Chapter 107

3K 57 4
                                    

"I thought that was Klari's house?"

Umiling si kuyang guard, "Hindi po, ma'am. May iba pong nakatira diyan dati pero lumipat po ng Cebu, ang usapan po ata diyan ay kalahati muna ang bayad ng bahay kaso hindi na po ata nakapagbayad pa si Ma'am Klari. Pero ang alam ko po ay may balak naman si Ma'am Klari na bayaran na ng buo ang bahay pero dahil nagalit iyong may-ari at tumagal na ay naka sale na po ngayon."

Tumango-tango ako.

"Okay..."

I smiled evilly. Nagpaalam ako kina kuyang guard at pumasok sa loob. Tinungo ko ang silid ni Rozzean at kinuha ko ang aking bag.

"I will buy that house."

Pinuntahan ko ang bahay ni Klari. Sinamahan ako ng isang guard ni Rozzean. Nang makaharap ko ang may-ari ng bahay ay kinausap ko ito kaagad na nais kong bilhin ang lugar niya. Pinapasok ako nito upang ipakita ang loob at labas ng bahay.

"Maayos naman ang bahay, Miss. Dela Vezca, wala rin mga anay dito, bago lang rin ang pintura. Kung may gusto kang ipabago ay ipagagawa ko kaagad," sabi sa akin ng may-ari.

She's Mrs. Airene Gamboa. Sa Cebu na sila nakatira ng kaniyang asawa. Mayroon daw siyang apat na anak at wala naman daw nais na tumira dito sa bahay nila sa Tagaytay dahil lahat ay nais na sa tabi lang nila nakatira.

Nakakatuwa rin ang ganoon.

"Hindi nga lang naalagaan ang garden ng dating nakatira, sayang nga dahil nasira ang mga halaman. Pero pwede ko naman ulit na pataniman."

Gumala ang aking mga mata sa paligid. Maayos nga, pero hindi rin naman ako titira dito. Bibilhin ko lang itong bahay para hindi na mapalapit pa ang bruhang babaeng iyon kay Rozzean.

"I am okay with the house. Bibilhin ko na po. Do you want cash or cheque?"

Ito lang ang gusto kong mangyari. Ang hindi na makalapit pa si Klari kay Rozzean. If she's not also part of this village then I can ban her here for the reason that she was trying to get my future husband. Kung hanapan ako ng proweba ay ipapakita ko ang CCTV footage nang pagnakaw ni Klari ng halik kay Rozzean.

Buwisit. Kapag naaalala ko ay umaahon talaga ang matinding galit sa dibdib ko.

Nagkapirmahan na kami. Binigyan niya ako ng aking kopya ng katibayan na nagbayad na ako ng bahay niya. Kinamayan ako ni Mrs. Gamboa at sinabi sa akin na kung may kailangan akong ipabago ay sabihin ko lang raw at tawagan siya. Kinuha rin niya ang aking numero para sa oras na maayos na ang mga papeles ng lupa at nai-transfer na sa aking pangalan ay maibigay na niya ang titulo sa akin.

"Thank you so much, Ms. Dela Vezca! by the way, regards to your parents. Classmate ako ng Mommy mo noong college, si Thatiana... kaya pala pamilyar ka ay kahawig na kahawig mo siya."

Napataas ang mga kilay ko at napangiti dahil sa sinabi niya.

"Ohh, nakakatuwa naman po. Small world, but if you want to contact my Mom po ay ito po ang kaniyang numero."

I gave her my mother's number. Nagpasalamat sa akin ng sobra dahil may nalalapit pala na reunion ang mga ito at nahihirapan na makahanap ng paraan na makausap ang aking ina dahil walang nakakaalam ng numero nito at wala rin naman social media accounts.

"Thank you so much, again, hija!"

Nang makalabas kami ng bahay ni kuyang guard ay napatingin ako sa papel na katibayan na nagbayad na ako. May pirma sa baba ni Mrs. Gamboa at may pirma ko rin.

"Ano ka ngayon, Klari?"

I looked at the house. Saka ko na iisipin kung kanino ko ito ibibigay.

Nang makabalik ako sa bahay ni Rozzean ay hindi ko maialis ang ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa papel na aking hawak. Pagkapasok ko sa loob ay hinanap ng aking mga mata si manang pero iba ang nakita ko sa living room.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now