Chapter 118

2.6K 42 3
                                    

Rozzean Cyron Valleje.

"Baby... it's 1:45 am. Ano ang gusto mo?"

Nakatingin ako sa aking asawa na nakasimangot habang nakaupo sa aming kama. Lumipat kami ng silid dito sa ibaba dahil nangangamba ako na baka madulas siya sa hagdan. It's dangerous for her to use the stairs dahil biglang lumaki rin ang kaniyang tiyan. Sinabi ni Ferline na normal lamang iyon at asahan pa raw namin na mas lalaki pa sa susunod na mga linggo.

"I want spaghetti. Ipagluto mo naman ako, asawa ko..."

I nodded and smiled at her. We went out of the room. Nakahawak siya sa aking kamay. Naupo siya sa gilid habang nakamasid at pinapanood ako sa pagluluto.

"Gwapo..."

Napangiti ako sa kaniya. Thaliana eats a lot but she's not getting fat. Siguro ay kaya palagi siyang gutom at malakas siyang kumain ay dahil nga sa tatlo ang ipinagbubuntis niya. I understand her that's why I am always with her to give her cravings. Sa bahay na rin ako nagtatrabaho muna. Thaliana said that it's okay to leave her but I refused.

Tiyak na kung pumasok man ako sa opisina ay hindi rin ako mapapakali kaiisip sa kaniya na narito sa bahay.

Now, I am working online. Kapag may pag-uusapan na mahalaga kasama ang mga investors ay ang aking assistant na ang nag-aayos for zoom meeting. Nailabas na rin ang bagong product ng RCV at maganda naman ang resulta non mas tumataas ang sales at maraming pumapasok na mga new investors sa aking kumpanya.

Napatingin ako kay Thaliana na pinaglalaruan ang can opener.

She's my lucky charm and of course our babies.

"Do you want more cheese?" I asked her.

Umangat ang tingin niya sa akin.

"Yes, please, and more hotdogs."

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. I boiled the water for the noodles. Nang mailagay ko na ang lahat ng ingredients for the sauce ay inayos ko ang aking mga pinaggamitan. While I was looking at the food I felt Thaliana on my back.

"Thank you..."

Niyakap niya ako mula sa likod.

"I know that you don't have enough sleep because I always wake you up whenever I am hungry. Thank you so much, husband..."

She's the sweetest. Actually she's not making it hard for me to look for her food to eat. Mahirap rin ang kalagayan niya dahil sa pagbubuntis at naiintindihan ko iyon. Ang mga cravings naman ng aking asawa ay narito lang rin sa bahay at kadalasan ay hindi ko na hahanapin pa sa labas. Hindi ako nahihirapan na bilhin at hanapin ang gusto niyang kainin dahil palagi ay gusto niya na ako ang magluto para sa kaniya.

"Anything for my wife and for our babies."

Hinalikan ko siya sa mga labi at bumaba ang aking halik sa kaniyang tiyan. Three months na ang tiyan ni Thaliana at medyo malaki na, sinabi pa ni Ferline na maaari pang lumaki sa susunod na linggo.

"Matatapos na ito, ha?"

She nodded and gave me a smack kiss before she went back to her chair.

I considered this as our memorable moments. Her pregnancy period.

Lumipas pa ang ilang buwan at nakita ko kung paano mahirapan si Thaliana sa pagkilos dahil sa malaki na ang kaniyang tiyan. Nahihirapan na rin siyang maligo kaya't ako ang nagpapaligo sa kaniya. She's saying sorry most of the time because I am taking care of her but it was my duty as her husband.

To make sure that she's alright. To make sure that she's safe and our babies. Nais ko na alagaan siya at makita ang mga pagbabago sa kaniya habang lumalaki ang tiyan niya. I wanted to be on her side always.

Nahihirapan lang ang kalooban ko sa tuwing makikita ko ang sakit sa kaniyang mukha sa tuwing mararamdaman niya na gumagalaw ang mga anak namin. If only I could take the pain I would. Iyon ang hindi ko kaya, sa tuwing makikita ko at maririnig ko na nasasaktan siya.

We always visit Ferline to ask my wife's condition. Nagpapasalamat ako dahil normal at healthy ang aming mga anak. We held a gender reveal for our babies at tuwang-tuwa si Thaliana nang malaman na dalawang lalake at isang babae ang aming anak.

"One month... isang buwan na lang," sabi sa akin ni Thaliana. We are sitting in the sofa in our living room while I was combing her hair.

Katatapos ko lang rin na paliguan siya. Naghanda na rin ako ng mango shake niya at naghiwa ng mga mansanas para kainin niya.

"Yes, and I can't wait. I am also nervous, baby..."

Sinimangutan niya ako, "Huwag ka hihimatayin, ha? Rozzean..."

Ngumiti ako sa kaniya at umiling. Hindi na siguro?

"Pero maraming salamat for taking care of me... thank you, husband..." she said and kiss me.

Taking care of her--my wife is also my responsibility. Kahit mahirapan ako sa pagbubuntis niya, kahit na kulangin ang tulog ko o hindi ako makatulog sa pagaasikaso sa kaniya ay ayos lang. Alam ko na sa aming dalawa, wala iyong hirap na nararanasan ko sa pag-aalaga sa kaniya sa nararamdaman niya ngayong buntis siya.

"A-Aw..."

Naalarma ako nang marinig ko ang pagdaing niya. Kaagad akong napatayo at ibinaba ang laptop ko sa coffee table upang tingnan si Thaliana. Lumuhod ako sa kaniyang harapan. Nakasandal siya sofa at nakataas ang mga paa niya sa kabilang dulo.

"Baby? why? sumipa ulit?" tanong ko at inilapat ko ang aking kamay sa kaniyang tiyan. And when I felt the movement nakagat ko ang aking mga labi. They're moving fast.

"A-Ang sakit..."

Nang makita ko ang luha sa mga mata ng aking asawa ay parang kinurot ang puso ko. I wiped her tears and kissed her forehead.

"Shhh... baby, breathe in and out, please?" Ferline told me that carrying a triplets would be very painful lalo kapag nakakagalaw na ang mga ito sa sinapupunan kaya kailangan mapakalma ko at makagawa ako ng paraan para ma-divert ang attention ni Thaliana upang matiis nito ang sakit.

"Are they still moving?" I asked. She nodded and tears run down. Napahinga ako ng malalim at hinalikan ko ang kaniyang noo muli.

Then I bent down and talked to our babies.

"Mommy is hurting, guys, stop playing inside muna, ha? you don't want mommy to cry right? she's hurting now... she's crying."

Mahigpit ang pagkapit ni Thaliana sa aking kamay tanda na nasasaktan siya ng sobra.

Nakalapat pa rin ang aking kamay sa ibabaw ng kaniyang tiyan at dinadama ang paggalaw ng mga anak namin. Ilang segundo pa ay tumigil na ang mga ito.

"They stop? what are you feeling?" I asked.

"I am okay now... they stop. Ang sakit lang talaga kapag nagkasabay-sabay sila," sabi niya at nilingon ang laptop ko, "I am sorry, baby, are you working?"

Ngumiti ako at umiling. Pinisil ko ang kamay niya at inayos ko ang unan sa kaniyang likod para hindi siya mangawit and before I went back I kissed her lips.

"I'm okay, I am just reading reports from this month. Kapag kailangan mo ako ay tawagin mo lang ako, ha?"

There's no excuse if it's about my wife. Kahit pa trabaho ay ihihinto ko para maasikaso siya. Her situation is hard and this is the time that she needs me the most.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon