Chapter 46

3.7K 53 0
                                    







When I heard the last words he said I suddenly felt pain on my chest. Anak ng kapatid niya si Taki. Pero bakit siya ang kinikilala nitong ama?

"Si Aloncious ang panganay sa aming magkakapatid. Tatlong taon ang tanda nito sa akin. He's the total opposite of me. Masayahin siya, palangiti sa lahat at halos lahat ay kasundo dahil sa mabuting ugali niya. My parents loves him so much. Siya ang takbuhan ko sa tuwing magkakagalit kami ni Luther noong mga bata pa lamang kami. Siya iyong tipo ng tao na walang pinapanigan."

Tumingin sa akin si Rozzean, hinawakan niya ako sa pisngi.

"Noong panahon na nagtayo ako ng sarili kong kumpanya siya lang ang naniwala sa akin..."

I don't like his eyes right now. Puno ng sakit, nakikita ko sa mga mata niya ang matinding sakit ng nakaraan na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya.

"Naguumpisa pa lang noon ang aking kumpanya ngunit marami na kaagad na kinaharap na problema. Nagalit sa akin ang Dad, sinabi niya na masyado akong nagmamagaling na dapat ay nagtagal muna ako ng ilang taon sa kaniyang kumpanya bago ako nagtayo ng sariling akin."

"Pinagtawanan niya ako at sinabing malaki na kaagad ang ulo ko dahil sa papuri na natanggap ko noon sa mga investors sa kaniyang kumpaniya. Nang magsunod-sunod ang problema ng RCV at muntik na itong magsara ay isa lang ang tumulong at nagpalakas ng loob ko."

"Iyon ay si Aloncious."

"My brother who was always on my back. Siya lang iyong hindi ako iniwan at naniwala sa akin na makakaya ko."

Rozzean started to caress my face.

"Alam mo ba? siya ang nagdisenyo ng bahay ko na ito. Siya rin ang nagsimulang magtanim ng mga halaman sa garden ko. Mahilig siya sa mga halaman..."

Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Kaya pala... kaya pala wala siyang ibang pinapapunta sa garden niya dahil sobrang halaga noon sa kaniya. Isa iyon sa naiwang ala-ala ng kaniyang yumaong kapatid.

"Aloncious' dream was to be an architect. Pero dahil sa nais ng Dad na siya ang magmana ng kumpanya nito ay napilitan na mag-aral ng business management si Aloncious at sinunod ang gusto ng aming ama," ngumiti siya sa akin at iniipit sa likod ng aking tainga ang buhok ko na nalaglag sa aking mukha, "Itong bahay ko ang una at huling disenyo niya, Tali..."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at huminga ng malalim. Habang nakikinig ako sa kaniya ay parang nararamdaman ko na rin ang sakit na nasa puso niya ngayon. Rozzean... Hindi ko ma-imagine ang sakit na pinagdaanan niya noon nang malaman niya ang nangyari sa kaniyang kapatid.

"When my company started to gain investors, Aloncious was so happy. Palihim na nagdaos ng pagdiriwang ang aking kapatid, proud na proud siya sa pag-ahon ng aking kumpaniya. Our Dad even congratulate me, but that moment I can still feel the bitterness... maybe because he thought that I was going to lose everything."

"Naroon rin si Luther pero tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Wala siyang sinabing mga salita. Noong gabing iyon ng kasiyahan dahil sa tagumpay ng aking kumpanya ipinangako ko na ibubuhos ko ang aking oras sa pagpapalago ng RCV. Hindi ko na hahayaan na lumubog ito o magkaroon ng kahit na maliit ng problema sa aking kumpanya na maaaring ipunto sa akin ng Dad."

"I became busy managing my company. Hindi ko na hinayaan na mapahiya ako sa Dad at masabihan ng masasakit na salita. Ayoko na rin maabala noon ang aking kapatid na si Aloncious. Naging workaholic ako. Puro trabaho."

I remained silent. Hinayaan ko siyang magkuwento sa akin. Pero habang nakatingin ako sa kaniyang mukha ay para akong sinasampal ng ilang beses.

Rozzean has been through a lot... he suffered a lot and here I am still lying about my identity.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now