Chapter 13

5.1K 87 15
                                    




Lumubog ako sa pool. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Hindi mawala sa isipan ko ang tingin ni Rozzean sa akin.

Relax... relax ka lang, Tangi. Nasa third floor siya sa rooftop at madilim dito sa ibaba dahil patay ang lahat ng ilaw. Imposibleng nakita niya ang mukha mo. Mestiza ako sigurado na sa puti kong ito ay nakita niya ang katawan ko! nag-floating ba naman ako, eh!

Mabilis akong umahon sa tubig, nang tumingala ako ay wala na siya doon sa puwesto niya. Dali-dali kong isinuot ang pajama at ang tshirt ko. Sa likod ako dadaan para hindi kami magkasalubong sa sala!

Nang maisuot ko na ang aking mga damit ay kinuha ko ang tuwalya. Pero nang maalala ko ang aking nunal ay napatili ako ng mahina.

"Shet! ipinatong ko nga pala sa damit ko!" kaagad akong tumingin sa baba, pero dahil madilim ay nahirapan akong hanapin ang nunal ko.

Sa sobrang taranta ay hindi ko naalala na ipinatong ko nga pala sa mga damit ko iyong nunal. Sigurado ako na nandito lang rin iyon at nalaglag.

Buwisit naman!

Nakayuko akong hinahanap sa itim na tiles ang nunal ko.

"Bakit kasi itim rin ang tiles?!" reklamo ko ng mahina.

Kailangan kong mahanap iyon kaagad. Iisa lang 'yon! buwisit kang nunal ka!

Habang nakayuko ay napatigil ako nang marinig ang baritonong boses ng boss amo ko.

"Tali."

Para akong hindi nakahinga ng ilang segundo. Wala iyong nunal ko! at nasa harapan ko na si Rozzean! ano ang gagawin ko?

"S-Sir? bakit po?" tanong ko habang nakayuko pa rin. Hindi ko maaaring iangat ang mukha ko, oo, suot ko nga ang fake bangs ko, may fake freckles pa rin ako, pero iyong nunal ko na dalawang beses nang pinansin ni Rozzean ay nawawala!

"Why are you not looking at me?"

"S-Sir?" tanong ko.

"Ang sabi ko ay bakit hindi ka nakatingin sa akin? kinakausap kita."

Mahigpit kong hinawakan ang aking tuwalya at hindi pa rin siya tinitingnan. Nang maramdaman ko na humakbang siya papalapit sa akin ay napaatras ako.

Ha? Nagsalubong ang mga kilay ko.

Napatingin ako sa paa ko dahil naramdaman ko na parang may natapakan ako.

Sht. Yung nunal ata 'yon.

"S-Sir, pasensiya na kayo, sabi kasi ni manang ay ayos lang na maligo ako dito sa pool. A-Akala ko rin kasi ay hindi ka uuwi ngayong gabi," sabi ko nang hindi pa rin siya tinitingnan.

"Sisisantihin kita kapag hindi ka tumingin sa akin ngayon."

Kinabahan ako. Mahigpit kong hawak ang aking tuwalya at nag-iisip ng palusot para lang hindi ko siya matingnan sa mukha. Pero nang mapatingin ako sa aking tuwalya ay nakaisip ako ng paraan.

Itinaklob ko sa aking ulo ang tuwalya at itinakip sa aking mukha. Ngayon ay mata na lang ang kita sa akin. Saka ko hinarap si Rozzean. Hawak-hawak ko ang gilid ng tuwalya sa tapat ng aking ilong para hindi niya makita ang buong mukha ko.

"Walang problema kung naligo ka sa pool. Ang sa akin lang, malalim masyado ang puwesto kung nasaan ka. Nang bigla kang lumubog ay kaagad akong bumaba. Delikado sa parteng iyon dahil sobrang lalim."

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi niya. Pero napataas ang mga kilay ko. Is he saying that he got worried?

"Sir nag-alala ka sa akin?" tanong ko, hindi siya nagsalita.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon