Chapter 64

3.1K 55 2
                                    

I saw him sitting on the corner of his bed. Nakatalikod sa akin.

"Manang, I said I don't want to eat. Ilang beses ko ba na sasabihin sa 'yo--"

Nakita ko ang sandaling gulat sa mga mata niya nang makita ako ngunit napalitan rin kaagad iyon ng galit.

"What are you doing here?"

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang hawak ang mga pagkain na iniluto ko para sa kaniya. Nakita ko na kinuha niya ang saklay sa gilid at tumayo siya upang makalapit sa akin.

"Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan kagabi, ha? Miss. Dela Vezca?"

"R-Rozzean... sinabi sa akin ni manang n-na hindi ka pa raw kumakain simula kaninang umaga. N-Nagluto ako ng pagkain para sa 'yo--"

Nang makalapit siya sa akin ay napahinto ako sa pagsasalita nang itaob niya ang mga iniluto ko. Napasinghap ako nang tumapon ang mga iyon sa mga kamay ko. Naramdaman ko ang matinding init ng mga pagkain na kaagad kong ininda.

"Wala kang pakialam kung hindi ako kumain, sino ka ba?"

Ganito pala kahirap...

Ganito pala kasakit.

Hindi ko alam na may mas sasakit pa pala iyong kagabi.

Iyong hapdi na nararamdaman ko sa aking mga kamay ay walang-wala sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko habang nakatingin sa akin ang galit na galit niyang mga mata.

"N-Nagkamali ako... p-pero pinagsisisihan ko n-naman, Rozzean..."

"N-Nagpakilala akong ibang tao p-pero lahat naman ng ipinakita ko sa 'yo dito sa bahay mo a-ay totoo. P-Pati ang nararamdaman ko para sa 'yo, m-mahal kita. M-Mahal na mahal--"

"Shut up! just shut up! you made me look like a fool! pinaglaruan mo ako at ngayon sasabihin mo sa akin na mahal mo ako? mahal na mahal?! putanginang pagmamahal iyan!"

Napaatras ako dahil sa galit niya.

"Naging masaya ka ba?"

Nang humakbang siya sa akin ay naapatras akong muli. Patuloy sa pagdaloy ang luha sa magkabilang mga mata ko habang nakatingin siya sa akin.

Hindi na ata...

H-Hindi na ata mawawala ang galit niya.

"Naging masaya ka ba habang pinaglalaruan mo ako dito sa bahay ko, ha? at anong pagmamahal ang sinasabi mo?"

Umiling ako ng sunod-sunod sa kaniyang tanong. Ang pananatili ko sa bahay niya ay isa sa hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Wala sa intensyon ko na paglaruan siya.

"N-No... hindi ganoon, R-Rozzean. N-Nagkamali ako, nagsisisi ako, p-pero huwag mo naman kuwestyunin ang pagmamahal ko para s-sayo."

"Mahal kita--"

"Don't fckng say that words to me, Miss. Dela Vezca. Kung mahal mo ako bakit mo ako niloko?"

"Kung mahal mo ako bakit pinagmukha mo akong tanga?"

"R-Rozzean..."

"Umalis ka na."

"M-Makinig ka naman sa akin... p-please... n-nagkamali ako, h-hindi ko dapat 'yon ginawa. I-I'm s-so sorry... a-alam ko naman na m-mali nahirapan lang akong b-bumalik at i-ipaliwanag ang lahat dahil h-hindi kita maiwan."

Nang tumalikod siya sa akin ay napahikbi ako.

"Manang!"

Ilang segundo lang ay nasa loob na ng silid si manang nang tawagin niya.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon