Chapter 41

3.8K 60 0
                                    


Thaliana

His heavy breathing tells me that something happened. Nag-away kaya sila ni Luther? napansin ko nang parang iba ang pakikitungo niya sa kapatid niya nang magkita sila sa Gazebo. May problema kaya sa kanilang dalawa?

But Luther speaks casually. He doesn't seem to have bad things about Rozzean.

"Okay ka lang?"

Nang humiwalay sa akin si Rozzean ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. His eyes were closed. Magkasalubong ang kaniyang makakapal na kilay. Umahon ang pag-aalala sa aking dibdib nang makita ang kaniyang mukha.

"Anong nangyari? sabihin mo sa akin..."

Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay umiling siya ng dahan-dahan. Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at nang hilahin niya ako ay itinulak ng aking paa ang pinto upang maisara iyon.

"Nagkaroon lang kami ng hindi magandang usapan ni Luther," sabi niya sa akin. Naupo siya sa kama ko habang ako ay nakatayo sa harapan niya at hawak pa rin niya ang aking kamay.

Sabi ko na may nangyari dahil ilang minuto pa lang silang nakakaalis, kakatapos ko lang rin na maligo ay narito na ulit siya.

Sinuri ko ang kaniyang mukha, pati ang mga kamay niya kung namumula. Mukhang hindi naman sila nagsuntukan na magkapatid.

"Nainis lang ako."

I can smell the scent of alcohol on him. Pero mukhang hindi naman siya lasing. Bumaba ang aking tingin sa kamay ko na mahigpit niyang hawak.

"Ayoko lang ng mga narinig ko sa kaniya. Hindi ko rin gusto na pinipilit niya akong umuwi sa bahay."

Ano naman kaya ang mga sinabi ni Luther para mainis siya? Napansin ko na kanina ang ugali ng kapatid niya. Parang nais nitong subukan ang pasensiya ko at mukhang ganoon rin ang ginawa nito sa kaniya.

I can feel that Luther was teasing me earlier. Sa sinabi rin niya bago sila umalis ni Rozzean kanina ay may ideya siya kung ano ang nangyari sa amin. That man knows a lot. Unang araw pa lang niya dito pero marami na siya kaagad nalaman.

But I wanted to know if he is a threat. Kaya't kailangan namin muling mag-usap. Sasabihin ko rin sa kaniya ang plano ko na manatili dito ng isang buwan pa.

Nang marinig ko ang pagbuntong hininga ni Rozzean ay hinila ko ang kamay niya.

"Sa tingin ko ay kailangan mo nang magpahinga. Kung anuman ang hindi ninyo pagkakaunawaan ni Luther ay maaayos ninyo rin iyon. Kapatid mo siya at walang hindi naaayos na problema sa pamilya."

Tumingala siya sa akin. Naroon na naman ang kalungkutan sa mga mata niya. Hinihintay ko ang sasabihin niya pero hindi siya nagsalita. Nagulat na lang ako nang bitawan niya ang aking kamay at hubarin niya ang itim na polo na suot.

"A-Ano na naman iyan--"

Nahiga siya sa kama ko at tinapik ang espasyo sa tabi niya. Nang hindi ako kumilos ay hinila niya pa ang kamay ko. Bumagsak ako sa kama sa mismong tabi niya.

"Sir!" sigaw ko sa kaniya.

"I'm going to sleep here."

Tumaas ang mga kilay ko sa sinabi niya. Matutulog siya dito?

"Dito ako matutulog sa tabi mo."

Nang subukan kong bumangon ay ipinalupot niya sa baywang ko ang isang kamay niya at hinila akong muli.

His head was on my neck while his hand was holding me on my waist so tight. Paano na ako makakaalis kung ganito ang hawak niya?

Pero seryoso ba siya? paano kung hanapin siya ng kapatid niya doon sa silid niya? at hindi ko nai-lock ang pinto ng silid ko!

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon