Chapter 104

3.2K 49 0
                                    

Nang sabihin ko kay Mommy na uuwi na kami ay nakatanggap ako kaagad ng mensahe sa kaniya na pupunta si Tita Cynthia at si Tito Royce sa aming bahay. We are going to talk about what happened. Nagulat ako at sinabi ko na baka maaari nang sa susunod na araw na lamang but my mother refused.

Sinabi sa akin na hindi na rin makapaghintay ang mga magulang ni Rozzean na makita kaming dalawa na magkasama at upang makausap na rin sa totoong nangyari.

Ang aking ginawa. Ang pagpapanggap ko bilang si Tali.

Syempre ako naman ay kinakabahan at sobrang nahihiya. Now we are in front of our parents and Rozzean was holding my hand. Mahigpit ang hawak niya doon habang nakatingin kami ngayon sa aming mga magulang.

"Nabigla ako nang malaman ko ang totoo kay George. Your father talked to me and explain what happened, Thaliana, pero nais ko pa rin na marinig ang lahat sa iyo."

Nakangiti naman si Tito Royce, ganoon rin si Tita Cynthia na nasa tabi nito. Pero hindi ko pa rin maialis ang kaba sa dibdib ko.

"I... am sorry for what I did po, Tito Royce. Hindi ko po kasi..." napatingin ako sa Daddy, tinaasan niya ako ng dalawang kilay na parang sinasabi na ikwento ko lang ang lahat ng ginawa ko.

"Hindi ko po kasi talaga nais na mag-asawa..."

Bumaling ako kay Rozzean nang maramdaman ko na pinisil niya ang aking kamay. He's smiling at me. Huminga ako ng malalim at muling tiningnan si Tito Royce.

"I am not scared to fall in love. Masaya na po talaga ako sa buhay ko kasama ang mga alaga ko and when Dad wanted to me to get married to a stranger named Rozzean Cyron Valleje I refused. We argue and end up with an agreement."

Habang nagsasalita ako ay naalala ko ang unang beses na pag-uusap namin ni Daddy. Kung paano niya ipagmalaki si Rozzean. He even showed me papers of his accomplishments. Sa isip ko ay talagang nakuha ng lalakeng iyon ang ugali ng aking ama.

"That if I proved Rozzean is not good for me he will let me do whatever I want in my life kaya naisipan ko po na magpanggap na mahirap at pumasok na maid sa bahay ni Rozzean para makahanap ako ng hindi magandang ugali niya upang hindi matuloy ang kasal."

Ang mga mata nila ay nakatingin sa akin. Maski na si Luther na nasa gilid. Kabado pero kailangan kong maipaliwanag ang lahat upang maintindihan ng aming mga magulang ang totoong nangyari.

"Isang linggo pa lang sa kaniyang bahay ay marami na akong nalaman tungkol sa kaniya. That's when I said to myself that my Dad is right. Rozzean is a great person. Ang totoo ay nahuli ako ng aking pinsan na si Maki nang makita niya ako sa bahay mismo ni Rozzean. He told me that I need to leave pero dahil matigas po ang aking ulo ay hindi ako umuwi at nanatili pa rin."

"All that happened was unexpected. I came in his house with my plan of looking for his bad sides but I ended up falling for him. Hindi ko rin naman inaasahan na ang isang katulad niya, bilyonaryo, successful sa buhay ay mahuhulog at mamahalin ang isang maid at simpleng babae na si Tali. Hindi ko iyon naisip nang magpanggap ako, ang totoo ay iyon ang nakapagpahirap sa pag-alis ko noon upang makaharap siya bilang si Thaliana."

"I-It was not my intention to... hurt him, nahirapan po talaga akong umalis at iwan siya d-dahil mahal na mahal ko na rin siya. Hindi ko kayang ipaliwanag sa kaniya ang lahat noon bilang si Tali," gumaralgal ang boses ko nang sabihin ko iyon.

Pumasok sa isipan ko ang mga araw na parehas kaming nahirapan ng sobra. Kung ilang beses ko siyang sinubukan na suyuin. Ang galit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nang maabutan ko si Klari at makita sila palagi na magkasama.

Rozzean also went through painful moments while waiting for me. Nagkasakitan kami at nagpapasalamat ako ngayon dahil okay na ang lahat. Sobrang saya ko ngayon dahil magkasama na kami ulit.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now