Chapter 54

3.3K 49 1
                                    







8:00 pm na. Inabot na ako ng gabi sa aking main branch ng Tinatangi. Marami ang um-order ngayong araw ng mga bulaklak kaya kahit papaano ay lumipas ang oras ko nang hindi pumapasok sa aking isipan si Rozzean.

Sa totoo lang, sa loob ng dalawang araw na wala ako sa bahay niya ay hindi siya nawala sa isip ko. Ngunit dahil sa pagiging abala kanina dahil sa sunod-sunod na order ay kahit papaano natuon doon ang aking atensyon.

Miss na miss ko na siya, gusto ko na siyang makita ngunit kailangan kong magtiis.

"Ma'am, may hindi pa po pala nai-deliver na bouquet?"

Napalingon ako kay Alma. Nakatingin siya sa bouquet of red roses na nasa gilid. Naalala ko ang tungkol doon. Si Luther ang nagbigay non sa akin, isa sa bagay na hindi ko inaasahan na mangyayari.

"Ah, may nagbigay sa akin na customer. Siya iyong nag-message sa iyo na ako mismo ang mag-arrange."

"Ayie, si Ma'am, nagbago na po ang pananaw mo sa buhay?" tanong ni Alma sa akin.

Ngumiti lang ako sa kaniya. Alam nila na wala pa akong nagiging kasintahan, silang mga empleyado ko dito sa main branch ang madalas kong kausap sa tuwing kinukulit ako ng Daddy na makipagrelasyon na.

"Oo..." sagot ko at biglang pumasok sa aking isipan si Rozzean.

Nang mapatingin akong muli sa oras ay kinuha ko ang bouquet ng bulaklak at ang aking bag.

"Mauuna na ako na umuwi, Alma, okay ka na ba na mag-isa dito?" tanong ko.

Nagliligpit na rin siya ng mga pinaggamitan namin kanina.

"Opo, Ma'am Tangi, sige po, alam ko po na pagod rin kayo. Ako na po ang bahala dito."

Nang marinig ko ang sinabi niya ay tinungo ko na ang labas ng Tinatangi. Wala akong dalang cotse kaya't mag-a-abang na lang ako ng taxi.

Ngunit pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang isang itim na sasakyan, nakasandal doon si Luther at nakatingin sa malayo.

Ano ang ginagawa niya dito?

"Luther."

Umayos siya ng tayo nang makita ako.

"Ano ang ginagawa mo dito sa tapat ng shop ko? may hinihintay ka ba?"

"I was waiting for you. Pauwi ka na?"

I don't know what is this... but why is he here again? kanina ay binigyan niya ako ng bulaklak tapos ngayon naman ay narito siya at tinatanong kung pauwi na ako.

"Pauwi na. Naghihintay na lang ako ng taxi."

"I will take you home, Thaliana."

Binuksan niya ang pinto ng cotse niya. Napatingin ako doon. Naguguluhan ako sa inaakto niya. Is this normal?

"Why... are you doing this, Luther?" tanong ko sa kaniya.

"Ang alin, Thaliana?"

"This..." tumingin ako sa bulaklak, "and that..." itinuro ko ang sasakyan niya.

"You gave me bouquet of flowers and now you wanted to take me home. Ano ang nais mong malaman sa akin? o may gusto ka ba na gawin ko?"

Hindi siya sumagot, ngumiti lang siya at hinila ang aking kamay.

"A-Ano ba, Luther?"

Kinuha niya sa akin ang bouquet at pinapasok ako sa loob ng kaniyang sasakyan.

"It's 8:15 pm, Thaliana, delikado na para mag-commute ka pa. Huwag ka nang magtanong at hayaan mo akong ihatid ka sa bahay mo."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now