Chapter 81

3.7K 67 21
                                    

Hindi na ako halos makahinga ng normal. Hawak ako ni Rozzean sa aking kanang kamay at si Luther naman ay sa aking kaliwang kamay. Masama ang tinginan nilang magkapatid habang ako ay nakagitna sa kanila.

"Ang sabi ko ay bitawan mo si Thaliana, Cyron. Ano ba hindi mo maintindihan doon--"

"I said no. Ano rin ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, Luther?"

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pero nagtagal kay Rozzean ang mga mata ko nang mahuli niya ang aking tingin. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, hindi ba at ayaw na niya sa akin? hindi niya na ako gustong makita?

Sa bahay pa lang niya ay marami na siyang sinabi na dapat tumigil na ako sa paghingi ko ng pagpapatawad niya pero ano ang ginagawa niya dito ngayon? kung kailan nakapag-decide na ako na kalimutan siya ay saka siya babalik at biglang magpaparamdam na parang importante talaga ako sa kaniya na may pagmamahal pa rin siya.

Pagkatapos ano?

"You are done with her, right? ano pa ang palabas na ito, Rozzean? dahil ba sa kumpanya? dahil ama ni Thaliana si Tito George? ang isa sa tumutulong sa iyo?"

Nakita ko na nagtagis ang bagang ni Rozzean.

And that's what I want to know also! nakuha iyon ni Luther! iyon ang nasa isip ko na baka nga ginagawa ito ni Rozzean para hindi sa kaniya magalit ang Daddy ko! that he will just use me! kasi, bakit hindi? even after the conversation I had with my father, kahit nakakuha ako ng salita niya na hindi niya gagawin na idamay ang kumpanya nito, iba na ang desisyon ni Rozzean.

And Luther got it also.

"Bakit hindi ka makasagot, Cyron?"

Naramdaman ko na humigpit ang hawak ni Rozzean sa aking kamay. Bumaba ang tingin ko doon, nais kong hilahin muli ang kamay ko pero sobrang higpit ng hawak niya. Alam ko na kahit ilang beses ko pang subukan ay hindi ako makakawala.

"Luther stop--"

"Thaliana Tangi."

Napatingin kaming lahat kay Daddy nang biglang dumating ito. Nang maramdaman ko na binitawan ni Rozzean ang aking kamay ay napalingon ako ng mabilis sa kaniya. Ganoon na lang ang gulat ko dahil sa ginawa niya.

Why did he let go of my hand when my Dad came?

Why?

Iyon na ba ang sagot na dahil nga kay Daddy kaya siya lumalapit muli sa akin? at ayaw niyang makita ng ama ko na gumagawa siya ng hakbang?

"D-Daddy..."

Lumapit ako sa aking ama. Hindi ko na nilingon pa ang magkapatid dahil inakbayan na rin ako ni Daddy at iginiya papunta sa hapagkainan. Naramdaman ko na lang na sumunod si Luther, pumantay siya ng lakad sa akin.

Nang makarating kami sa dining area ay pinaupo na ako ni Dad sa tabi ni Luther. Nakangiti at nakatingin sa akin si Tita Cynthia. Ang mga magulang ko ay nasa aking gilid. Napatingin ako sa dami ng nasa aming harapan. Maraming iba't-ibang klase ng mga pagkain sa lamesa.

Then, I saw Taki, he was on Tita Cynthia's side. Napalabi ako nang mapansin ko na nakatingin ito sa akin. Hindi inaalis ang tingin. Ngumiti ako at itinaas ang aking kamay para kumaway.

"Mukhang gusto ka ng aking apo, Thaliana..."

Iyon ang mga salitang binitawan ni Royce Valleje. Nakangiti ito ngunit iba ang dating ng ngiti sa akin. Bigla kong naalala ang kuwento ni Rozzean tungkol sa panganay na kapatid ng mga ito. Napahinga ako ng malalim.

"Oh..."

Bumaba si Taki sa lola nito at nagulat ako nang umikot ang bata papunta sa akin.

"Up... up..."

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now