Chapter 117

2.6K 35 0
                                    

Kinabukasan bilang bagong mag-asawa namin ni Rozzean ay ginising ko siya sa pamamagitan ng munting mga halik. Dahil nga sa antok na antok pa rin siya ay sinabi ko sa kaniya na bababa ako at magluluto ng aming pagkain. Sumang-ayon naman siya at muling natulog.

Naabutan ko sa kusina si Manang, nag-aasikaso na rin siya ng umagahan at tinulungan ko na siya.

"Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje," sabi ko habang nakatingin sa wedding ring ko.

"Gosh... para naman akong teenager na kinikilig!"

Rozzean is my husband... we are married.

"Tangi... kalma! kumalma ka!"

Nang maihanda ko na ang mga pagkain ay umakyat ako sa aming silid habang hawak ang tray. Pumasok ako at ibinaba ang aking dala sa table sa gilid at nilapitan ang aking asawa na natutulog pa rin.

"Good morning, husband..." sabi ko ng nakangiti at muling hinalikan si Rozzean sa kaniyang buong mukha.

"Hmmm..." he's smiling!

"We are going to eat--"

"I will eat you."

"Ay, Rozzean, ha! bumaba ako at ipinagluto ka, huwag mo ako paandaran ng 'I will eat you mo' pag hindi mo kinain ang iniluto ko ay magtatampo ako sa 'yo!"

Bigla siyang napabangon at naupo sa kama. Pipikit-pikit pa ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nang lumapit siya ay niyakap niya ako at ibinaon ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"Is this because of your pregnancy? ang sungit mo ang aga..."

"Eh, paano gusto mo na naman, nagluto nga ako..." sabi ko at humiwalay sa kaniya. Bumaba ako at inilapit ko iyong lamesa sa gilid ng kama para makakain kaming dalawa.

"B-Baby..."

Nagsalubong ang mga kilay ko nang mautal siya habang nakatingin sa tray kung nasaan ang mga pagkain.

"Uhm... kaya ba natin ubusin iyan?"

"This is yours..." sabi ko at ibinigay ko sa kaniya ang pinggan na may dalwang hotdog, dalawang bacon at isang egg.

"And this is mine."

Nakangiti ako nang humarap sa tray.

"Baby... that's uhm... eight hotdogs, five bacons a-and 4 eggs. Kaya mo ba ubusin iyan, lahat?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ipapaalala ko lang, Rozzean Cyron Valleje. Ang nasa sinapupunan ko ay tatlo. Tatlo ang mga anak mo. Kaya apat kaming kakain ngayon. Mukhang kulang pa nga ito, eh."

Nakita ko na napalunok siya at tumango-tango na lang.

Nang matapos ang aming pagkain ay naligo na ako at ganoon rin si Rozzean. He's drying my hair now.

"Where do you want to go?" he asked me.

Bigla ay naalala ko ang kanilang panganay na kapatid. Nilingon ko si Rozzean na nasa aking likod at hinawakan ko siya sa kamay.

"Let's go to your brother's grave... kay Kuya Aloncious. Bisitahin natin siya."

Naramdaman ko na natigilan siya at pagkatapos ay ilang segundo lang rin ay ngumiti sa akin at hinalikan ang aking batok.

"Thank you, baby... Thank you for thinking about my brother."

Alam ko kung gaano niya kamahal ang kapatid niya at alam ko rin na matutuwa ito kapag dinalaw namin na ngayon ay kasal na.

Hindi na rin kami nagpatagal pa. Nagpaalam kami kay Manang at tinungo na ang kaniyang sasakyan. Rozzean started the engine and we went to his brother's grave. Isang oras ang naging byahe namin hanggang sa marating namin ang libingan ng kaniyang kapatid.

"Baby... are you okay?" tanong niya sa akin.

Nakakaramdam kasi ako ng gutom. Marami naman akong nakain kanina.

"Nagugutom ako, eh," sabi ko sa kaniya.

"We will eat after here, huh? mukhang nais kumain ng mga anak natin."

