Chapter 86

3K 52 0
                                    

Hindi ko nasagot ang tanong ni Rozzean nang biglang mag-ring ang cellphone na hawak ko. Nakita ko ang pangalan ni Thes.

"H-Hello?"

"Nandito na ako sa third floor, Tangi, I am near. Naku, tiyak nandito si Rozzean mamaya. Kapag nakita ko talaga ang lalakeng iyon ay mata lang niya ang walang kalmot!"

Bigla akong napatingin kay Rozzean na nasa harapan ko nang marinig ko ang sinabi ni Thes.

"S-Sandali lang, Thes!" sabi ko at pinatay ko ang tawag. Hinila ko sa kamay si Rozzean at mabilis na isinarado ang pinto ng aking silid.

"Thaliana--"

Tumingkayad ako at tinakpan ko ang bibig ni Rozzean nang magsalita siya.

"Keep quiet!" sabi ko sa mahinang boses. Naghanap ako ng maaaring taguan niya habang hindi pa dumarating si Thes.

Ngunit wala akong makita! maliit iyong closet at hindi siya kasya doon!

Nang makarinig ako ng katok sa pinto at nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko ay napasinghap ako. Saan ko itatago si Rozzean?!

"Tangi! I am here na!" sabi ni Thes sa tapat ng pinto. Dinig na dinig ko siya. Sabay pa kaming napatingin ni Rozzean doon habang takip-takip ko ang bibig niya.

"Saan kita itatago?!" bulong ko.

Napatingin ako sa bathroom. Mabilis na hinila ko si Rozzean at ipinasok sa loob non. Itinulak ko siya.

"Kahit anong mangyari ay huwag kang lalabas diyan, naiintindihan mo?!" sabi ko sa kaniya.

He was looking at me. Hindi nagsalita pero tumango naman. Isinarado ko ang pinto ng bathroom at pagkatapos ay binalikan ko si Thes. Huminga ako ng malalim at pinagbuksan siya ng pinto.

"Ang tagal mo naman," sabi niya. Dumiretso siya ng upo sa kama. Iginala niya ang mga mata sa loob ng room ko.

"N-Nasa banyo kasi ako."

Kinakabahan ako ng sobra. Rozzean was just in my bathroom!

"S-Saan ang room mo?" tanong ko kay Thes.

Nahiga pa siya sa aking kama.

"Diyan sa second floor, tinanong ko nga kung puwede na dito na lang pero ang sabi sa baba ay bawal dalawang tao sa isang room unless mag-asawa daw or magkasintahan."

Thank God!

"T-Thes, why don't you go to your room now and change? isang oras na lang bago ang party."

Pabalik-balik ang tingin ko sa banyo at kay Thes na nakahiga habang nakatingin sa cellphone niya. Kinakabahan ako ng sobra.

"Sandali, 5 minutes. Ikaw naman parang hindi ka masaya na nandito ako! pinuntahan na nga kita! napakasupportive na kaibigan ko! talagang nag-alala ako sa 'yo dahil nga sa sinabi mo sa akin! naku, kapag nakita ko talaga iyang si Rozzean, sinasabi ko lang sa 'yo, Tangi!"

Nanlaki ang mga mata ko, sigurado akong naririnig ni Rozzean ang pinag-uusapan namin!

"T-Thes, ang lakas ng boses mo, baka may makarinig sa iyo."

"At sino naman? tayo lang naman ang nandito, saka kahit may makarinig na iba ay wala akong pakialam. Nakakainis ang lalakeng iyon! anong akala niya sa 'yo? pagkatapos mong masaktan ng sobra-sobra ay mababalikan na lang niya kaagad?! aba, Tangi, magisip-isip ka, ha? nakita ko kung paano ka nasaktan at umiyak ng bongga!"

"Ninerbyos kaming lahat nang maaksidente ka! at sino ba ang may kasalanan ng lahat ng nangyaring iyon sa 'yo? si Rozzean! ang tigas-tigas ng puso niya na patawarin ka tapos may ipapalit na kaagad sa 'yo! pak yu siya! marami akong kilala na mabubuting lalake, Tangi, ipapakilala kita sa kanila!"

Hindi ko na alam kung paano ko patatahimikin si Thes. Napapatingin rin ako sa pinto ng bathroom dahil baka biglang bumukas iyon at lumabas si Rozzean.

"Nakakainis talaga, Tangi, tapos ngayon ay magpaparamdam sa 'yo na akala mo mahal na mahal ka pa rin pero hindi naman umaalis sa tabi niya iyong hitad na si Klari. Ano 'to? gaguhan?"

"T-Thes, kumalma ka nga."

"Paano ako kakalma? because of that one mistake you were treated like a trash. Nasasaktan rin ako para sa 'yo, Tangi. I heard how you tried to get that man's forgiveness. Nasaktan ka hindi lang emotionally kung hindi physically. Isa ka sa mga taong hindi dapat nasasaktan ng sobra pero dahil lang sa isang pagkakamali mo ay nangyayari ito."

Tumayo si Thes, she's seriously looking at me.

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Alam kong kinakalimutan mo na siya at sigurado akong mahirap pero magagawa mo. There's a lot of better man than him, Tangi, makakakita ka pa. Iyong maiintindihan ka at mas mananaig ang pagmamahal kaysa sa galit."

Tinapik niya ang balikat ko, "Oh, siya, punta na ako sa room ko, babalikan kita rito, ha? sabay tayong pumunta sa venue."

Tumango ako ng dahan-dahan kay Thes. Naglakad na siya palabas ng aking silid. Nang sumara ang pinto ay ilang minuto lang bumukas naman ang bathroom ko at naramdaman ko na naglakad palapit sa akin si Rozzean.

Hindi ko siya tinitingnan. Huminga ako ng malalim para sabihin lamang ang isang salita.

"Labas."

"Thaliana..."

"You heard everything that my best friend said? I am moving on, Rozzean. Kinakalimutan na kita, mahirap pero alam kong makakaya ko. Ayoko na. Bakit ngayon nandito ka pa? bakit lumalapit ka pa?"

Tinitigan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata. Nang humakbang siya palapit sa akin ay napaatras naman ako. Ayoko nang maging malapit sa kaniya.

"Stop!"

"Last night--"

"Last night I was so drunk! kung hindi ako nalasing ng sobra ay hindi iyon mangyayari!" galit akong nakatingin sa kaniya.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata pero napalitan rin kaagad iyon ng kaseryosohan. Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa aking baywang.

"Ano ba! bitawan mo ako!"

"Cut your engagement with Luther. Don't marry him."

Ang mga kamay ko na tumutulak sa kaniya ay napatigil sa kaniyang dibdib. Gusto niyang tumalikod ako sa engagement tapos siya ay palaging kasama naman si Klari? ano ang gusto niya? dalawa kami?!

"Thaliana--"

Sinampal ko siya. Bumiling ang mukha ni Rozzean sa sobrang lakas non. Pati ang aking palad ay nasaktan rin.

"Sinubukan ko na kausapin ka at hiningi ko ang patawad mo. Nagkamali ako, Rozzean, pero sobra naman. Sobra iyong galit mo. Hindi ba kapata-patawad iyong ginawa ko? tapos nang magpasya akong huminto dahil nasasaktan na ako ng sobra at na-realize ko na tama na ay ito ka naman at ginugulo ako."

Naalala ko ang aking ama at kung ano ang koneksyon nila sa isa't-isa.

"Are you doing all of this because of my Dad?"

Inilayo ni Rozzean ang mga mata niya sa akin. Iyon pa lang ay sagot na.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon