Chapter 85

3.4K 78 8
                                    

"Thank you so much, guys for today. Satisfied ako sa naging ayos natin!" sabi ko sa aking team.

"Thaliana, take a rest, mukhang okay na at tapos na kayo."

Nilapitan ako ni Luther at sinabi iyon. Naka-check in na rin naman ako at ang ibang mga guest ay nasa kani-kanilang mga hotel rooms na.

"I am okay, Luther, titingnan ko pa kung may nakalagpas sa mga mata ko na kailangan ayusin," sabi ko.

Nang maramdaman ko na siniko ako ni Riza ay napalingon ako sa kaniya. Isa siya sa mga employees ko.

"Ma'am, ang gwapo, siya ba iyong fiance mo?" tanong niya.

Hindi ako nagsalita at napangiti lang ako. Luther looked around the venue. Mukhang tinitingnan niya kung ano pa ang kulang. Maayos na rin naman ang decorations sa may pool area.

"Luther!"

Napalingon kami nang marinig ang boses na iyon. Nakita ko ang isang lalake at babae. Napako ang mga mata ko sa babae dahil sa ganda nito!

"Hey, Hector..."

Palapit sa amin ang tumawag kay Luther.

"The cakes are here, also the cupcakes. Saan ba ilalagay?" tanong ng lalake kay Luther.

"Oh, is she your fiancee?" baling nito sa akin.

"She is but... basta mahirap ipaliwanag, she's Thaliana Tangi Dela Vezca," pagpapakilala ni Luther sa akin.

"Thaliana, he is our cousin, Eros Hector Lozrealle. Magkapatid ang aming mga ina."

Humakbang ako at nakipagkamay sa lalakeng ipinakilala ni Luther. Gaganda ng mga lahi nila, ha? ang gwapo rin ng isang ito. Pamilyar ang apelyido sa akin.

"Hello," ngumiti ako. Nilingon naman nito ang babaeng kasama at muling tinignan si Luther.

"This is my girlfriend, Lovender. She was the one who baked the cake and the cupcakes."

"Really? parang iba iyong pinakilala mo last time, Hector?" pagbibiro ni Luther.

"Shut up, baka maniwala."

Nang magkatinginan kami ng girlfriend ng pinsan ni Luther ay nginitian ako nito. She's so pretty! para naman itong manyika!

"Hello, I am Lovender," sabi niya sa akin at inilahad ang kamay niya. Kaagad ko naman iyong kinuha at nakipag-shake hands.

"Thaliana Tangi, pero puwede naman na Tangi na lang," sabi ko at ngumiti.

"So... you bake cakes?"

Tumango ito, "Oo, iyon ang work ko. Ikaw?"

Itinuro ko ang mga bulaklak sa malapit.

"Florist naman ako, isa ako sa nag-ayos ng mga bulaklak sa venue na ito."

Parang nagningning ang mga mata niya sa sinabi ko.

"T-Talaga? namangha nga ako, ang ganda, doon pa lang papasok ay nakuha na ang atensyon ko dahil sa mga bulaklak. Ang galing mo naman!"

Napangiti ako sa sinabi ni Lovender. Nagkuwentuhan pa kami ng ilang sandali hanggang sa ayain na siya ng boyfriend niya upang pumunta sa hotel at magpahinga.

Nang may maramdaman akong kumalabit sa aking gilid ay napalingon ako at nakita ang aking mga employees, nagpaalam sila na uuwi na. Babalik na lang sila bukas upang kuhanin ang mga gamit dito sa venue.

I was left there and Luther, looking at the venue, sinisigurado na maayos na ang lahat. Nang pumatak ang alas singko ay dumating na ang mga pagkain. Kanina pa kami abala ni Luther at nakamasid. Ang lahat naman ay maayos na. Ang pagkain na lang naman ang hinihintay at ngayon nga ay dumating na.

"Finally, everything is ready," sabi ni Luther at naupo siya. Ibinaba niya ang cellphone niya sa lamesa.

"Na-kontak mo na ba si Tito Royce?" tanong ko.

Nilingon niya ako at mukhang iyon ang nakalimutan niya sa lahat.

