Chapter 61

3.2K 54 0
                                    



"I will go there and visit you, Maki! bakit hindi mo sinabi sa akin? si Rozzean ba? si Rozzean ang may gawa?"

Tumingin ako kay Luther sandali nang sabihin ko iyon. Nakita ko na umangat ang sulok ng labi niya. How could Rozzean hurt his friend?! knowing Maki, he will not say the truth to our family. Katulad ng ginawa niya sa pamilya ko tungkol sa pagpapanggap ko, he would wait for me to say it.

Thaliana, the damages that you've done went too far. Sobra-sobra na at hindi na lang emotionally nasaktan mo ang mga tao na malapit sa 'yo. Now, Maki was hurt physically by Rozzean because of you!

"You don't need to visit me, Thaliana, maayos na ako my dear cousin. Ayoko lang talagang lumabas dahil may natipuhan akong nurse dito sa hospital. Okay na ang pakiramdam ko. Ang gusto kong malaman ay ikaw, ano ang nangyari sa 'yo? I heard from Griz that Luther Valleje was with you. What happened to my friend?"

Napatingin akong muli kay Luther. His facial expression became serious again.

"K-Kaya nga kasama ko si Luther ngayon, pinuntahan ko si Rozzean at sinabi sa kaniya ang totoo."

"How are you? nagalit, hindi ba? noong tinanong mo ako kung ano ang lagay ni Rozz ay ayokong magsabi, hindi ako makakapagsinungaling sa 'yo, alam mo 'yan. But, he was devastated, Thaliana. Hinanap niya talaga si Tali sa buong Tagaytay pati sa malalapit na lugar. Para na ngang baliw 'yon. Sinabi ko na sa kaniyang hindi kita itinago pero ayaw maniwala."

"He accused me of taking you out because I was the only one who went on his house that day. Grabe ang gago, galit na galit, eh, buti binuhay pa nga ako."

Oh... Rozzean.

"I-I'm so sorry, Maki... hindi ko naman alam na ganito kalala ang mangyayari. Nagsisisi na ako, kaya nga balak ko rin na kausapin sila Dad, sasabihin ko at ipagtatapat ko sa kanila ang lahat ng ginawa ako. Hindi naman kasi dapat ganito..."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Maki. Napapangiwi siya kapag nagsasalita, mukhang masakit pa ang kaniyang buong mukha dahil sa mga sugat na natamo niya. Kilala ko itong si Maki, ayaw na ayaw niya pa naman na nasusugatan ang mukha niya. He loves his handsome face so much.

"Thank you so much, Maki. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa 'yo. S-Salamat rin dahil hindi mo kinasuhan si Rozzean, h-he even went to your place and did that to you, t-tiyak na kung nalaman nila Tito Maxwell ay baka hindi sila magdalawang isip na ipakulong si Rozzean."

Kilala ko ang mga magulang ni Maki, even our male cousins. Ayaw na ayaw nilang may naaagrabyado sa aming pamilya. Iilan lang kaming mga babae at halos lahat ay lalake, kaya rin walang nagtatangka noon na manligaw sa amin ay dahil takot sa kanila. Lalo na sa mga kapatid ko.

Griz, Grand and Grecion will never let people who hurt any of our family and get away with it. Mga siraulo rin ang mga kapatid kong lalake, they are ready to kill if needed.

"I will never sue, Rozzean, Thaliana. Unang-una, I was really the reason why you disappeared from his house. Sinalo ko ang galit ng kaibigan ko not because I deserve it, Thaliana, but because I pity him that night."

Natigilan ako sa sinabi ni Maki.

"He looks so lost. Pagod na pagod ang kaniyang itsura, maaaring sa paghahanap sa 'yo. Mahal na mahal niya si Tali that he even hurt me--his friend. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Rozz nang mga oras na 'yon kaya't hindi na ako lumaban. I am just thankful that he didn't kill me. I just let him let out his frustrations."

Nanggilid ang mga luha ko at nanginig ang mga labi ko sa narinig na sinabi ni Maki. I will never forgot Rozzean's reaction when I told him the truth. Kung gaano siya nasaktan ng sobra nang malaman ang katotohanan sa akin.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now