Chapter 33

4.7K 78 1
                                    


"Tali, kanina ka pa nakatayo riyan, ah?"

Napapikit ako ng mariin bago ako lumingon kay manang. Isinarado ko na ang pinto at lumapit ako sa kaniya. Habang naglalakad kami papunta sa kusina ay kinakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa inis.

Irerespeto? damn you, Rozzean. Wala pa ngang isang araw pagkatapos mong magtapat na gusto mo ako tapos ngayon sumama ka na kay orange girl? dahil ano? hindi ako nagsabi na gusto rin kita? hindi kaya ng ego mo na ang isang katulong ko hindi mo napaamin gayong ilan na ang nasisante mo dahil nagkagusto sa 'yo?

Putragis ang gusto ko lang naman ay maghintay siya, bigyan niya ako ng oras. Naiipit rin ako sa sitwasyon dahil gusto ko rin siya.

Pero ayoko magtapat bilang si Tali. Gusto ko siya bilang si Thaliana. Masakit sa totoo lang. Rozzean likes the fake image that I made.

"Mukhang nagkakamabutihan na si sir at si Klari, kahit papaano ay magbubunga na ang paghihintay ni Klari sa kaniya."

Napalingon ako kay manang nang sabihin niya 'yon.

Lumapit ako sa ref at kumuha ako ng bottled water. Inisang inom ko lang ang laman non.

"Maganda naman kasi si Klari, mayaman, may sariling negosyo, hindi umaasa sa mga magulang niya. Matulungin rin at naku, wala akong maipintas sa kaniya. Nang lumipat siya sa village na ito ay binigyan niya pa kami kaagad ng mga bagong pitas na prutas."

Nakakarami na si manang sa akin. Mukhang botong-boto talaga siya kay orange girl. Kung tutuusin, hindi ko rin nakikita na masama ang ugali non, kaya nga naiinis ako lalo. May posibilidad na magkagusto si Rozzean sa kaniya, lalo pa ngayon, ipinaramdam ko na hindi ko siya gusto.

"Matutuwa ako kapag talagang nagkatuluyan sila ni sir."

Mahigpit kong hinawakan ang bote, nakalikha iyon ng tunog kaya't napatingin sa akin si manang.

"Tali, bakit?" tanong niya.

Tumingin ako kay manang ng seryoso.

"Manang, maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi ko na may gusto sa akin si sir?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, umatras siya ng kaunti at pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay niya. itsura pa lang ni manang ngayon, alam kong hindi na siya maniniwala.

"Masama ba ang pakiramdam mo ngayon, Tali?"

"May nararamdaman ka bang kakaiba? nabagok ba ang ulo mo kahapon?"

Oh, see! pati si manang ay hirap maniwala!

Iba pala talaga ang taste ni Rozzean sa mga babae.

"Manang, hindi ako nagbibiro."

Tumawa sa akin si manang at kumuha siya ng upo pagkatapos ay naupo at binilatan iyon. Mukhang ginisang upo ang ulam namin mamaya.

"Tali, ayaw ko na umalis ka dito sa bahay, malapit ka na sa akin. Alam mo naman ang dahilan kung bakit nawawalan ng katulong si sir, 'di ba?"

Bumuntong hininga siya, "Pigilan mo ang sarili mo na magkagusto kay sir."

Paano ko ba siya makukumbinsi na itong si Rozzean ay gusto ako?

Naupo ako sa tapat ni manang at tinitigan siya. Ibinaba naman niya ang peeler at tumingin sa akin.

"Manang, hindi ako nagbibiro, hindi rin nabagok ang ulo ko kaya ko nasasabi ang mga ito. Kagabi, nakita mo kagabi 'di ba? niyakap ako ni sir nung akala ninyo may nangyari nang masama sa akin. Tapos, manang, kanina..."

Kinukumbinsi ko siya sa tingin na ibinibigay ko.

"Kinausap ako ni sir, sinabi niya sa akin na gusto niya ako."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now