Chapter 31

4.9K 88 1
                                    




DON'T STEAL MY STORY!

Papaanong ang isang womanizer kong kaibigan na mataas ang standards sa babae ay napansin ang aking maid?

Isa pa, habang kumakain kami ay hindi niya inaalisan ng tingin si Tali na siyang kinaiinis ko. Nagbago na ba ang taste niya sa mga babae?

"Rozz, puwede ko bang mahiram ang maid mo ng tatlong araw? mukhang gusto ko ng--"

"No."

"Even a day, bud? paglulutuin ko lang sa bahay--

"I said no, Maki. Bakit ang kulit mo ngayon?" I asked irritated. Talagang sinasagad nito ang pasensiya ko. Did he notice something?

"I need Tali here in my house."

Maki smiled at me.

"So her name is Tali," sinamaan ko siya ng tingin, "Tali, kapag sinisante ka ni Rozzean ay sabihin mo kaagad sa akin, ha? willing akong tumanggap ng katulong kahit hindi ako naghahanap. I wanted a cute maid who can cook delicious food. Ang maid na katulad mo--"

"Maki."

I don't fckng care if we are friends. I know him, he's a womanizer, he plays with women. Huwag niyang subukan na kuhanin ang sa akin dahil hindi ako natatakot mawalan ng kaibigan.

"Ohh... Rozz, hindi ba at minsan ay isang linggo lang ang itinatagal ng mga maid mo tapos naghahanap ka na ulit ng mga bago? suwerte na iyong isang buwan dahil pinapaalis mo nang lahat. Kung sakali lang naman na palayasin mo si Tali--"

"I will never fire her, Maki." Pagputol ko sa kaniya.

Maki leaned on his chair and crossed his arms.

"You have one rule, Rozz, kahit na malabag ni Tali ang isang patakaran na iyon?"

I will never fire Tali even if she says that she likes me. Actually, I will be happy if that happens. Huwag mo akong subukan Maki.

"Huwag kang makulit, Maki Lincoln."

Nang hindi ko matagalan ang ginagawa ni Maki ay tinapos ko ang pagkain kaagad. Inaya ko siya sa rooftop para mag-usap. Tumayo ako at naglakad na upang mauna pero nang maramdaman ko na hindi siya nakasunod ay nilingon ko ito.

Naikuyom ko ang aking mga kamay nang makita na kausap na naman niya si Tali. Bigla ay gusto kong suntukin ng diretso sa mukha si Maki.

"Why are you so mad, Rozz? masama na bang kausapin ang katulong mo dito?"

"You are so close to her," sabi ko sa kaniya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tawa lang ang iginanti niya sa akin.

"Tell her to bring us beer, Rozz, gusto kong uminom."

Her--he was talking about Tali. Pero asa siyang si Tali ang paaakyatin ko dito.

Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan iyon. Tiningnan ko ang CCTV sa aking cellphone. Tali was on the kitchen, she's with Manang Selya.

Idinial ko ang number ni Manang Selya.

"Manang, padala ako ng limang beer dito sa rooftop."

"Limang beer in a can, sir?"

"Yes."

"Walang problema sir, ano pa--""Sige sir, iyong limang beer lang po, okay po, si Tali na daw po ang magdadala."

Nang marinig ko ang sinabi ni manang ay napatingin ako kay Maki na ngiting-ngiti. Damnit. Asa ka.

"Ikaw na ang magdala, manang. Salamat."

"Ahh... ako na lang po ang magdala, sir? sige po."

Ibinaba ko na ang tawag, binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ang CCTV sa kusina. I saw Tali's face. Bigla ay nagbago ang ekspresyon sa mukha niya dahil sa sinabi ni manang. Is she expecting that I will let her?

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now