Chapter 90

3.4K 47 1
                                    

Rozzean Cyron Valleje

I looked at Tali beside me. Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa kaniya. She was sleeping and her hand was on my waist. Nakayakap. Gumalaw ang aking kamay at marahan kong ipinadaan iyon sa kaniyang pisngi papunta sa mapupula niyang mga labi.

"I love you, Tali..." I whispered and bent down to kiss her lips. Gumalaw ang mga kilay niya, akala ko ay didilat at magigising ngunit bumiling at tumalikod siya sa akin. Napakunot ang aking noo. Hinawakan ko siya sa balikat at dahan-dahan na muling iniharap sa akin.

"Hmm... Rozzean..."

Muling bumaba ang aking mukha at hinalikan ko naman ang kaniyang pisngi.

"I'm sorry, continue your sleep, I will not interrupt you."

I proposed earlier and she nodded. Napatingin ako sa kaniyang kamay kung nasaan ang singsing.

It was a great feeling. I never thought I could feel this kind of happiness in my life.

Bago ko ito ginawa ay inayos ko ang lahat ng maaaring masagasaan sa desisyon na ito sa buhay ko. Kinausap ko ang aking mga magulang at sinabi sa kanila ang tungkol sa nais kong pagpapakasal kay Tali--sa aking maid. I didn't hide that she was my maid, I will never lie to my parents so that they would accept her for me.

Hindi ko siya ikinakahiya kahit na siya ay katulong ko.

I went to my parents' house.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang galit sa mga mata ng aking ama nang sabihin ko na hindi ko na itutuloy ang engagement sa anak ni George Dela Vezca. Alam ko na malaking gulo ang pagtalikod ko dahil hindi basta-basta ang makakabangga ko pero wala na akong pakialam. Hindi ako natatakot na harapin sila kung pagkatapos naman ng lahat ay magkakaroon ako ng masayang buhay kasama si Tali.

That's all I wanted.

And as what I expected, nagalit ng sobra ang Dad. I beg. Lumuhod ako dahil kahit alam kong imposible ay nais kong matanggap pa rin nila si Tali. Dahil ito ang nais kong makasama habambuhay. Sinubukan ko, sinabi ko sa mga magulang ko kung gaano ko kamahal si Tali pero talagang matigas ang aking ama.

I lose my hope. Sinabi pa niya sa akin na hinding-hindi na niya ako matatanggap bilang anak kapag itinuloy ko ang pagpapakasal kay Tali. Pero wala nang makapagpapabago sa isipan ko ng mga oras na 'yon. I planned everything, kahit na hindi sila pumayag ay itutuloy ko pa rin ang pag-alok ng kasal kay Tali.

Si Tali lang ang nagparamdam ng totoong pagmamahal sa akin. Ang pagmamahal na noon ko pa inaasam.

Nabigo ako na makuha ang pagsang-ayon ni Dad habang awang-awa na nakatingin sa akin ang Mama, nasaktan ako ngunit nang makauwi ako sa bahay at makita ang mukha ni Tali nang salubungin niya ako ay parang nawala ang lahat ng sakit.

Her smile and her voice are like medicine for me... I don't know what would happen to me if I lost her.

Ang sunod kong ginawa ay kinausap ko si George Dela Vezca, pinuntahan ko ito sa mismong bahay at personal kong sinabi na wala na akong balak na pakasalan ang kaniyang anak. Nakita ko ang sobrang gulat sa mga mata niya.

We've known each other for a very long time. Nagtatrabaho pa lang ako sa kumpanya ni Dad ay magkakilala na kami. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong pinuri dahil sa pagha-handle ng negosyo. Kaya't nang malaman niya na nais ko na magsimula ng sariling kumpanya ay natuwa siya sa akin.

He said that he would support me.

George Dela Vezca was one of the biggest investors of my company. Maliban kay Aloncious ay siya rin ang isang naniwala sa akin.

The Billionaire's PlaymateOnde as histórias ganham vida. Descobre agora