Chapter 11

5.3K 85 0
                                    




"O-Oo naman, sir! anong akala mo sa nunal ko, nawawala?" tanong ko at gumilid ako para makaiwas sa mga tingin niya. Kinakabahan na ako.

  "Si sir, nagha-hallucinate po ata kayo kagabi," sabi ko sa kaniya.

  Sht. Grabe naman ang memorya ng lalakeng ito. Hindi rin naman ako nagtagal kagabi, ah? napansin niya pa talaga iyong nunal ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na mukhang napaisip siya. Nakahawak siya sa baba niya, nang tingnan niya akong muli ay muli akong lumayo.

  "Sabihin mo kay manang pag dumating na bukas ako uuwi."

  Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya sa akin. Ako naman ay humakbang. Nabigla ako sa sinabi niya.

  "S-Sir? saan po kayo pupunta?"

  Napahinto siya. Nilingon niya ako, "Why?"

  Oo nga, bakit ko ba tinanong? Kaagad akong nag-isip ng dahilan. Nang maalala ko si manang ay siya na lang ang idinahilan ko.

  "B-Baka lang po itanong ni manang, para alam ko rin ang sasabihin ko," sabi ko sa kaniya.

  "Hindi nagtatanong si manang kung saan ako pumupunta, basta't sabihin mo sa kaniya na hindi ako uuwi ngayong gabi. Bukas na ang uwi ko."

  Tumalikod na siya at umakyat. Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang mahigpit kong hawak ang dulo ng damit ko. Hindi siya uuwi, ibig sabihin may night out siya. Sabado bukas, sino kaya ang kasama niya?

  Nanlisik ang mga mata ko.

  "Malalaman ko rin kung may girlfriend ka o kung marami kang babae, Rozzean. Makikita mo."

  Magaling na ang demonyito, parang hindi siya nagkasakit at parang mamamatay kagabi sa ginaw, ah?

  "Tali, bumaba na ba si sir?"

  Nilingon ko si manang, dala-dala na niya iyong mga tasa na pinag-inuman ng mga guard. Kinuha ko iyon sa kaniya at inilagay sa sink. Nagsimula akong maghugas. Pangalawang araw ko na dito, kaso mukhang lilipas ang araw na ito nang wala akong malalaman dahil bukod sa maghapon sa opisina si Rozzean ay hindi pa siya uuwi ngayong gabi.

  "Opo, manang. Pinapasabi po pala ni sir na hindi daw siya uuwi mamaya, bukas na raw po," sambit ko sa kaniya.

  Kumuha si manang ng tubig sa ref at nagsalin siya sa baso. Ako naman ay nagpatuloy sa paghuhugas. Nang makatapos ay inilagay ko ang mga tasa sa lalagyanan. Kinuha ko na rin ang baso na pinag-inuman ni manang at hinugasan.

  "Salamat, 'nak," sabi niya sa akin.

  Biglang lumambot ang puso ko nang marinig ang itinawag niya sa akin. Ang cute ni manang talaga! pagsinisante siya ni Rozzean ay walang resume-resume, tatanggapin ko talaga siya. Ang lapit na niya kaagad sa puso ko kahit wala pa akong isang linggo dito.

  "Tali, hindi kumain si sir?" tanong ni manang habang nakatingin sa mga iniluto ko.

  "Hindi po, eh, wala rin sinabi kung kakain."

  Kumuha ng tupperware si manang at nilagyan niya iyon.

  "Kapag hindi nag-agahan dito si sir ibig sabihin sa opisina na. Kailangan lang na pabaunan siya," sagot ni manang.

  Napabilog ang mga labi ko. Ganoon pala... Nang maalala ko na nagkasakit kagabi si Rozzean ay muli akong tumingin kay manang. Nagpunas ako ng kamay at lumapit sa kaniya habang inaayos niya ang paglalagay ng mga pagkain sa tupperware.

  "Papasok po ba si sir sa opisina ngayon?" tanong ko.

  "Kasi nagkasakit po siya kagabi, baka mabinat siya. Mas mahirap po iyon, manang."

