Chapter 72

3.2K 52 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas muli. Thes invited me to go out. Sinabi niya sa akin na hindi ako dapat nagmumukmok sa aking silid at isipin ang mga nangyari sa amin ni Rozzean. Pero ano ang magagawa ko? kahit na nasaktan ako ng sobra ay ito at umaasa ako na magiging maayos pa kami.

I miss Rozzean so much, miss na miss ko na. Napapanaginipan ko na siya dahil sa sobrang pagka-miss ko. Naiiyak pa rin ako sa gabi sa tuwing maalala ko ang nangyari sa amin. How his eyes looked at me with hatred. Nararamdaman ko pa rin ang sakit nang makita ko sila na magkasama ni Klari.

Iyong sobrang saya namin ng ilang araw sa bahay niya ito na ang kapalit at walang ibang dapat na sisihin kung hindi ako lang.

"Are you sure you don't need a guard?" tanong ni Mommy sa akin.

Hinihintay ko na lang na dumating si Thes. Siya ang magmamaneho, hindi na ako maaaring mag-drive mag-isa simula noong maaksidente ako. My parents and brothers were so worried that they took my car keys. Ang dalawang sasakyan ko ay hindi ko na maaaring gamitin at kung nais ko man na pumunta sa tinatangi ay ipagda-drive ako ng aming family driver.

"Hindi na po, Mom, kasama ko naman po si Thes. Maglilibot lang po kami sa mall," sagot ko.

Tumango ang Mommy at pagkatapos ay hinawi niya ang aking buhok.

"Anak... do you really love Rozzean?"

Out of nowhere, Mommy suddenly asked me that. Nabigla ako nang ipasok niya sa usapan si Rozzean at ang pagmamahal ko dito.

"I noticed that you were always spacing out, anak. Nag-aalala ako. Naisip ko if it has something to do with Rozzean Cyron and your engagement. Are we pressuring you to marry Luther?"

Hindi ko naman namamalayan na ang atensyon pala nila ay nasa akin.

"I... don't love Luther, Mommy... he's just a friend. Alam rin naman po ni Luther kung sino ang mahal ko. He knows that I love Rozzean so much that I am willing to do everything for his forgiveness. Nahinto lang po ako dahil nga nakita ko ang babaeng may gusto sa kaniya na naroon sa bahay niya at inaasikaso siya, n-naisip ko na baka nga hindi na niya ako mahal at baka hindi ganoon kalalim ang nararamdaman niya para sa akin. It hurts me. Until now, sobrang sakit, Mommy... pero mahal na mahal ko pa rin po. Sobra."

Hinawakan ni Mom ang mga kamay ko ng mahigpit. Pinalis niya ang luha na nalaglag sa aking mga mata.

"I know... ramdam ko, anak, ramdam na ramdam ni Mommy na nasasaktan ka."

"Kaso galit ang Daddy mo, sinubukan ko siyang kausapin kung maaari na matulungan ka niya na maging maayos kayo ni Rozzean pero sa tuwing babanggitin ko ay iniiba niya ang usapan."

Ngumiti ako ng tipid sa Mommy. Dad was so hard to please when he already said his final words. At sinabi na niya sa akin na tama na, ihinto ko na. Bago ako sa kaniya sumang-ayon ay sinabi ko na hihinto na ako sa paggawa ng paraan upang mapatawad ni Rozzean kung maipapangako niya na hindi madadamay ang kumpanya na pinaghirapan nito. Pati na sa mga kapatid ko, kinausap ko rin sila tungkol sa trabaho.

I don't want them to treat Rozzean badly because of me.

Ako naman ang pinagmulan ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Ako ang nanloko dahil sa pagiging makasarili ko.

"I will be okay soon, Mommy, sa ngayon ay susundin ko muna ang mga payo ni Thes. Lalabas upang kahit papaano ay makalimot sa sakit. I am just thankful that I have a friend like her."

Hinalikan ni Mommy ang aking noo at pagkatapos ay ngumiti siya. Nang mapatingin siya sa likod ko ay napalingon ako.

"Tangi! let's go!"

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now