Chapter 102

3.3K 53 1
                                    

I was left in the cabin. Nang makakain kami kanina ay nagpaalam sa akin si Rozzean na lalangoy siya sa dagat. Inimbitahan niya ako ngunit sinabi ko sa kaniya na tatawagan ko muna sina Mom at Dad para sabihin na mabuti lang ang lagay ko kasama siya.

Nakasuot pa rin ako ng roba, ngunit sa ilalim non ay may swimsuit na. I planned on joining him after talking to my parents. Nalaman ko kay Rozzean na hindi na rin naman pala susunod ang mga ito upang samahan kami at plano lang niya talaga na mailayo ako upang makausap.

It was actually unexpected that Luther would help him. Hindi ko naisip na tinutulungan na pala siya non ni Luther para lamang makausap ko. For sure, Luther knows about the agreement my Dad and Rozzean had.

Ang Mommy kaya? at ang mga kapatid ko? alam kaya nila ang tungkol sa usapan ni Rozzean at ni Daddy?

I was hurt after I heard what he said. Nagulat, nalungkot at nasaktan. We're waiting for each other while experiencing so much pain. Nawala na rin naman sa isip ko ang tungkol sa engagement dahil ang isip ko ay palaging okupado ni Rozzean at ng nangyayari sa amin.

If only I backed out early, baka nga hindi na ako nag-iiyak pa ng todo.

"Tangi, Sweetheart..."

It was a video call. Nakangiti si Mommy. Nasa kaniyang tabi ang Dad ngunit hindi ito makatingin sa akin. I can't help but to smile. Maybe he still feel sorry for what he said to Rozzean. Pero naiintindihan ko naman. He did that for me. Dad protected me because he saw that I was deeply hurt. Hindi lang isang beses at bilang magulang ko siya ay alam ko na masakit iyon sa kaniya--sa kanila ng Mommy.

"Mom, I called because I want to say that I am doing good here. Maayos po ang aking lagay kasama si Rozzean."

Tumango si Mommy at nilingon niya si Dad na nasa tabi pa rin. He's still not looking at me.

"Daddy..."

Nang tawagin ko ay tiningnan lang ako sandali ngunit inilayo rin ang paningin. I know, pagbalik namin ni Rozzean ay makakaharap namin ang aking mga magulang, ang mga magulang niya at pati na si Luther upang mapag-usapan ang nangyari.

Ang mga ginawa ko at ang tungkol rin sa engagement.

"I am happy to hear that, Tangi. I am also happy that you are together now, anak. Marami rin ang ginawa ni Rozzean just to see you. Alam mo bang palagi siyang nasa harapan ng bahay natin noon at hinihintay na lumabas ka para makita ka kahit sandali?"

Naglalakad ako palabas ng cabin ng marinig ko ang sinabi ni Mommy. Hinanap ng mga mata ko si Rozzean sa ibaba at nakita ko siya na lumalangoy.

"He loves you so much, anak! the chocolates came from him. Nahuli ko siya noon, umagang-umaga na nasa harap ng bahay natin. Mukhang iiwan pa nga sa guard ang chocolates pero ako na ang kumuha at sinabi kong ibibigay ko sa 'yo. I am so happy, Tangi. I know that he will be a great husband. Nakita ko kung paano niya ginawa ang lahat para sa 'yo. Para makuha muli ang loob namin ng Daddy mo pati na ng mga kapatid mo."

"I understand his anger like how you understand him noong una, sweetheart. Nagkamali ka, nasaktan si Rozzean but what I didn't expect when your Dad told me that Rozzean went to our company to apologize. Well, I know your Dad here..."

Kung ganoon ay alam nga ng Mommy at siguradong ganoon rin ang aking mga kapatid na lalake.

Tumingin si Mom kay Dad na nasa tabi niya, hindi pa rin si Dad humaharap sa camera. He looks so guilty but I understand him.

"Your Dad really likes Rozzean for you. He just made an agreement because he cannot accept that his only daughter was hurt by the man he likes for you to marry. And now look at him, sobrang guilty dahil parehas pa kayong lubhang nagkasakitan dahil sa desisyon niyang iyon. Hindi rin kasi inaasahan ng iyong ama na hindi ka tatalikod sa engagement."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now