bahay mo para malaman mo na seryoso ako sa trabaho ko?"

Uuwi na ako, eh. Buo na ang desisyon ko, bakit naman biglang ganito?

"Tali, look..."

Bumuntong hininga siya at tumayo. Nang lumapit siya sa akin ay umatras ako.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon