Chapter 25

5.1K 81 0
                                    







A-Ano daw?

Sinabi niya ba na mabango ako?

Nang humiwalay sa akin si Rozzean ay nakatingin lang ako sa kaniya at hindi nagsasalita. Nakaawang ang mga labi ko sa gulat. He siniffed my neck, he hugged me tight and he fckng let me feel his hardness.

Alam niya 'yon! imposibleng hindi niya alam na nagagalit ang ulo niya sa gitna!

"Alam ko ang patakaran ko sa bahay na ito, Tali," sabi niya at hinawakan ako sa pisngi.

Gulat na gulat pa rin ako at hindi gumagalaw. Bakit siya ganito ngayon? huwag mong sabihin na may gusto talaga siya sa akin? ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi rin mawala ang kaba. Wala ito sa plano.

"S-Sir bakit mo ako--

Nagulat ako nang pitikin niya ako sa noo. Mahina lamang iyon ngunit napahawak pa rin ako sa parte na tinamaan.

Rozzean step back and cross his arms. Ako ay nakatingin lang sa kaniya, nanumbalik na ang normal na ekspresyon sa mukha niya.

"Your one week test is done. You passed."

A-Ano daw? one week? test? passed?

"S-Sir? ano po?" tanong ko at unti-unting ibinaba ang kamay ko na nakahawak sa aking noo na pinitik niya.

"Sinabi mo na inaakit ko ang mga katulong ko, hindi ba? ginagawa ko lang iyon para malaman kung wala akong epekto sa kanila. At iyon ang nangyari kanina."

I was too stunned to speak. What the hell, Rozzean?

Bigla akong nahiya, sa mga naisip ko, sa muntik nang pagganti sana sa yakap sa kaniya. I am glad, I didn't hug him back. Sht.

Unti-unti akong napayuko. Naikuyom ko ang aking mga kamay nang gumilid siya at mukhang aalis na sa kusina. I can't believe what just happened. Shame on you, Thaliana for thinking that Rozzean will like you--his maid.

I assumed too much because of his actions.

Pahiya ka, Thaliana.

"Mabuti naman at hindi ka nahulog sa akin sa loob ng isang linggo, Tali. Kailangan ko ng katulong sa bahay ko. Magaling ka at maraming alam sa gawaing bahay," nilingon niya ang lamesa.

"Sa oras na matapos ka sa paglilinis dito ay umakyat ka na."

Nakaramdam ako ng matinding hiya para sa sarili ko. Hindi alam ni Rozzean ang mga tumatakbo sa isip ko kanina at nagpapasalamat ako dahil hindi ko naisaboses ang mga iyon, napigilan ko ang sarili ko na magsalita, gumanti ng yakap at madala sa sitwasyon na hindi pala totoo.

I have never felt this kind of shame in my life. Kahit kailan ay hindi pa.

"Oh, Thaliana..." I whispered.

Nakaalis na si Rozzean sa kusina pero ako ay hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan ko.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at kumilos. Parang sandaling nawala ang huwisyo ko sa mga narinig ko na sinabi niya.

So, I was right?

Iyong mga paglapit niya, palaging walang pang-itaas na saplot, pati ang pagpunta ko sa garden niya kahit sinabi niya na hindi siya nagpapapunta doon ng mga katulong ay para lamang tingnan kung kaya kong tumupad sa sinabi ko na hindi magkakagusto sa kaniya?

"Shame on you, Thaliana. You are so assuming."

Napahawak akong bigla sa leeg ko.

Even his words seemed true. Napangiti na lang ako habang umiiling. He almost got me there. Magaling siyang umarte. I need to remind myself that.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now