"I forgot, pero kaninang mga 3:00 pm ay nakausap ko naman si Dad at sinabing hinahanap ako ni Mama, ang usapan kasi ay may dinner kaming pamilya."

"Sir Luther! may itatanong lang po kami!"

Muling tumayo si Luther nang may tumawag dito. Sakto naman na nakalayo na siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan ko ay si Tito Royce ang tumatawag. Muli akong tumingin kay Luther, tumayo ako at kinuha ang cellphone niya na nag-ri-ring. Lalapitan ko sana siya kaso lumabas bigla ng venue.

Wala na akong nagawa kaya sinagot ko ang tawag.

"Hello po, Tito Royce, lumabas lang po sandali si Luther--"

"Thaliana..."

Natigilan ako nang hindi boses ni Tito Royce ang narinig ko sa kabilang linya.

Muli kong tiningnan ang caller. Pangalan naman ni Tito Royce ang nakalagay!

Pero bakit boses ni Rozzean ang naririnig ko?! muli kong ibinalik sa aking tainga ang cellphone.

"Hello?"

"Thaliana, bakit nasa iyo ang cellphone ni Luther? nasaan ka? at nasaan siya?"

I heard danger in his voice while asking me. Ako nga ang dapat magtanong! bakit siya ang may gamit ng numero ng Daddy niya!

"Thaliana, why are you--"

Pinatay ko ang tawag. Nang makita ko si Luther na pabalik na ay sinalubong ko siya at ibinigay ko ang cellphone niya.

"Tito Royce called pero si Rozzean naman ang nagsalita," sabi ko ng may halong inis sa aking boses. Nagsalubong ang mga kilay ni Luther at nag-dial. Dapat ay hinintay ko na lang talaga siya. Malay ko ba kasing si Rozzean pala iyon.

Humalukipkip ako sa gilid.

"Hello--"

"Cyron, bakit ka nag-rarap? can you talk slowly? hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo."

Napatingin ako kay Luther. Tumingin rin siya sa akin pero sandali lang.

"Yes... of course she's with me... sa room?"

"No, of course not. Bakit ba gamit mo ang number ni Dad? nasaan siya? at nasaan na kayo?"

Sumenyas ako kay Luther na aalis na ako. Tumango naman siya kaya't lumabas na ako sa venue. Tinungo ko ang hotel na naroon lang rin naman. I went to my room and lay down on the bed. Iniunat ko ang aking katawan.

I still have two hours to prepare myself for the party pero hinihila naman ako ng antok.

I get up and opened my bag, inilabas ko ang aking mga pang-ayos. Nakahanger na rin ang susuotin ko mamaya. It was a gold satin fitted dress. Mabilis ang oras kaya't nang makapagpahinga ako ng sampung minuto ay tinungo ko na ang bathroom at naligo.

I prepared myself. I was just wearing my bathrobe while drying my hair. Nang sulyapan ko ang oras ay nakita kong mag a-alas sais na ng gabi. Napakabilis talaga lumipas ng oras. Parang kanina lang ay nagsisimula pa lang kami sa pag-aayos sa venue.

Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog iyon.

Nakita ko si Thes na tumatawag.

"Sht."

Muntik ko nang makalimutan ang kaibigan ko!

"Hello, Tangi! nandito na ako sa place, I talked to the personnels and they told me naman your room number."

Tinotoo talaga niya ang pagpunta! kailangan ko siyang bantayan at baka kung ano nga ang gawin niya! kilala ko itong si Thes, kapag sinabi niya ay ginagawa niya talaga.

"Sige, just knock on my door, nag-aayos kasi ako."

Pagkasabi ko non ay ibinaba ko na ang tawag. Isang minuto lang ata ang nakalipas nang makarinig na ako ng katok.

"Ang bilis naman? nasa third floor itong room ko, ah?" tanong ko habang naglalakad palapit sa pinto.

"Are you going to stay here tonight--"

"Who's going to stay here tonight?"

My jaw dropped when I saw Rozzean in front of me.

"I am asking you, Thaliana, who's going to stay here tonight?"

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now