Chapter 16

5.3K 76 3
                                    




Nang makapagbihis ako ay tumingin ako sa salamin. Inaayos ko ang aking mukha, ikinabit ko ang nunal ko at maiging pinakatitigan sa salamin. Baka kapag bigla ko na lang isinalpak itong buwisit na nunal na ito sa aking kaliwang pisngi ay mapansin na naman ni Rozzean na nagbago ang puwesto.

"Napakatalas ng mga mata ng loko."

Sunod kong inayos ay ang fake freckles ko. Huwag sana akong mag-break out dahil sa mga ito. Nang masiguro na ayos na ang aking itsura ay kinuha ko ang reading glasses at isinuot. Saglit akong umikot sa salamin.

Tumingin ako sa orasan at napabuntong hininga. 5:40 am na.

Naalala ko na naman ang panaginip ko. Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko. Kaya siguro iyon nangyari ay dahil sa inisip ko kagabi ang ginawa ni Rozzean. Hindi nawala kaagad sa isipan ko ang ginawa niyang paghimas sa ulo ko.

"He has a good side. Kahit napakasungit."

I can't deny that fact. Nang marinig ko sa kaniya na tinulungan niya si manang ay lumambot ang puso ko. Indeed, manang has a good life now and I don't have to worry about her. Wala ring sinasabi si manang na masama tungkol kay Rozzean. Sa ilang taon nilang pagsasama ay kabisado na rin niya ang lalake.

Also, I never heard Rozzean shout at manang.

That is a good relationship, actually, I am seeing a different side of him. Kaso lang... unti-unting nagbabago ang tingin ko kay Rozzean. This is not good for me. Hindi naman para magustuhan siya ang dahilan kaya ko inilagay ang sarili ko sa delikadong sitwasyon na ito.

"Tama na nga, Tangi. Bumaba ka na at maghanda ng pagkain ng amo mo."

Bumuntong hininga ako at lumabas ng silid ko. Ngunit napatingin ako sa hagdan paakyat sa third floor. Dali-dali akong naglakad para bumaba. Baka mamaya ay makasalubong ko si Rozzean. Hindi pa ako handang makita siya pagkatapos ng panaginip ko.

Nagtataka ako, bakit naman ganoon kaagad ang panaginip ko? dahil kaya sa ilang beses ko nang nakitang nakahubad si Rozzean? tapos nakita ko pa iyong hotdog niya noong unang araw ko dito?

Napabuntong hininga ako ulit.

Hindi ko lang talaga matanggap na sa panaginip ko bumigay ako. Na sa panaginip ko sarap na sarap pa ako sa pinaggagagawa niya sa akin.

"Magandang umaga, Tali."

Kaagad akong binati ni manang nang makita niya ako papalapit. Nakatimpla na siya ng kape niya at may hawak siyang dyaryo.

"Maganda umaga po, manang," tipid na ngiti ko sa kaniya pagkatapos ay lumapit ako sa kitchen cabinet para kumuha ng tasa. Magtitimpla ako ng gatas, hindi kasi ako umiinom ng kape.

"Mukhang maganda ang gising mo, Tali?"

Nagulat ako sa tanong ni manang. Nagsasalin pa naman ako ng tubig. Mabuti at hindi tumapon.

"Bakit mo nasabi, manang?" tanong ko at hinalo ang aking gatas. Naupo ako sa tapat niya. Nakangiti siya sa akin.

"Kasi iba ang bukas ng mukha mo, para bang may magandang nangyari sa 'yo. Napansin ko lang," sabi niya.

Si manang parang nagbibiro lagi.

Nais ko sanang sabihin na muntik na kasi akong madiligan sa panaginip pero itinikom ko na lang ang bibig ko, baka hindi ma-gets ni manang. Siguro kahit sino naman kapag nadiligan o muntik nang madiligan mag-go-glow ang mukha.

Para kang bulaklak na namukadkad dahil sa dilig at sinag ng araw. Jusko ano ba itong naiisip ko.

"Napasarap lang po ng tulog," sagot ko.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now