  "Sanay na si sir, Tali, huwag kang mag-alala sa kaniya. Minsan nga ay pumapasok pa iyon ng may sakit. Siguro iyong kagabi hindi lang niya talaga kinaya."

  Pasaway pala si Rozzean. Ikamamatay niya ang pagiging pasaway. Naupo ako at pinanood si manang. Pero infairness, hindi maarte si Rozzean. Kinakain niya kaya talaga ang mga ito?

  Nang maalala ko ang sinabi niya na hindi siya uuwi ay nagsalumbaba ako. Saan kaya pupunta iyong boss amo ko na 'yon? mukhang hanggang mamaya ay iisipin ko ito ng iisipin.

  "Manang, may ideya ka kung saan pupunta si sir?" tanong ko nang hindi na makatiis.

  Kumuha si manang ng paperbag sa gilid at inilagay ang tupperware doon.

  "Hindi niya sinasabi kung saan siya pumupunta. Saka, wala rin naman siyang rason para sabihin sa akin. Malaki na si Rozzean," sabi ni manang nang nakangiti sa akin.

  Oo nga naman. Nanghaba ang nguso ko.

  "Bakit, Tali?" tanong niya sa akin.

  Umiling ako, "Wala naman po, manang. Para lang sana, hindi ba? may ideya tayo kung nasaan siya. Baka mamaya kung mapaano siya lalo at galing siya sa sakit."

  Pero ang totoo gusto kong malaman kay manang at marinig na babae ang kikitain ni Rozzean.

  "Binata iyong si sir, maraming pinupuntahan pag walang trabaho. Tuwing weekend expect ko na iyon, Tali. Siguro naman may ideya ka kung ano ang ginagawa ng mga binata?"

  Pinatunog ko ang aking mga palad.

  "Nagsasaya, manang? nagba-bar? mga babae?" tanong ko.

  Tumawa siya.

  "Mayaman si Rozzean, gwapo, maraming babae ang nagpapapansin sa kaniya, Tali. Babae ang talagang lumalapit, kita mo nga dito sa bahay, nag-aapply pa na katulong. Hindi malayo na babae ang dahilan," sabi ni manang.

  Sinasabi ko na nga ba! may babae nga siya o baka naman may girlfriend na siya? kaso bakit kumpyansa si daddy? hindi kaya niloloko niya si daddy?

  Pero, kailangan kong malaman iyon. Kaya nga ako nandito.

  Lumipas ang oras, alas siyete na ng umaga. Naglilinis ako sa sala nang makita kong naka-office suit na si Rozzean at pababa ng hagdan. Napatigil ako sa pagpupunas ng mga gamit sa sala at napatingin na lang sa kaniya.

  Ang gwapo nga, kaso pasensiya ka na, ayoko talagang magpakasal. Mas gusto kong mamuhay ng malaya kasama ang mga anak ko.

  "Manang, I'm going now, where's my breakfast?" tawag niya kay Manang Selya.

  Ako na ang lumapit sa kaniya. Ibinilin nga pala sa akin ni manang na kapag bumaba na si Rozzean ay ibigay ko iyong breakfast nito.

  "Sir, nasa rooftop si manang, naglilinis, ito iyong breakfast mo," sabi ko. Nang maalala na baka makaramdam siya ulit ng pangangati ng lalamunan at pananakit ng ulo ay sinamahan ko ng gamot ang baon niya.

  "Saka, pag nakaranas kayo ulit sir ng pangangati ng lalamunan at sakit ng ulo, may gamot diyan. Inumin mo agad sir pagkakain para hindi lumala at maging katulad ng kagabi."

  Kinuha na niya ang paperbag pero hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin. Sinusuri na naman niya ata ang mukha ko. Nang lumalim ang tingin niya ay napaatras ako. Ano na naman ba ang trip ng lalakeng ito?

  "Your mole bothers me."

  Iyon lang ang sinabi niya at nilagpasan na ako. Nagsalubong ang kilay ko at nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Bigla tuloy akong napataban sa nunal ko.

  "Inaano ka ba ng nunal ko?!" sabi ko nang tuluyan na siyang makalayo.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now