Chapter 53

3.2K 60 0
                                    







Dalawang araw na nang makauwi ako at nanatili muna sa bahay ng aking mga magulang. Wala akong balita kay Rozzean, sinubukan ko na magtanong kay Maki pero hindi naman nito sinasagot ang mga tanong ko dahil parusa niya daw iyon sa akin.

Buwisit siya.

"Dad, about the man that you wanted me to marry..."

Nakita kong umangat ang tingin sa akin ni Dad. Nandito kami ngayon sa labas ng bahay sa may garden ni Mommy.

"What about that?" tanong niya.

"I am ready to meet him, anytime. Do I need to wait for 2 weeks? Because of the two months that I said?"

Ngumiti ang Daddy sa akin.

"Tingnan mo, Tangi, noon ay ako pa ang nagbubukas ng usapan na ito para lang mapilit ka na makipagkita pero ngayon naman ay ikaw na. What made you change your mind, anak?"

Because the man I am going to marry is a great man, Dad. A responsible and loving man.

"W-Wala naman po, naisip ko lang na nakabalik naman na po ako. There's no need to wait until the months was done."

Tumango-tango ang Daddy.

"Okay, kakausapin ko si Mr. Valleje tungkol dito. We will meet them after I talked to him."

Nakaramdam ako bigla ng kaba. Ang totoo ay hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula sakaling makaharap ko si Rozzean. Natatakot ako at hindi ko alam kung ano ang unang dapat ipaliwanag. Magso-sorry ba muna at magpapakilala o sasabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit ako pumasok sa bahay niya bilang maid.

"But, are you okay now, Dad? wala ka na bang nararamdaman sa katawan mo na hindi maganda?" paninigurado ko.

"I am fine, Tangi. I was just stressed because of what's happening to your brother. Kinailangan na pabantayan si Grand at ang kaniyang pamilya dahil sa patuloy na pagtanggap niya ng pananakot sa isang hindi makilalang tao na may kinalaman sa kaniyang kumpanya. Tapos nasabayan pa nang malaman ko na wala ka sa Palawan."

Napayuko ako nang marinig ang sinabi ni Dad, hindi ko alam na ganito na pala ang nangyayari sa pamilya ko habang ako ay naroon sa bahay ni Rozzean.

"Akala namin ay na-kidnap ka na at may kinalaman doon ang nagbabanta sa buhay ni Grand. Matinding takot ang naramdaman naming lahat kaya kaagad ka naming ipinahanap sa mga pulis."

"I'm sorry, Dad..."

Ngiti ang iginanti niya sa akin.

"When do you want to meet the Vallejes, Tangi?" he asked me.

"I-Ikaw na po ang bahala, Dad. Nais ko lang sabihin na anumang araw ay ayos lang dahil nandito naman na po ako. Hindi naman rin masyadong abala sa Tinatangi dahil nagampanan naman ng maayos ng mga empleyado ko ang trabaho."

Muli siyang tumango-tango sa akin.

"Okay, then if they are free tomorrow, is it okay with you? alam mo naman, hindi palaging libre ang oras ng mga businessman."

T-Tomorrow? ang bilis...

"S-Sige po, Dad, wala pong problema."

Nang tanghaling iyon ay nagpaalam ako kay Dad na pupuntahan ko ang main branch ng Tinatangi. Nagpaalam na rin ako na sa bahay ko na ako uuwi mamayang gabi at tatawag na lamang ako sa kanila.

Nag-commute lang ako papunta sa aking flowershop dahil nasa bahay ko ang aking sasakyan.

"Ma'am Tangi!" Salubong sa akin ni Alma.

"Welcome, back po! sakto, may um-order po ng bulaklak! nakalagay sa mensahe na nais niyang kayo po ang mag-arrange. Magre-reply na po sana ako na wala ang may-ari ngunit dumating namana po kayo."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now