Chapter 48

3.4K 50 4
                                    



Nakaalis na si Rozzean pero bago siya kanina umalis papuntang kumpanya ay sinabi niya sa akin na tatawagan niya ako kapag may libreng oras siya. Hindi ko alam na clingy siya dahil noong unang araw ko dito sa mansyon niya ay nakakatakot ang itsura niya. Napakasungit at talagang mapapaatras ka pag tumingin siya sa iyo.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam kung ilang beses. Iniisip ko ang naging usapan namin ni Luther at ang mga akto ni Rozzean sa akin.

"Exactly. Ayaw kitang bitawan tapos umalis ka na lang bigla. Don't do that again, Tali. If you are going to leave me, tell me, okay? huwag kang basta-basta umaalis dahil ikaw ang palaging hinahanap ng mga mata ko."

Hindi ako kaagad nakabawi nang sabihin niya iyon sa akin. He's the sweetest. Ilang beses na akong nakarinig sa kaniya ng mga salita na hinding-hindi ko makakalimutan.

Ang totoo nga ay parang lahat. Kaya rin sobra ang takot ko. I don't want him to change because of me. About the decision I made just to be here.

"May problema ka ba, Tali?"

Nilingon ko si manang. Nandito ako ngayon sa may gazebo at nagpapakain ng mga isda.

Malaki ang problema ko manang.

"Wala naman po, may kailangan po ba kayo sa akin?" tanong ko sa kaniya.

May hawak siyang basket na may laman na mga prutas. Napasimangot ako, mukhang alam ko na kung kanino iyon nanggaling. Hindi pa rin talaga tumitigil si orange girl. Mukhang kahit na sinabi ni Rozzean na may nagugustuhan na ito ay magpapatuloy pa rin si Klari.

Kaso, sorry na lang siya... in love na in love sa akin si Rozzean.

Iyon nga lang maaaring magbago iyon, at iyon ang ikinatatakot ko. Sana lang ay kapag nalaman ni Rozzean ang totoo ay huwag niya akong kamuhian. Gagawin ko naman ang lahat para mapatawad niya at alam kong hindi iyon magiging madali.

Lalo pa sa mga narinig kong sinabi ni Luther sa akin.

"Napansin ko lang kasi na parang ang lalim ng iniisip mo. Oh, siya, papasok na ako sa loob at huhugasan ko itong mga prutas na galing kay Klari."

Tumango ako kay manang. Nang makaalis siya ay napanguso ako.

"That woman... hindi kaya siya naniwala sa sinabi ni Rozzean na may nagugustuhan na ito? mukhang kailangan niya pa na harap-harapan makita para maniwala lang siya."

Tumayo ako at babalik na sana sa loob ng bahay nang may mahagip ang aking mga mata. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita kung sino ang papalapit sa akin. Ano ang ginagawa ng kumag na 'to dito?

"Thaliana."

Napalingon ako sa paligid nang tawagin ako ni Maki sa aking pangalan.

"What are you doing here?" tanong ko sa kaniya. Seryoso ang mukha ni Maki habang nakatingin sa akin.

"You need to go home now, Thaliana," matigas niyang sabi.

Lumapit ako kay Maki nang marinig ang sinabi niya.

"I will go home, Maki. Next week. Uuwi ako at--"

"Go home now. Your father is in the hospital, Thaliana. Tito George was rushed last night because of a heart attack. At alam mo ba ang dahilan? they found out that you are not in palawan. You brothers are looking for you now. You were now reported missing."

Natigilan ako sa sinabi ni Maki. D-Dad? si D-Dad nasa ospital?

Napahawak ako sa braso niya.

"H-How is he? Maki!" sigaw ko.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now