Chapter 22

5.1K 87 3
                                    




Nakaalis na si Maki pero ako ay hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan ko. Paano ba naman, hindi mawala sa isip ko iyong mga sinabi niya. Madalas kalokohan ang naririnig ko noon sa bibig ni Maki, pero ngayon, ito ang unang beses na nagsalita siya ng ganito ka-seryoso.

"Haaay, paano na? aalis na nga ako? Pero isang linggo pa lang..."

Ngunit hindi ko maaaring isantabi ang mga sinabi sa akin ni Maki at maging matigas sa desisyon ko na ito. Tama siya, sa oras na malaman ko ang pakay ko dito sa bahay ni Rozzean at kapag nalaman nito na ako at ang katulong nito na si Tali ay iisa tiyak na magagalit siya sa akin.

Panloloko ang ginawa ko, pumasok ako sa bahay niya bilang si Tali upang isagawa ang nais ko. Sa pagiging desperada ko na hindi matuloy ang gusto ng Daddy ay pinasok ko ang delikadong sitwasyon na ito.

"Hindi ko na alam..."

May parte ko na nagising sa sinabi ni Maki pero may parte ko rin ang ayaw umalis. At hindi ko na alam kung dahil pa iyon sa gusto kong malaman kung may magiging dahilan ako para masira si Rozzean sa mga mata ng Daddy o dahil sa ibang rason.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Tumingin ako sa lamesa at nagsimulang ligpitin ang mga pagkain. Napansin ko iyong plato ni Rozzean. Ang sabi niya ay paborito niya raw ang seafood pero wala naman siyang kinuha. Isa pa, kaunti lang ang kinain niya. Hindi naman siya nag-umagahan kanina.

Nakakatampo.

Ang sabi niya ay paborito niya pero hindi naman niya kinain. Kahit isang hipon, o kahit isang tahong.

"Kumakain ako ng tahong, Tali."

Haaay...

Malungkot kong iniligpit ang mga pagkain sa gazebo at dinala sa kusina. Inilagay ko sa ref ang mga natira para hindi masira. Maaari pa itong makain mamayang gabi. Ito na lang ang hapunan namin ni manang siguro, iinit ko na lang at kung magpaluto ng bagong pagkain si Rozzean ay ipagluluto ko na lang siya.

"Oh, Tali? nasaan sila sir?"

Tanong ni manang na kapapasok lang sa kusina. May dala siyang isang basket ng orange. Saan niya naman kaya kinuha iyon? huwag mong sabihin na may puno ng mga orange si Rozzean sa bahay na ito?

"Nasa rooftop, manang, doon sila pumunta pagkatapos kumain sa gazebo. Saan galing iyang mga orange, manang?" tanong ko sabay nguso sa basket na dala niya.

Inilapag niya iyon sa lamesa pagkatapos ay kinuha ang lalagyanan ng mga prutas.

"Sa kapitbahay, mayroon silang farm ng mga orange. Madalas magbigay ng orange dito tuwing aani," sagot ni manang.

Kalahati ang iniwan ni manang sa basket. Tinungo niya ang ref at inilagay ang naiwan na mga orange at pagkatapos ay muling bumalik upang kuhanin naman iyong inilagay niya sa lalagyanan ng mga prutas.

"Close ni sir ang kapitbahay na 'yon, manang?" tanong ko.

Umiling siya, "Hindi, pero mabait. Dalaga iyon, tingin ko ay may gusto kay sir kaya palaging nagpapadala dito ng bagong ani na orange."

Naglakad si manang palapit sa sink at hinugasan ang mga orange. Haaa... kaya naman pala. Dalaga at baka nga may gusto kay Rozzean. Grabe, hindi ko ito kinakaya, nawawalan siya ng katulong dahil nagkakagusto sa kaniya, ngayon naman ay may kapitbahay siya na nagpapadala ng orange sa tuwing bagong ani ito.

Guwapo mo, Rozzean, ang sarap mong sakalin.

"Mayaman rin iyon, Tali, matalino, sexy at napakaganda. Maganda rin ang imahe at maraming mga manliligaw. Kaso ang gusto niya ata talaga ay si sir dahil balita ko hanggang ngayon ay single."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now