Ngumiti ako at nang mapuntahan na namin si Kuya Aloncious ay nagtulos kami ni Rozzean ng kandila. Ibinaba ko rin ang mga white roses na binili namin. Tahimik akong nanalangin at nagpasalamat sa kaniya sa mga naitulong niya noon kay Rozzean.

Nakakalungkot lang rin talaga na wala na siya ngayon.

"I hope you are okay there, Kuya. Thank you for your help, thank you for everything you did for me. I just wanted you to know that I am now a married man."

Itinaas ni Rozzean ang kamay ko na hawak niya.

"This is my beautiful wife, Thaliana. And we are pregnant with triplets. I am so lucky to have her in my life, kuya. Also, do you know that Taki loves her so much? He's calling her Mommy..."

"Taki will have parents now like what you asked me, kuya..."

Nanginig ang mga labi ko nang marinig ang sinabi ni Rozzean.

"We will be his parents now. We will love him like our own child kaya wala ka nang dapat na intindihin diyan, ha? he's okay now. Your son is growing as a good boy. Soon he will live with us. And... iyong isang bagay pa na iniintindi mo ay okay na. Our family i-is now okay. This is your wish before, right? na maging maayos na kami ni Dad. Okay na okay na kami, kuya... okay na okay na."

Pinalis ko ang luha na tumulo sa aking mga pisngi nang makita ko na umiiyak si Rozzean. Humilig ako sa kaniyang braso at iniyakap ko ang aking kamay sa kaniyang baywang.

"Thank you so much for fighting with me and for believing in me when no one does. Thank you because you are one of the reasons why I am still here standing. I love you, kuya."

Rozzean looked at me and then I wiped his tears.

"You are so great. I love you," I said and tiptoed to kiss his lips.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinimas ko ang kaniyang likod.

"I love you... I love you, Thaliana..."

Umalis na rin kami sa sementeryo at pumunta sa isang restaurant. Nang o-order na kami ay bigla nagbago ang aking isip. Sinabi ko kay Rozzean na parang gusto kong kumain ng mangga. He said that he will buy but I told him that I want the mango in his house. Iyong tanim ni Manang sa likod ng bahay niya.

"Manang..."

"Sir?"

Tumingin sa akin si Rozzean.

"My wife wanted a mango, may bunga pa ba ang mga mangga sa likod?"

Para akong naglalaway habang naiisip ko ang mangga na iyon. Natikman ko na kasi at masarap ngang talaga 'yon. Matamis kahit hindi pa magulang.

"Ay, mayroon pa naman sir, kaso ay malanggam pero mayroon po akong naitabi diyan sa kusina," sabi ni manang. Nang aalis na si Rozzean upang pumunta sa kusina ay kinuha ko ang kaniyang kamay.

"Ayoko nun, gusto ko iyong bagong pitas."

"Saka pagbalat mo rin ako, gusto ko rin ng alamang na may malalaking bawang, ha? matamis-tamis sana yung alamang tapos may bawang rin na malalaki."

"Ahh... okay, ipapaluto ko kay manang--"

"No, gusto ko ikaw ang magluto non."

Nakita ko na napangiwi si Rozzean at pagkatapos ay ngumiti rin siya nang mapansin siguro ang naging reaksyon ko. Binitawan ko ang kamay niya at humalukipkip ako. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayaw mo?"

"Baby... wala naman akong sinabing ayaw ko. Ito na..." sagot niya at naglakad siya papunta sa likod.

Nakangiti naman ako na sinundan siya. Hindi naging madali ang panunungkit ni Rozzean dahil matataas na ang bunga ng mga mangga kaya umakyat siya. Ang ending, namula ang likod at mga braso niya dahil sa kagat ng mga langgam.

Iyon ang unang araw na nakaramdam ako ng paglilihi, na-late ata ang paglilihi ko. Akala ko talaga ay wala, pero mas lumala pa dahil kahit madaling araw ay nangangati ang dila ko at may gustong kainin.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now