Chapter 24

4.9K 91 0
                                    




Hindi ko kailanman inakala na darating sa buhay ko ito. May ulam na sa pinggan ko may uulamin pa ako sa harapan ko.

      Hindi ko talaga inaasahan na aanyayahan ako ni Rozzean na kumain kasama niya. Ito ang unang beses na makakaharap ko siya sa pagkain, habang dim lang ang ilaw, at kami lang dalawa. Actually, ang romantic ng atmosphere.

      Ano, na, Thaliana? isang linggo ka pa nga lang pero iba na ang nararamdaman mo sa boss mo. Kinikilig pa pempem mo pag napapalapit sa 'yo.

      "Ano ang sinabi sa 'yo ni Maki kanina?"

      Nabitin sa ere ang kutsara ko na may laman na kanin. Napatingin ako kay Rozzean, ang kaniyang mga mata ay diretso at seryosong nakatingin sa akin. Kung ganoon ay hanggang ngayon ang nasa isip pa rin niya ang nangyari kanina.

      "Wala naman po, sir--

      "Sinabi ba niya na kung sisisantihin kita dito ay kukuhanin ka niya? iyon ba?"

      "O, pinapalipat ka niya sa bahay niya at pinagre-resign dito sa bahay ko?"

      Pinipigilan ko ang pag-ngiti. Sa tunog naman niya ngayon parang pakiramdam ko ay nagseselos siya sa ginawa ni Maki kanina. Bakit kailangan niya pang ungkatin iyon? Mas lalo tuloy tumataas ang porsyento na baka nga nagseselos siya.

      Kapal ng mukha mo, Tangi.

      Pero dahil good mood ako, bibiruin ko muna siya.

      "Hindi naman, sir," sagot ko nang nakangiti, "pero para sa akin, syempre kung mapalayas nga ako dito sa bahay mo, aba may malilipatan na ako kaagad dahil sa offer ni Sir Maki. May trabaho na ako na--

      Napatigil ako sa pagsasalita nang tumayo siya. Salubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin. Ako naman ay biglang napainom ng tubig nang makita ang itsura niya. Shet. The monster inside of him is alive. Mukhang masama siyang biruin ngayon.

      "Sinabi ko na sa iyo na hindi kita palalayasin dito."

      Biglang pumasok sa isip ko iyong one rule niya. Sige, uulitin ko iyon tutal hindi niya sinagot ang tungkol doon kanina nang si Maki ang nagtanong. Ibinaba ko ang baso na hawak ko at tumayo rin. Tinapatan ko ang tingin niya.

      "Sir, baka nakakalimutan mo iyong isang patakaran mo dito sa bahay kaya madalas napapalayas ang mga katulong mo. Bawal..." lumapit ako sa kaniya.

      "Magkagusto..." at lumapit pa, "sa 'yo." Tinaasan ko siya ng kilay at pagkatapos ay humalukipkip ako.

      "Paano kung magkagusto ako sa 'yo, sir, sige? 'di napalayas ako dito sa bahay mo. Hindi malabong mangyari 'yon kapag nagtagal ako dito. Syempre, guwapo ka naman, mayaman, matalino sa trabaho, single."

      Gusto ko sana idagdag pa na may jumbo hotdog siya na mukhang pasisigawin ako sa kama, pandesal na yummy, tapos mukhang masarap pang humalik ang mga labi niya kaso syempre, kapahi-pahiya na iyon.

      "Aba, sir, ikaw ang pantasya ng mga katulad ko kung tutuusin. Tapos sabi ni manang iyong kapitbahay daw natin na maganda at sexy tapos matalino pa ay may gusto sa 'yo. Paano pa ang isang tulad ko?"

      Ano, Rozzean? sige, ano ang isasagot mo sakaling magkagusto nga ako sa 'yo?

      "Hindi ka nakakasigurado na hindi ako magkakagusto sa 'yo, sir."

      "Kaya, kung mangyari 'yon, salamat dahil may lilipatan agad akong bahay. Mabait din naman si Sir Maki," ngumiti ako at ibinaling sandali sa ibang direksyon ang mga mata ko, "saka friendly nga siya, palagi pa siyang nakangiti. Pakiramdam ko ay magiging mabuti siyang boss sa akin."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now