Chapter 28

4.9K 85 0
                                    







Umakyat na si Rozzean nang hindi na ako muling tiningnan. What the hell is happening? he run when he saw me. He hugged me and whispered unexpected words.

"I thought something bad happened to you."

Ang bilis rin ng paghinga niya. Ang gulat at pag-aalala sa mukha niya nang makita ako kanina na pumasok ng bahay ay hindi maalis sa isip ko.

"T-Tali? may problema ba, anak? bakit nakahawak ka sa dibdib mo?"

Napatingin ako kay manang.

I wanted to say to manang that my heart beat was so fast, and that I can't breathe because of the feeling that Rozzean left in me but I just said that I am okay.

"O-Okay lang po ako, manang."

Nakabawi ako at kaagad na tumingin sa kaniya, hinawakan ko sa mga kamay si manang at nginitian. She cried because she was so worried about me. Hindi ko inakala na ang dahilan pala ng mga pulis sa labas ay dahil sa pag-aalala nila sa akin.

"Pasensiya na po kayo, manang, hindi ko po alam na mananakaw sa akin iyong cellphone. Sa likod ng bulsa ko po kasi inilagay. Abala po ako sa pamimili ng mga nasa listahan at hindi ko naman po naramdaman na nakuha ang cellphone sa akin," paliwanag ko.

Umiling naman siya at hinawakan ako sa aking mga braso, "Ang mahalaga ay nakauwi ka na at walang nangyaring masama sa iyo. Naku, alalang-alala kami ni sir. Nang sabihin ko nga sa kaniya na hindi ka pa umuuwi at iba ang sumagot sa cellphone mo ay kaagad siyang bumaba. Umalis at ginamit pa iyong sasakyan, mukhang pumunta mismo sa palengke para tingnan ka."

"Ngunit siguro ay nagkasalisi kayo kaya hindi ka na niya nakita. Narito na ang mga pulis mga sampung minuto bago ka dumating. Nauna lang rin ng ilang minuto si sir sa kanila."

H-He went out? to... look for me?

"U-Umalis rin po si sir para hanapin ako, manang?"

Tumango siya.

This is the first time that I felt this kind of feeling. Na parang sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay lalabas na ito sa dibdib ko. Why would Rozzean went out to look for a maid like me? and why would he hug me like he was so fckng worried?

"Tali, ang mga pinamili mo."

Napalingon ako sa tinitingnan ni manang. Nakita kong ipinapasok iyon ng dalawang guards. Natampal ko ang aking noo dahil sa sobrang taranta kanina nang makakita ng sasakyan ng police ay tumakbo kaagad ako para pumasok sa loob ng bahay. Nakalimutan ko na bitbitin ang mga pinamili ko na nasa tricycle.

"Magluto na tayo, Tali."

Nagulat ako sa sinabi ni manang.

"P-po? hindi pa po ba kayo kumakain?" napatingin ako sa orasan. 9:30 pm na.

Umiling sa akin si manang, binuhat niya ang mga pinamili ko. Lumapit na rin ako at tinulungan siya.

"Hindi pa, 'nak, ako ay hindi pa naman gutom dahil sa puto na kinain ko kanina. Iyong si sir kasi ang sabi kanina noong maaga-aga pa ay gusto niya ng kaldereta na luto mo kaya hindi ako nagluto. Kaya ngayon tiyak gutom na 'yon dahil hindi pa siya kumakain ng kahit ano."

He was waiting for me.

Kaagad akong tumalima, kinuha ang mga kakailanganin at nagsimulang magluto.

"Pasensiya na po kayo, manang, hindi po ako nag-ingat kanina."

Si manang ay naglalagay ng mga pinamili ko sa ref at sa mga cabinet habang ako ay abala sa pagluluto. Hanggang ngayon, iyong kakaibang pakiramdam sa dibdib ko ay nandito pa rin. Ang mukha ni Rozzean nang makita ako na nakapasok sa bahay kanina ay hindi pa rin naaalis sa aking isipan.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon