Chapter 74

3.5K 59 3
                                    

Hawak-hawak ko si Thes at nasa loob kami ng vip room sa kaniyang bar. Natutulog na ang aking kaibigan. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kaniya.

"Luther..."

Napatingin sa akin si Luther. Sinamahan niya kami dito ngayon dahil siya ang umaayos sa gulo na nangyari kanina. Nag-aalala rin ako sa sitwasyon. Wala pa rin daw malay ang lalake na ilang beses na sinuntok ni Rozzean. Dinala na raw ito sa ospital.

"Nakita mo ba siya?" tanong ko kay Luther na ang tinutukoy ay si Rozzean.

"No, but he called me. He said that he's willing to pay for the damages. Pinapabalik ko dito pero sinabi niya na aayusin niya and if the man will sue him sa korte na lang sila magkita."

Ayaw niya ba akong makausap?

Pero ano ang ginagawa niya dito? he doesn't like to drink outside.

"Kasama mo ba siya na pumunta dito, Luther? hindi ko alam na nandito pala si Rozzean."

Sa gulat ko ay hindi ako nakapag-reak kanina. I called his name but I didn't expect that he was actually here. Ang bilis ng tibok ng puso ko nang makita ko siya. Ngunit nasaktan ako nang tinawag ko siya tapos kahit paglingon ay hindi niya ginawa.

Sabihin nang assuming ako, pero nang dahil sa ginawa niya ay nadagdagan ang pag-asa ko na magkakaayos kami kahit papaano.

"Hindi. Pagkatapos ng trabaho ko ay sumunod lang ako dito. Hindi ko sinabi kay Cyron na nandito ka at hindi ko rin siya kasama. Actually, ilang araw na nga akong walang balita sa kaniya kung ano ba ang ginagawa niya sa buhay niya. He's not talking to me also. Galit rin siguro."

Nag-alala ako sa sinabi ni Luther. Kung ganoon ay pati ang relasyon nilang magkapatid ay talagang nagkaroon na rin ng problema.

"I am sorry, Luther..."

Umiling siya sa akin at ngumiti, bumaba ang tingin niya kay Thes.

"Inasahan ko nang magagalit siya sa akin."

"Saka, I was looking for you when I went here. Hindi ka naman sumasagot sa tawag. I saw that woman being dragged by men."

"W-What? si Thes?"

Tanong ko at napatingin sa kaibigan ko na nagkamot pa ng pisngi. Walang kaalam-alam a gulong naganap sa kaniyang bar.

"Party!" ibinaba ko ang kamay ni Thes nang bigla niya iyong umangat. Nananaginip pa ata ang bruha.

"Sakto na kilala ka pala niya at siya ang kaibigan na tinutukoy mo. I helped her and pretended as her boyfriend to save her from those men. When we got inside the bar I asked that woman about you but she was so drank at kung ano-ano lang ang sinasabi. Pumasok kami sa loob at hinanap ka hanggang sa makita ko na may gulong nangyayari."

Napabuntong hininga ako. Mabuti na lang pala at nakita ni Luther si Thes kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa kaibigan ko.

"Thank you for saving my friend, Luther. Nawala rin kasi siya bigla sa paningin ko kanina."

"She's..."

Nakatingin siya kay Thes. Hinintay ko ang sunod na sasabihin ni Luther pero hindi na iyon nasundan pa at bigla na lang itong tumalikod at napahawak sa batok.

"Anyway, I called Maki, nandito na iyon maya-maya. Siya ang maghahatid sa inyo sa mansyon. Baka nag-aalala na rin ang mga magulang mo, Thaliana," sabi niya at humarap muli.

"Thank you. Nagpadala na rin ako ng mensahe sa kanila. But... about the man who harassed me. Siguro ay maaari akong umaksyon kung idedemanda niya si Rozzean? ang totoo naman na nangyari ay ipinagtanggol lang ako ni Rozzean sa lalakeng iyon."

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon