Chapter 113

2.6K 45 0
                                    

Pagkalipas ng sampung minuto ay nakita ko na palapit na sa akin ang organizer. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas na ako. Maraming mga photographer ang kumukuha ng larawan habang naglalakad ako.

"Ma'am kayo na po ang papasok," sabi sa akin ng organizer.

Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng simbahan ay huminga ako ng malalim.

Nang bumukas iyon unti-unti ay mahigpit kong nahawakan ang aking bouquet. Nakatayo ang lahat ng nasa loob ng simbahan. Nasa akin ang lahat ng kanilang atensyon habang dahan-dahan ang aking paglakad.

I looked at the aisle and saw Rozzean. Gwapong-gwapo sa itim na tuxedo na suot. Nakangiti siya sa akin habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Nakita ko rin na inayos niya ang kaniyang suot kahit sa paningin ko ay ayos naman. Is he nervous?

Nang salubungin na ako ng aking mga magulang sa gitna ay humalik ako sa kanilang pisngi. My father is crying again!

"Dad..." sabi ko.

We continue to walk in the aisle.

"I-I'm just happy... so happy, Tangi."

"I love you, Daddy..." sabi ko sa kaniya at nilingon si Mommy, "I love you, Mommy, thank you so much po."

Habang dahan-dahan na naglalakad ay umikot ang aking mga mata sa mga nasa loob ng simbahan. Narito rin ang aking mga empleyado sa lahat ng branch ng tinatangi. Sa gawing kaliwa ay nakita ko rin si Manang. She's smiling at me. Nakita ko na nagpunas siya ng kaniyang mga mata tanda na siya ay lumuluha.

Manang... magkakasama na kami ulit sa bahay ni Rozzean!

Huminga ako ng malalim. Napatingin ako kay Rozzean. He's looking at me, nasa tabi niya ang kaniyang mga magulang pati na si Luther. Tinatapik pa ni Luther ang balikat niya.

Nang nasa harapan na kami ay lumapit sila sa amin at nagmano si Rozzean sa Daddy at Mommy. Ako naman ay humalik sa pisngi ni Tito Royce at ni Tita Cynthia. Our parents did a handshake. At nang hahalik sa pisngi ko si Luther ay hinila siya ni Rozzean sa braso.

"Seloso," sabi ni Luther na ikinatawa ng mga nakarinig.

Talaga naman!

"Rozzean," my Dad said and took my hand. Itinaas niya iyon.

"Take care of my daughter," narinig ko ang malalim na paghinga ng Daddy.

"Mr. Dela Vezca--"

"Dad, I am your father now, Rozzean," sabi ni Daddy at kinuha ang kamay ni Rozzean upang ipahawak ang kamay ko.

Tumango si Rozzean at nagmano sa aking mga magulang. Nang humarap siya sa akin ay nakita ko ang ngiting tagumpay niya. Naks!

"I love you..." he whispered and then we went in front of the Priest.

The mass begin. Tahimik kaming nakikinig sa pari. Nang tawagin ang mga magsisindi ng kandila ay hindi ko napigilan na hindi tingnan ang mga nasa likod namin.

Nakangiti silang lahat at ang iba ay nagpapalis ng luha sa kanilang mga mata habang nakatingin sa amin ni Rozzean. I can't also stop my tears. Kanina pa nang makita ko si Rozzean sa harap ng altar at hinihintay ako.

"Baby..."

Napatingin ako sa kaniya nang bulungan niya ako. Nagsasalita pa rin ang pari sa aming harapan.

"Sabi ni Ferline puwede daw kahit buntis ka at triplets ang anak natin. Saka hindi naman maiipit ang tiyan mo, ibang puwesto naman, eh."

Muntik na akong masamid sa aking laway dahil sa sinabi niya.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon