Chapter 17

4.9K 88 1
                                    





  Kabado akong hinihintay ang sasabihin ni Rozzean. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. Nang tumingin ako kay manang para humingi ng tulong ay lumapit siya at hinawakan ako sa kamay. Pagkatapos ay muli kong ibinalik ang aking tingin kay Rozzean.

  "S-Sir... a-ano... m-masakit ba?"

  Hindi siya sumagot. Tumalikod siya sa akin ngunit hindi pa nakakalayo at nakakaakyat sa hagdan nang marinig ko ang malakas na sigaw niya.

  "In my room, Tali!"

  Napasinghap ako sabay tingin kay manang. Hinawakan ko si manang sa mga balikat habang puno ng emosyon ang aking mga mata. Jusko, iyong tibok ng puso ko napakabilis. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin ni Rozzean. Pero sigurado ako. Katapusan ko na.

  Mapapalayas ata ako sa mansyon niya.

  "Manang, sa tingin ko ito na ang huling araw ko dito sa mansyon. Kailangan na natin magpalaam sa isa't-isa," sabi ko kay Manang Selya. Feel na feel ko ang mga salita ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.

  Sigurado, hindi ako palalagpasin ni Rozzean sa ginawa ko sa kaniya. Binato ba naman siya ng sapatos ng katulong niya, dumugo pa ang kaniyang noo.

  "Hindi, 'nak. Huwag mo sabihin iyan, pakiusapan mo na lang si sir. Malay mo ay pagbigyan ka? wala pa ulit katulong na nag-aapply sa kaniya kaya hindi ka maaaring basta na lang umalis ngayon ng bahay na ito. Siya rin ang mahihirapan."

  Ayos, kakampi ko si manang.

  "Pero, bakit mo ba kasi iyon ginawa? ano ba ang pumasok sa isip mo? si sir iyon, eh. Hindi naman magnanakaw. Saka, hindi basta-basta makakapasok ang magnanakaw dito sa bahay sa dami ng guard sa labas."

  Nakakahiya naman kung sasabihin ko kay manang na nagkaroon ako ng wet dream kasama anng aming amo at naiimagine ko na nasa paligid lang si Rozzean at inaakit ako. Baka hindi na ako kampihan ni manang kapag nalaman niya 'yon. Iisipin niya na may gusto ako kay Rozzean at pinapantasya ang aming amo.

  "N-Nagdilim lang po ang paningin ko, manang. S-Saka nadala po ata ako ng binabasa kong nobela, b-buwisit po kasi iyong amo, masungit, n-nabigla po ako sa pagdating ni sir," sabi ko.

  Sorry, manang, I lied.

  "Naku, ganoon ba. Sige, Tali, pag nagdesisyon si sir na paalisin ka ay kakausapin ko siya. Baka makumbinsi ko siya na mapanatili ka at mabigyan ng ikalawang pagkakataon. Ang totoo kasi niyan ay ikaw lang ang naging matinong katulong ng bahay na ito simula nang lumipat dito si sir. Mabilis kang kumuha ng mga itinuturo ko tungkol dito sa bahay. Maayos kang maglinis, maglaba, tapos magaling rin magluto."

  "Hindi ko nga inaasahan ang palaging pagkain dito ni sir. Madalas kasi ay sa labas siya kumakain lalo pag hapunan."

  I feel special when I heard what manang said. Kung ganoon nga, siguro, siguro lang, baka bigyan ako ng ikalawang pagkakataon ni Rozzean. Pero bago niya ako bigyan, baka katakot-takot na sermon ang gawin niya.

  "Mukha pa namang nangangain ng tao si sir pag galit. Nakakatakot po, manang," sabi ko.

  Bigla ko tuloy naalala iyong panaginip ko. Literal na kinain niya ako sa ibaba. Jusko napagdikit ko tuloy ng mariin ang mga labi ko. Hindi ganoong Rozzean ang makikita ko mamaya. Parang ayaw ko na tuloy umakyat sa kwarto niya.

  "Ano ka ba? huwag kang mag-isip ng ganiyan. Hindi naman nananakit si Rozzean kapag may pasaway siyang katulong. Kakausapin ka lang non sa ginawa mo," sagot ni manang.

  Hindi naman 'yon manang ang gusto kong sabihin, hehe.

  "Haay, sige po manang. Pag hindi ko naayos ikaw na ang--

The Billionaire's PlaymateOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz