Chapter 96

3K 45 0
                                    

Nanatili ako sa restaurant. Pinapanood ko siya na nag-aayos ng mga bulaklak. That explains why Tali was so good in arranging the flowers that day in my house. Sanay na sanay dahil ito pala ang kaniyang trabaho at negosyo.

When I saw Thaliana left her flower shop ay umalis na rin ako nang makita ang oras. We have dinner later at nangako ako sa aking ina. Umuwi ako sa aking bahay at inihanda ang aking sarili. Nang makagayak ako ay tinungo ko ang labas ngunit biglang dumating si Klari.

"May balak ka bang iwan ako?" tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at kinuha ko na lang ang sasakyan ko. Ramdam ko na nakasunod siya. Binuksan ko ang aking sasakyan at pumasok na rin siya. Tahimik ako hanggang sa makaalis ng bahay.

Klari was talking to me but I didn't talk back. Nang makuha niya na wala talaga akong balak na magsalita ay tumahimik siya hanggang sa makarating kami sa bahay ng mga magulang ko.

"I will just greet your parents, Rozzean," sabi sa akin ni Klari.

Ako naman ay hindi sumunod sa kaniya. Tinungo ko ang garden ni Mama. Pero nasa glass door pa lang ako at hindi pa nakakababa nang makita ko si Thaliana at si Luther.

Naikuyom ko ang aking mga kamay nang makita ko kung gaano sila kalapit sa isa't-isa. Nakaramdam ako ng sakit. Ganito na sila kalapit ngayon?

Unti-unti na ba niya akong nakakalimutan? i-is she starting to like my brother?

Nang mapadako ang tingin sa akin ni Luther ay tinawag niya ang pangalan ko.

"Cyron..."

Napatingin ako kay Thaliana.

"Hindi mo sinabi na pupunta ka pala?"

She was looking at me blankly. There were no sign of love on her eyes. Hindi ko siya inalisan ng tingin at ganoon rin siya sa akin. Pero habang tumatagal ay nasasaktan ako sa klase ng tingin na ibinibigay niya. Na parang ibang tao ako na tinitingnan niya.

"I have free time."

Nang ilagay siya ni Luther sa likod nito ay napatingin ako sa aking kapatid. Lalo na sa kamay ni Thaliana na hawak nito.

"Why are you looking at my fiancee, Cyron? ano ang kailangan mo?"

Fiancee...

"Luther Rico..." sabi ko ng may pagbabanta sa aking boses.

"Kung wala ka naman pa lang sasabihin ay aalis na kami."

Nang tumalikod sila sa akin ay hindi na ako nakapagpigil pa. Hinawakan ko sa kamay si Thaliana at pinigilan ang pag-alis nila.

Ngunit napabitaw ako kaagad nang makita ang bagong dating na si Mr. Dela Vezca seryoso ang kaniyang mukha nang tawagin niya ang kaniyang anak. Namura ko ang aking sarili.

We went inside, Klari walk towards me at kumapit siya sa braso ko. Tinanggal ko iyon ngunit muli niyang ibinalik hanggang sa makarating kami sa kusina. Napatingin sa amin ang Mama. Hindi ko alam na pati pala ang pamilya ng Dela Vezca ay inimbitahan niya. Sana ay gumawa na lang ako ng paraan para hindi matuloy ang pagpunta ko.

Klari was also with me. Hindi magandang tingnan na kasama ko siya lalo pa at nais kong makuha muli si Thaliana. Alam iyon ng mga magulang niya.

Damn it.

I am so scared. Ano ang iniisip nila ngayon?

Nang maupo ako sa bangko ay napatingin ako kay Thaliana habang nasa kandungan niya si Taki. Nakilala ba siya ni Taki? hindi ito basta-basta sumasama sa kung sino lang.

"They look so good together..." I heard my father say while he's looking at Luther and Thaliana.

Napahawak ako ng mahigpit sa kubyertos.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now