Chapter 93

2.9K 42 0
                                    

"Manang..."

May hawak nang panlinis si manang nang pumasok siya sa silid. Dahan-dahan akong naglakad sa mga pagkain na nasa sahig. Nakatingin lamang ako doon.

"You can leave me now, manang, and... don't throw away the food she cooked for me."

"S-Sir... nagsisisi na po si Tali... nakikita ko po na mahal na mahal niya talaga kayo. Sana ay magkaayos na po kayo."

Iyon ang mga salitang binitawan ni manang bago niya ako iniwan sa aking silid.

N-Narito pa rin naman ang pagmamahal.

Mahal na mahal ko pa rin siya kahit na nalaman ko na ang totoo pero ang galit sa puso ko ay hindi mawala-wala. Iba kapag nakaharap ko siya. Hindi ko makontrol ang galit ko. Mas nangingibabaw ngayon ang galit dahil sa nalaman kong panloloko niya sa akin.

Napaluhod ako sa harap ng natapon na pagkain. Binitawan ko ang crutch at pagkatapos ay naupo, kinuha ko ang isang piraso ng hita ng manok na nasa sahig at kumagat doon. Kinuha ko ang kutsara na nasa gilid lang rin at pagkatapos ay kumuha ng sisig na natapon.

Mayroon pang natira sa mga lalagyan.

Wala na akong pakialam kung marumi na ang mga pagkain na ito.

"I-I'm so sorry..."

I was mad... galit na galit ako. Hindi ko sinasadya na nasaktan ko siya.

"I'm sorry..."

Hindi ko siya maaaring harapin ng puno pa ng galit ang dibdib ko. Ayoko nang maulit ang nangyari ngayon. Ayoko na masaktan siyang muli.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising, malinis na rin ang mga pagkain sa sahig. Bumangon ako at pumunta sa bathroom. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

"There's no Tali... she's Thaliana..."

Napapikit ako ng mariin. I still love her. Mahal na mahal ko pa rin pagkatapos ng mga nalaman ko pero ang galit ay hindi nawawala. Napahinga ako ng malalalim. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. I just need to take my time. Sana ay ibigay niya iyon sa akin upang mapawi ang galit sa dibdib ko.

Naligo ako at nagpalit ng aking damit. Nang makalabas ako ng bathroom ay napahinto ako nang makita ko si Klari. Natuon ang aking paningin sa mga pagkain na nasa tray.

"Ipinahatid sa akin ni manang ang mga pagkain na ito na iniluto niya."

"Nag-alala ako ng sobra sa 'yo, Rozz, ngayong umaga ko lang nalaman na naaksidente ka. Dahil ba ito sa babaeng iyon?"

Lumapit ako sa lamesa sa aking silid at naupo. Kinuha ko ang kubyertos at nagsimulang kumain. I need to gain energy.

Pinapanood lang ako ni Klari habang kumakain. Hindi ako sumasagot sa mga itinatanong niya. Nang makatapos ako sa pagkain ay lumabas ako ng aking silid at hinanap si manang.

Tinungo ko ang kusina dahil doon siya madalas na mamalagi.

"Manang, nakapunta ka ba--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Thaliana. Umahon muli ang galit sa aking dibdib. Napapikit ako at malalim na huminga.

Damn it.

"R-Rozzean..."

"N-Nasa likod si manang, isinilong iyong mga sinampay niya pero babalik rin siya kaagad."

"What are you doing here? sinabi ko na huwag ka nang babalik, hindi ba?"

Kahit isang araw lang... hayaan niya muna ako. Kailangan ko lang ng panahon para sa sarili ko. Hayaan niya ako na makapag-isip at matanggap ang lahat ng nangyayari. Hayaan niya muna ako dahil ako ang lalapit sa kaniya sa oras na wala na ang galit at maayos na ako.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon