Chapter 69

3.2K 70 6
                                    

Kinuha ko ang cellphone ko at iniharap sa kanya ang screen. Larawan iyon ni Thaliana sa ospital habang ginagamot ang sugat niya sa ulo nang mabangga ang kaniyang sasakyan kanina. I was so fckng worried when I saw her earlier in that situation. Natakot ako ng sobra nang makita ko na dumudugo ang ulo niya.

"She got into an accident and that is because of you."

Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang gulat sa kaniyang mukha. Cyron looked away. I saw his jaw tightened.

I know. Alam na alam ko ang ganitong reaksyon niya. Kilalang-kilala ko siya.

I fckng know that he's still in love with Thaliana but Cyron is blinded because of his anger. Because Thaliana fooled him. Pero sa ginawa niyang ito hindi na ako mananahimik pa. Thaliana did enough. She tried her best. Wala na siyang dapat pang gawin.

I will take an action now. Ayoko nang tumingin lang habang umiiyak at nasasaktan ang babaeng gusto ko dahil sa gagong kapatid ko.

"Thaliana regret what she did to you. Hindi mo ba nakikita? hindi mo ba nararamdaman? Sinubukan niyang makuha ang patawad mo but you are being an asshole, Cyron. Ilang beses ba? tatlong beses na pumunta dito sa bahay mo kahit malayo ka. Her efforts are all wasted. She was hurt not just once, not just fckng twice! and she had an accident and it's because of you!"

"Luther! why are you blaming Rozzean?! wala siyang ginawa nang pumunta dito kanina ang babaeng iyon! ano ang kinalaman niya sa pagkakaaksidente nito? kasalanan ba ni Rozzean kung tatanga-tanga siya--"

"Shut up, Klari!" sigaw ko at tiningnan ito. Ang pasensiya ko sa babaeng nasa likod ni Cyron ay nauubos na.

"You are so desperate to get Cyron's attention that's why you are here! you are giving an opinion about Thaliana but you don't really know what happened! you are just making Thaliana bad in his eyes just for your own good because you like Cyron! Kaya tumahimik ka! You are no match with Thaliana!"

Napaatras si Klari dahil sa mga sinabi ko. Walang salita na lumabas sa kaniyang bibig. Hindi rin siya ipinagtanggol ni Cyron hanggang sa bumalik ang tingin ko sa aking kapatid. Humigpit ang hawak ko sa kaniyang damit.

Taas baba ang aking dibdib dahil sa nararamdamang galit ko sa kaniya.

"Hindi ko inaasahan na gagawin mo ito. Are you... enjoying that woman's company, Cyron?"

I saw him swallowed, he's still not looking at me.

"Thaliana keep on saying that Klari was here and taking care of you. She keeps on saying that you don't need her. That you don't love her anymore. She was crying so hard. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ay isinuko na niya, hindi ba?"

I was pointing about the ring he gave her. Hindi pa rin nagsasalita si Cyron kaya't nagpatuloy ako.

"You don't care for her anymore? Your love was lost? Then..."

Itinulak ko si Cyron nang hindi ko pinuputol ang tingin sa kaniya.

"I will make her fall for me."

"I like her. May gusto ako kay Thaliana."

Mabilis ang ginawa niyang paglingon. Kitang-kita ko ang pinaghalong gulat at galit sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. His blank expression was changed. His eyes were looking at me furiously but I don't care. Wala na akong pakialam.

"Sisiguruhin ko na makakalimutan ni Thaliana ang lahat-lahat tungkol sa 'yo."

"I will make her fall for me hard until she forgets all about you."

Siya na ngayon ang lumapit sa akin at kinwelyuhan niya ako. Galit na galit ang mga mata niya na nakatingin sa akin. He was breathing hard.

"Luther Rico!" Cyron shouted.

Nginitian ko siya. I knew it. Mahal niya pa pero bakit nagiging ganito siya kagago ngayon?

"Thaliana is now my fiancee, Cyron."

Natigilan siya at napaawang ang mga labi niya.

"W-What?"

Nakita ko ang takot na dumaan sa kaniyang mga mata.

Hindi ko na kailangan pang marinig sa bibig niya. Alam ko na mahal na mahal niya pa rin si Thaliana.

"We had dinner with her parents and our parents about the engagement, Cyron. Thaliana Tangi is now my fiancee."

Iyon ang hindi niya alam. Pagkatapos niyang tumalikod sa usapan nila ni George Dela Vezca at nang ako ang pumalit ay hindi ko iyon sinabi sa kaniya. Ang akala ni Cyron ay mawawala na sa kaniya ang lahat ngunit dahil nagprisinta akong maging fiance ni Thaliana ay naging normal pa rin ang lahat sa kaniyang kumpanya.

Wala ring sinabi ang mga magulang namin dahil pinutol na naman niya ang koneksyon nang mag-away sila ni Dad.

"I talked to George Dela Vezca to save your company and I said that I can be his daughter's fiance. At pumayag siya. Alam rin ni Thaliana ang tungkol dito but she still tried to get your forgiveness because she fckng loves you so much."

"Pero tama na. Hindi ko na kayang masaktan pa siya dahil lang sa hindi mo siya makuhang mapatawad."

"She returned the ring. She said that she will forget about you and I will make sure that she will, Cyron. I will help her."

Nagtagis ang kaniyang mga bagang. Galit ang mga mata niya na nakatingin sa akin pero hindi ako nagpatinag. Kailangan niyang marinig ang lahat ng ito para magising siya. Para ma-realise niyang tama na ang mga ginagawa niya.

"Luther, why are you doing this?!" he asked dangerously.

"Sinabi ko na, dahil gusto ko siya. Gusto ko si Thaliana. Ayoko nang nasa tabi lang habang nakatingin siyang nasasaktan dahil sa 'yo."

Mahigpit na hinawakan ni Cyron ang aking kuwelyo habang galit na galit ang mga mata na nakatingin sa akin.

"She's mine... akin lang siya."

I smirked at him and pushed him hard.

"See? You still love her. You love her so much, siya man si Tali o si Thaliana pero hindi magbabago ang mga sinabi ko."

"Magsisi ka man ngayon dahil sa mga ginawa mo sa kaniya, hinding-hindi na magbabago ang isip ko, Cyron."

"I like her. At gagawin ko ang lahat para lang magustuhan at mahalin niya ako."

Tumalikod ako pero bago pa ako makaalis ay tinitigan ko siyang muli.

"Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko."

"I like Thaliana. I will make her fall hard until she forgets all about you."

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon